Chapter 20

6 0 0
                                    

Chapter 2O

"Pogi ba beh?" tanong ni Hanayo habang nakaupo kami sa sahig ng Dance Room. Kakatapos lang kasi namin ng Morning Session na Class. Nauna kami dito sa room, kami palang dalawa. Ayun si Faith siguradong kasama na naman si JP.

"Ano ka ba, may kano bang hindi pogi?" natatawa kong tanong. "Tsaka kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya, HANGGANG kaibigan lang." pahabol ko sa kanya.

"Ganyan ka naman, ang MANHID mo kahit kailan. Kahit yung nararamdaman ng ibang tao di mo madama." Naiiyak na sabi sakin ni Hana

"A-ano naman pinagsasasabi mo?" Natatawa kong tanong.

"Waaaaalaa, sabi ko ang ganda ganda mo talaga." Sagot naman niya sakin. Grabeh talaga tong babaeng toh. Agad namang may kumatok sa pintuan at napalingon kami ni Hana.

"Andito po si Ate Chessie?" tanong ng isang babae.

"A-ako po yun." Sagot ko don sa babae.

"Ah, Ate Chessie. Pinapatawag ka po ni Ma'am Anasco nasa MUSIC and ARTS Club siya, sa office niyo." Kwento ng babae sakin.

"Ngayon na ba bunso?" tanong ko sa kanya. Siyempre, lahat dapat tinuturi kong kapatid.

"Opo ate. Sabay nalang po kayo sakin." Pagyayaya ng babae.

"Ahh sige. Sandali." Sagot ko sa kanya habang papatayo palang ako. Napalingon naman ako kay Hana. "Gal, babalik ako ah?" paalam ko sa kanya.

"Sige" sagot niya. Kaya agad naman akong lumabas ng room at sumabay sa batang babae na naglalakad.

Habang papunta kami ng Music & arts Club Office. Napansin kong parang may gustong sabihin tong batang toh sakin.

"A-Ate Chessie, pag may gusto po ba kayong kasama sa lakad, gusto niyo po ba na yung taong crush mo yung makakasama mo?" tanong niya sakin ng nahihiya.

"Oo naman. Chance na yun eh. Bakit? May nagyayaya ba sayo sa date?" tanong ko naman.

"Ah, kasi po oo. Pero bawal po po eh." Sagot niya

"Tama, kasi bata ka pa." paubaya ko naman sa kanya. Nang makarating kami sa labas ng MAC nagpaalam at nagwave siya sakin, ganon na din ako. Pero nung papasok na ako, pagbukas ko ng pintuan ay..

BOOOOOOOOOGSSSSH

Napatumba ako kasama ng nakabangga ko at, nakapatong siya sakin ngayon. O_________O yung lalakeng naka-mask. Nagkatitigan kami ng matagal.. at

"Ano toh?" tanong naman ni Ma'am Anasco. Napabangon naman yung lalake at tinulungan akong tumayo.

"Sorry po Ma'am." Sabay naming sabi at napalingon ulit ako dun sa lalake.

"Sorry Chessie, nasaktan ka ba?" tanong niya.

"O-Okay lang ako." Sagot ko naman. Agad naman siyang umiwas ng tingin sakin. At nag-aakmang papalabas nan g pintuan.

"teka.." napahinto siya nung tinawag siya ni Ma'am "Andito na si Chessie ah? Sabi mo pupuntahan mo siya? Nakuu Ken Ji. Ipaliwanag mo nalang sa kanya. Or gusto mo sabihan ko nalang siya." Sabi ni Ma'am. Teka, Ken Ji ba kamo? Lumingon naman samin yung lalakeng nakaface-mask yung napakamysterious. Nagparamdam siya ngayon. Agad niyang tinanggal yung face mask niya at.. KEN JI??

"Mabuti pong, ipaliwanag niyo nalang ulit saming dalawa." Natatawa niyang sagot kay Ma'am

"Sige, maupo kayo." Sabi ni Ma'am habang paupo siya, ganon narin kaming dalawa ni Ken na medyo nagkakailangan at napaupo na. "So ganito yun, napag-usapan ng Committee ng MAPEH na supportahan ang grupo niyo, kahit gano man kaliit yang gagawin o gano ka bongga. So nabalitaan ko na this coming Monday magkakaroon ng showdown, between our School and Saint Therese Academy right?" tanong samin ni Ma'am at napatango kaming dalawa. "So ganito, may naipunan kaming money, then we want you to be prepared for the showdown. Ang buong department ang mag-aayos ng showdown stage para sa inyo. Pero kailangan din nating manalo, pero kung hindi naman, Okay lang dahil atleast malalaman natin kung saan sila magaling." Sabi samin ni Ma'am at huminga saglit. "So kayong dalawa, Ken at Chessie. Kayo ang bahlang mag-aayos ng criteria ng group niyo at lalo na pagdating sa damit. So, ngayong hapon pupunta kayo sa DIVISORIA, hindi para mag gala o ag date pero para bumili ng kakailangang gamiting damit at iba pa sa sayaw niyo okay?" pagpapaliwanag samin ni Ma'am. And now I'm in total shock.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon