Chapter 18

3 0 0
                                    


CHESSIE'S POINT OF VIEW

"Look guys. Sorry talaga ah? Kasi kailangan ko tong gawin para sa Mama ko. Minsan lang siya humingi ng favor sakin, so I'm gonna do this for you. Tsaka di naman ako magtatagal don eh. At guys, ngayong araw lang toh. I mean ngayong gabi!" pagpapaliwanag ko sa kanila habang papauwi kaming siyam sa bahay sakay yung Van nila Hanayo, para magpraktis mamaya kaso di nga ako makakasali kasi THURSDAY NGAYON! At ngayon nakaset-up yung eyeball date namin nung anak ng business partner ni Mama.

"Sigurado ka ba Chessie na hindi ka papabayaan ng kasama mo don?" nagtatakang tanong sakin ni Hana na katabi ko.

"Hindi, kasi napag-usapan na lahat. Lalo na yung Mom niya." Sagot ko sa kanya.

"Bakit di mo nalang isama si Mike?" tanong ni Jordan sakin na nasa likod ko.

"Oo! Para mabantayan ka. Hindi natin alam kung mabait o masama yang kasama mo." Pag-sang-ayon ni Hanayo kay Jordan.

"Ano ba kayo? Okay lang ako? OKAY? Tsaka sabi ni Mama may kasamang bodyguards yung lalake, kaya for sure walang mangyayaring masama?" sagot ko.

"BODYGUARDS? Magde-date nalang may bodyguards pa?" tanong naman ni JP na natatawa.

"Hindi naman ganon eh, ano ba! Basta pupunta ako don. For my mom." Sagot ko sa kanila.

"Sige na" sabay nilang sinabi.

"Tsaka, okay narin naman yung sayaw natin ah? Since may isa-isa na tayong parts." Natutuwa kong sagot sa kanila. Hindi lang sila umimik kasi halos lahat kami may hawak hawak na cellphone. Mga busy. Napasandal nalang ako sa katabi ko.

Habang nakasandal ako sa balikat nakita kong may hawak siyang phone at binuksan. Nakita ko kaagad yung wallpaper niya na picture naming dalawa. MIKE?

"Ang bigat ng ulo mo." Mahinang bulong niya sakin

"Marami kasing laman eh" bulong ko rin sa kanya pero napasandal parin ako sa balikat niya na ngumingiti parin.

Napatigil naman yung sasakyan. "Nandito na tayo!" sigaw ni Kuya Jomar yung driver ni Hanayo.

"Thank you po!" sabay naming sagot. Si Kuya jomar na kasi yung tiga sundo naming simula pa nung martes. Di kasi kami kasya sa sasakyan naming eh.

Pagkalabas namin agad naman akong pumasok sa loob ng bahay kasi nakabukas naman kaagad yung gate pagdating namin. Pagpasok ko nakasalubong ko si Ate Lyka na may dalang shopping bags. "Ano yan Ate Lyka?" tanong ko sa kanya habang nakangiti lang siya.

"Susuotin mo mamaya" natutuwang sagot ni Ate Lyka habang inabot sakin yung bags. Nagsipasukan naman kaagad silang lahat at napaupo sa couch. Halatang mga pagod eh.

Napaupo naman kaagad ako don sa bakanteng couch dala-dala yung bags. "Ano yan gal?" tanong sakin ni Faith na katabi ko.

"Susuotin ko daw mamaya." Binunot ko naman palabas ng bag yung damit na nakita ko.

"Wow!!" Sigaw ni Hana na katabi ko din "Ang ganda! So kailangan formal dress?" tanong ni Hana sakin habang hawak ko yung dress na kulay Mint Green.

"May accessories pa?" tanong naman ni Faith habang tinignan yung isa pang lalagyan ng Shopping bags.

"Grabeh, ang bongga naman yata ng date na toh." Natutuwang sabi ni Hana sakin.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon