BLAQUE
"Shit. Nawala ang baby ko!" bungad ni Ulzayle pagpasok na pagpasok nya sa bahay ko. Napakunot naman ang noo ko. Kapag sianbi nyang baby, kotse nya ang pinaguusapan. Hindi pa sya naiinlove sa babae, kaya para sa kanya, playtime lang ang relasyon. Kahit papaano, matino pa rin ng konti si Thames sa kanya.
Naupo sya sa harap ko na nakasimangot. "Ano'ng nangyare?" walang kagatol gatol kong tanong habang pinagpatuloy ko ang panonood ng movie. "Sila na ni Oanez." Awtomatikong napatingin ako sa side nya. Hackett's in trouble. Wala namang ibang mahal si Thames kundi si Peach. Napailing na lang ako. "Ano namang iniiling iling mo dyan?" curious na tanong ni Ulzayle. Nakalimutan kong nadito nga pala tong ugok na to. "Wala ka na don." Umayos sya ng upo at lumapit saken. Tinititigan nya kong mabuti. "Problema mo bakla?" tanong ko sa kanya. "May gusto ka ba kay Oanez?"
Tumayo ako saka pinatay ang TV. "Lock mo pinto paglabas mo." yun lang saka ako nagtungo sa kwarto. Ni-lock ko na rin para siguradong di ako sundan ng mokong. Dumapa ako sa kama at umalingawngaw na naman yung sinabi nya.
Sila na ni Oanez.
Sila na ni Oanez.
Sila na ni Oanez.
Fck. Pake ko ba don?! Punyeta naman oo!!
Ginulo ko ang buhok ko at pumikit. Itutulog ko na lang to.
GRAINNE
May ngiti sa aking mga labi pagpasok ko ng bahay. Haayyy. Ang matagal ko nang pinapangarap, nasa akin na. Hanggang ngayon, parang isang panaginip lang ang lahat. Dati, ini-stalk ko lang sya sa facebook. Ngayon, nakakasama ko na at nayayakap ko pa. Binagsak ko ang katawan ko sa kamang kanina pang nag-aakit sa akin. Niyakap ko agad yung unan na nasa tabi ko at saka sumigaw dahil di ko mapigilan ang pagkakilig ko. Kinuha ko ang phone ko saka ko sya itinext. "Hi, Property. Nakauwi ka na ba?" Habang hinihintay ko ang sagot nya ay nagbrowse ako sa gallery at inisa isa ang mga litrato namin. Makalipas pa ang ilang minuto nagtaka na ako nung walang reply akong narereceive. Tinawagan ko sya pero ring lang ng ring. Maya-maya'y, "Sorry Private, nadito na ko sa bahay. Naligo lang ako kaya di kita naitext agad. Tulog ka na po ha? Tutulog na rin ako. I love you." Ano pa nga bang dapat kong maramdaman edi syempre sobrang saya! Sa sobrang saya ko napatalon ako sa tuwa. Nung mapagod ako ay saka ako dumapa at niyakap ang unan na nasa tabi ko. "Mahal din kita, Thames." bulong ko sa sarili bago matulog.
THAMES
Nakangisi ako habang nirereplyan ko si Hackett. Akala nya talaga siguro, inlove na inlove ako sa kanya. Kakatapos lang namin ni Peach at kasalukuyang naliligo ulit sya kaya nagkaroon ako ng chance na sagutin ang text nya. Aware naman si Peach sa ganitong gawain ko. Pero si Peach talaga ang mahal ko. Alam nyang laro lang ang lahat nang ito. "Bakit nakangiti ka dyan ha?" bungad nya saken matapos kumandong sa hita ko. Ang bango bang lagi ng babaeng to. Kaya mahal ko to e. "Wala naman mahal. May bago kasi akong laruan." Umusyoso sya sa cellphone na hawak ko. "Strong ha, Private at Property ang endearment. Patingin nga ng rings." sabi pa nya. Mula sa bulsa, kinuha ko ang singsing na pinagawa ko kanina lang. Inri nya ito. Si Peach pa? Sanay na sanay syang tumingin kung fake o hindi ang mga alahas. "Hm. Stainless. Class B." ipinatong nya ang singsing sa mesa. "Baka naman makalimutan mo na ko dahil dyan ha?" lambing nya. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino. Kahit pa may mas maganda sayo." assurance ko. "Patingin nga ng hitsura ng toy mo ngayon." Kinuha nya ang phone ko saka nagbrowse sa gallery. "Bakit naman mukang manang tong toy mo ngayon? Mukang muchacha. Naubusan ka na ba ng fangirls mo?" natawa ako sa reaksyon nya. "Mahal, yun na nga eh. Lalong babango ang pangalan ko kase iniisip nila na wala akong pakielam sa hitsura ng isang tao basta mahal ko, tanggap ko. Saka nachallenge ako sa babaeng yan. Di sya katulad ng iba na tingnan ko lang, maghuhubad na sa harap ko. Parang ikaw lang." mahabang litanya ko. Sumama ang tingin nya saken. "Oh, bakit?" takang tanong ko. "Wag na wag mo kong ikukumpara sa babae mo. Im gold, she's just a pebble." napakamot na lang ako sa ulo. "Opo mahal. Sorry." sabay yakap ng mahigpit sa kanya. "Tulog na tayo, pinagod mo ko e." yaya ko. Tumayo na sya at nagpatiuna pagpunta sa kwarto. Dali dali ako ng kilos saka ko sya binuhat na parang bagong kasal at dinala sa kwarto ko. Bago matulog, nagharutan pa kami ng konting oras.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Monster
Документальная проза"The truth is, pinagpustahan ka lang namin. Hindi naman kasi talaga kita minahal. Sorry." PS. Story may contain foul words and unetiquette actions. Read at your own risk.