ILM.11

21 1 0
                                    

Oo nga pala, hindi nga pala tayo.

Hanggang dito lang ako,

Nangangarap na mapasayo...

Kantang paulit ulit na tumutugtog sa isipan ko. Punyeta talaga. Isipin mo ang mga ginawa niya sa'yo. Isipin  mo kung gano siya kagago. Isipin mo kung ano yung mga sakit na binigay niya sayo. Kung pano ka nya pinaglaruan. Pinaasa. Niloko. Ginago. Isinubsob ko na lang sa unan ko ang mukha ko. Gusto ko nang maglaho. Mawala ng parang bula. Kung pwede nga lang ibalik ang kahapon - Wait. Pwede pala.

Pinilit kong tumayo, somehow hindi na gano kasakit di tulad kahapon. Nagbihis ako at paika ikang lumakad palabas ng kwarto. "Salamat. Aalis na ako." sabi ko sa kanya. Kasalukuyang nagbabasa siya ng libro at prenteng nakataas ang mga paa sa maliit na lamesita. Tumingin sya saken. "Okay ka na ba?" tanong nya. "Obvious ba? Nakakapaglakad na nga ako diba?" Tumalikod ako at tinungo ang pinto. 

Umuwi ako sa bahay at tinawagan si kuya Ash. 

"Good bye, Grainne. Hello Hackett." sabi ko sa sarili ko.

"I prefer the old you." bungad saken ni kuya Ash matapos kong ibalik ang totoo kong hitsura. Ayoko nang magpakamanang. Maganda ako pero nasaktan ako. Nagpakapangit ako pero nasaktan pa rin ako. Odiba? Wala sa hitsura. Inirapan ko lang sya. "As far as I remember kuya, ikaw ang kauna unahang nagsabi saken na ayaw mong magpakamanang ako dahil halos kamukha ko na si Betty La Fea sa wardrobe ko. Ngayong binalik ko ang totoong hitsura ko, nagagalit ka. Ano ba talaga?!" Tinawanan lang ako ng gago. Niyakap nya ako at sinabing, "I'm scared, Princess. Revenge will get you nothing. Maaaring magsuccess ang pagganti mo. Masaya ka ba?" He kissed my forehead. "Sana pag-isipan mong mabuti ang mga bagay bagay." Iyon lang at iniwan na ako ni Kuya.

Tiningnan ko ang orasan. Tamang tama. Magsisimula pa lang ang klase namin. Pinark ko ang kotse ko. Sa parking lot pa lang, agaw pansin na agad ang red lamborghini ko. Lahat sila ay napanganga nang makita akong bumaba. Of course, hindi nila ako mamumukhaan dahil sa matte black kong sunglasses. Nung nerdy look ako, wala ni isang lipstick na lumalapat sa labi ko, di tulad ngayon, flame red ang lipstick ko, mala Taylor Swift. Graceful, nilakad ko patungo sa room namin at lahat ng madaanan ko ay nag-gigiveway sa daraanan ko. Narinig ko ang bulung-bulungan kung sino daw ba ako. Kung matagal na daw ba akong napasok dito. 

Huminto ako sa room namin at lahat sila, napatahimik since wala pang teacher. Napagkamalan nila akong prof. Tahimik sila at inayos ang kanilang mga pagkakaupo. Nagulat sila dahil hindi nila ineexpect na uupo ako sa isa sa mga upuan ng estudyante. Since hindi ko pa tinatanggal ang aking lady hat at sun glasses, naging center of attraction ako ng mga lalaki na syang inabutan ng professor namen. "Kindly remove your hat, miss." At dahil masunurin ako, dahan dahan kong tinanggal ang sumbrero at ang sunglasses ko. 

THAMES

WTF?!

Is that Grainne? Tanong ko sa sarili ko. She looks like a goddess. Eto ba yung tinapon ko? Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Sht. Laking panghihinayang. 

Maghapon dumaan ang araw pero wala ako sa mood. Kahit si Peach na kanina pa tumatawag, hindi ko sinasagot. Gumanda lang si Grainne. Pero bakit ako nanghihinayang? Gulong gulo ang utak ko. Namalayan ko na lang na pumasok pala ako sa office ni tanda.

"Ano? Sakit ba bes?" bungad saken ng tandang hokage na to. Tangama. Bes pa uxtoh. Nahiga ako sa sofa. Tatawa tawa pa sya. "Gulong gulo na isip mo ano? Hindi mo kasi sya tinitingnan bilang sya noon kaya pinaglaruan mo lang. Para sayo, mukha muna bago ugali. Tsk. Buti na lang hindi ako nagmana sayo." naiiling pang sabi ng matandang hukluban na to. Sinamaan ko sya ng tingin. "Umalis ka na nga dito sa opisina ko bago pa kita mahampas ng tungkod ko. Wala ka namang sasabihin nang-aabala ka pang bwisit ka." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon