ILM.3

30 1 0
                                    

THAMES

"Tulala ka na naman dyan." bungad ko kay Blaque. Bumuntong hiniga na naman siya. Ano na naman kayang problema ng taong to? Binitawan nya yung papel na hawak nya. Agad kong napansin ang litratong nakaprint doon. "Himala, bini-big deal mo ngayon tong gantong issue." asar ko. "Ibang usapan yan, tol. Inosente yan." napayuko sya. Umupo ako sa tabi nya. "Paanong iba?" takang tanong ko. Tinitigan kong mabuti yung larawan. "Di ba eto yung babaeng nadapa sa harapan ko nung isang araw?" tanong ko pa. Marahan syang tumango. "Tol, alam mo naman ang ugali ko. Hindi ako marunong magsorry." naguguluhan kong tinitigan sya. "Ano bang sinasabi mo?" Bumuntong hininga ulit sya. "Nambully ako ng babae. Inosenteng babae. Sa pag-aakalang may dadalhin syang gulo sa CA dahil galing sya ng SA. Nagpadalos dalos ako ng desisyon. Hindi ko muna inalam ang lahat lahat. Hinusgahan ko sya ng walang basehan dahil lang sa kapirasong papel at sa nakasulat doon." Mukhang dinidibdib nga nya ang nangyari. Ngumiti ako. "Ako na'ng bahala dito, tol. Leave it to me."

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Tumambay ako sa gate para hintayin ang nagngangalang Grainne Hackett Oanez. Tumingin ako sa orasan ko. "Aish. Ano'ng oras na, wala pa rin sya." usal ko. "Sir Thames, bakit hindi pa po kayo pumasok?" bati ng guard saken. "Kilala mo ba si Ms. Oanez?" Napangiti yung guard. "Yun pong laging late pumasok? Yung pinagbabato ng itlog kahapon? Yung nanlandi daw kay- " Tinaas ko ang isang kamay ko para patigilin sya sa panlalait kay Grainne. "Hep. Tama na. Isa lang tanong ko andami mo na sinagot." Ilang minuto pa, natatanaw ko na ang babaeng kala mo nasa marathon kung tumakbo. Napangiti ako. Hinanda ko ang panyo ko. Hingal na hingal sya pagpasok sa gate. Malamang hindi nya ako napansin. Lumapit ako sa nakayukong si Grainne at iniangat ko ang mukha nya. Naduduling syang tiningnan ako sa mata habang ako naman ay abala ng pagpunas ng pawis na naguunahang tumulo sa kanyang mukha. "Ayan hindi ka na mukhang haggard." nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang bag niya, sinukbit sa aking balikat at hinawakan ko ang kamay nya. Hesitate, pero pinili kong higpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Humarap ako sa kanya at sinabing, "Ako si Thames, ang iyong personal bodyguard ^_^" tinitigan nya ako maya-maya, "Pinanuod mo siguro si Baemax, ano?" nakangiti na nyang sagot. Napakamot ako sa ulo. "Lika na nga. Puro ka kalokohan." yaya ko sa kanya. Alam kong lahat ng babae sa paligid namin ay natulala. Sino nga bang hindi, kahapon lamang, binato ang babaeng ito ng itlog, ngayon, kasama ko at magkaholding hands pa kami. Tumigil kami sa tapat ng room nya. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ganito ang trato ko sa iyo. Paraan ko ito ng paghingi ng paumanhin para sa nagawa ng kapatid ko. Overprotective lang sya pagdating sa CA. Ganon talaga, OA sya eh." bungisngis kong paliwanag. Nakangiti pa rin naman sya. "Kaya maraming babaeng nahuhumaling sayo." nasambit na lang nya. "Hindi ba tumalab sayo?" pakunwaring pagmamakaawa ko. "Hindi eh. Sorry." kinuha na nya yung bag nya saka tuloy tuloy ng pagpasok sa room nila. Hatid tanaw na lang ang ginawa ko at nang masiguro kong nakaupo na sya saka ako umalis. Na-curious ako kung bakit ganon na lang kaapektado si Blaque sa kanya kaya nagtuloy ako sa opisina ni Tandang Mackenzie.

"Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo dito, Tanim?" humiga ako sa sofa. "Tigilan mo ko sa kakatawag mo saken ng Tanim Tanda, hindi ako halaman." natawa sya sa sagot ko. Kung Tandang Mackenzie ang tawag ko sa kanya, Tanim naman tawag nya saken. Odiba? Para fair daw. "Gusto mong alamin kung sino si Ms. Oanez diba? Kung bakit apektadong apektado ang kapatid mong tukmol sa batang yon." natawa naman ako sa tinuran nya. "Hay nako Tandang Hokage, kung ano ano naman mga sinasabi mo dyan." nagumpisa akong magkalkal ng mga papeles nya. "Kung may hokage dito, walang iba kundi si Ulzayle yon." walang kagatol gatol na sagot ni Tandang Mackenzie. "Narinig ko na naman ang gwapo kong pangalan." anang ni Ulzayle pagpasok ng office. Pasalampak na umupo sa sofa sabay taas ng paa sa center table. "Haaayyy. Boring naman." wika ng nya. "Simulan mo na kwento, Tanda." pangungulit ko. "Tinatamad na ko. Dumating kase si Ulzayle. Pakwento mo na lang sa tukmol na yon." kunwari pa syang nagbusy-busy-han sa harap ng computer. "Tanda wag mo ko utuin. I-open nga lang ang computer di mo pa magawa, yan pa kayang kunwaring nagtatype ka dyan?" pangaasar ko. "Ah basta! Tinatamad ako magkwento. Wag kang makulit." Wala akong nagawa kundi magkalkal sa mga files nya. Nakita ko ang papel ni Grainne. Binasa ko ito. "Ano ba yang kinukulit mo kay Tandang Mackenzie, ha, Thames?" tanong nya. "Wala ka ba nakita sa Bulletin Board? Naissue na naman si Blaque." sagot ko habang busy sa pagbabasa. "Ano namang bago don?" Kunot-noong tanong ni Ulzayle. "Binully nya yung babae tapos ayun nagmumukmok. Nagiguilty ang loko. Inosente daw yung babaeng nabully nya." natawa si Ulzayle sa tinuran ko. "Malabong mautusan nyo si Blaque na magsorry." komento nya. "Kaya nga ginagamit ko ang charm ko kay Grainne para makabayad sa kagaguhan nung isa." Natawa naman si Tandang Mackenzie. "Mahirap i-please ang batang yon, Thames. Mabigat ang pinagdaanan nya kaya ako na mismo magsasabi sayo. Kung ginagamit mo yang pinagmamalaki mong charm, walang kwenta yan." napangisi naman si Ulzayle. "Hmm. Challenging. Ma-try ngang ligawan." akmang tatayo na sya nang sabihan sya ni Tandang Mackenzie. "Outdated fashion style, nerdy glasses at mahaba at kulot na buhok na nakalugay. Iyan ang hitsura ng pinoproblema ni Blaque ngayon." Nag-inarte naman ang walangya. Akmang susuka. "Wag na pala, ka-turn off naman pinagtitripan nyo. Kala ko pa naman kasing hot ni Georgina Wilson." nahiga ulit sya sa sofa. "Wala ba kayong mga pasok at tumatambay kayo dito sa office ko?!" inis na si Tanda. "Eto na nga papasok na."

I'm In Love with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon