ILM.6

25 1 0
                                    

ASH

Ilang araw lang akong nawala, may bumabakod na naman kay Hackett kahit pa nagtransform sya na parang si Betty La Fea. Walang alam si Hackett na nakauwi na ako ngayon. Balak ko talaga syang sorpresahin. Nakarinig ako ng pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay. Mukhang sila na yan. Dali-dali akong nagtago sa likod ng pintuan. "Pasok ka muna." alok nya. "Uhm hindi na, kuntento na akong maihatid ka. Sige na, pasok na sa loob. Wag na lalabas ng bahay ha? Wala ka pa man ding kasama ngayon. Double lock your door, tapos tawagan mo agad ako kapag nagkaproblema." bilin nung lalake. Hmm, magaling na bata. Mukhang seryoso to. Teka, parang ugali ni Fall. naisip ko. Narinig ko syang nagba-bye kaya naisipan kong lumabas na mula sa pagkakatago. "Waaaahhhh kuya ko! Kuya ko!" sigaw ni Hackett sabay talon saken at hinalikan ako ng paulit ulit sa pisngi. Automatic namang sinambot ko sya. Susmaryosep na batang to feeling six years old -_- "Hoy babae, baka gusto mong bumaba dyan? Nagseselos ako." naagaw ang atensyon naming dalawa dahil sa nagsalita. Halata sa mukha nyang iritado sya sa nakikita. Napangisi ako. "Possesive ka." tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Wala kang pake. Mahal ko yang nilalandi mo." walang pasintabing sagot nya. Mukhang di nya ko kilala. "Pake mo rin kung landiin ko sya?" haha sarap nya asarin. "Hindi mo magugustuhan kapag nangyari yun" sagot naman  ni Thames na nakangiti. Binatukan naman ako ni Hackett. "Anong landi landi sinasabi mo dyan, ha KUYA?!" bumaba sya saken at saka hinarap si Thames. "Isa ka pa! Di mo ba narinig na tinawag ko syang kuya? Hays!!!" paliwanag nya. "Kuya mo yan? Bat ganan ka kasweet sa kanya? Para kayong may relasyon. Di kayo magkamukha." komento ni Thames. "tsaka ko na lang sayo kukwento. Anyway, Kuya Ash, this is Thames Carter. Thames, this is my only family, Ash Gryffon." pagpapakilala nya sameng dalawa. Nilahad ko ang kamay ko saka ngumiti. "Carter. Are you related to Eugene Mackenzie Carter?" tinanggap naman nya ang kamay ko at nagshake hands kami. "Eugene Carter? Ah, si Tandang Carter." sabay tawa. "Sorry for being rude. Yes, he's my grandfather. Fiance ni Hackett." pakilala nya. "Hoy Thames, di pa kita sinasagot no. Nanliligaw ka pa lang." angal naman ni Hackett. "Papunta din yun dun." sabay ngiti ulit ni Thames. "Isa na namang tagapagmana ang nabiktima mo, Grainne." puna ko. "Ginayuma mo ba ako, Hackett? In fairness ha, effective." komento naman ni Thames. "TSE" sagot ni Hackett sameng dalawa. Nag-apir kaming pareho ni Thames.

Umalis muna si hackett para magpalit ng damit. Binasag ko ang katahimikan. "Carter. I heard your name. Casanova King, diba?" napapailing kong tanong. "Lahat naman may karapatang magbago." nakangiti nyang sagot. "Ayoko lang masaktan ulit ang prinsesa ko. Hackett's not my real sister. She's adopted. Anak sya ni Noir Santiel sa pagkabinata." halatang na-shocked sya sa sinabi ko. "Di mo alam?" napailing lang sya. "That's why SA is on grieving as of now. Noir is nowhere to be found at nanganganib ang marriage life nila ni Carell. Pinaghiwalay sila ni Fall. Ngayon, ikaw naman. Isa ding heir ng Carter tulad ni Fall na isa ring heir ng Santiel." kwento ko. "Now I understand why.. " tumingin muna sya saken bago ulit nagsalita. "Nagustuhan ko sya dahil sa ugali nya. Mabait. Totoo sa sarili. Simple. Sya yung tipong dapat irespeto at igalang." napangiti ako sa sinagot nya. "Ano naman ang maasahan ko sayo bilang manliligaw ng kapatid ko?" tanong ko sa kanya. "May mga oras na talagang di ko sya maintindihan lalo na pag nagiging emotional sya at feeling nya nababalewala sya. May mga oras na nakakairita ang ugali nya pero mas lalo syang napapamahal saken. Sa abot ng makakaya ko, hanggat mahal ko sya, di ako mapapagod intindihin sya. Di na lang ako magbibitaw ng salita. Gagawin ko na lang ang nararapat. Words? Ano, mangangako ako tapos di ko naman matutupad? Darating at darating talaga kami sa punto na mag-aaway kami, magkakaroon ng misunderstandings, magbe-break. Nasa samen nang dalawa yon kung patuloy pa rin kaming lalaban. Bilang kapatid, alam kong nagaalala ka sa kanya. Isa lang mapapangako ko, sagutin man nya ako o hindi, kasama mo na akong magbabantay sa kanya mula ngayon." sagot nya. Dumating na si Hackett. "Anong pinaguusapan nyo?" ungkat nya. "Yung bakla sa kanto, princess." sumimangot na naman sya. "Di na ko magtatagal, Ash, Hackett. May dadalawin pa kasi ako." paalam nya. I just nod. Hinatid naman ni Hackett sa gate si Thames. "Ang sexy mo dun sa photo pero ayoko nang magsusuot ka ulit ng ganon. Subukan mo lang at magaaway tayo." narinig kong bilin nya kay Hackett. Natawa na naman ako. Ays din tong si Carter, may pagkaconservative. "Gago. Uwi na." nagflying kiss pa ang mokong di naman sinalo ni Hackett.

 Ilang minuto pa umalis na si Thames at pumasok na si Hackett. Naupo sya sa tabi ko at hinilig ang ulo sa balikat ko. "I like him for you." nasabi ko sa kanya. I heard her sigh. "Di pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya." I tap her back. "Just take it slow, princess. Dont force yourself kung talagang wala. Kahit kaming mga lalaki, ayaw namin na paasahin kami sa isang bagay na akala namin magiging samen bandang huli." nakangiti kong payo. "He's a Casanova King. What if mapabilang lang ako sa numerous girlfriends nya?" nagaalala nyang tanong. "He seemed nice.  Hmm. If you really love that guy, you must love him unconditionally. Give him a chance. Lahat naman pwede magbago pero putangina pag niloko ka babayagan ko nang matauhan. Kilalanin mong mabuti. Alam mo naman yung rules ko upon courting you, diba? Never ever give up your virginity until after marriage. Wag ka magpapahawak sa maseselang bahagi ng katawan. If he asks you out on a date, date with friends but never sa sinehan. If you want to kiss him? A smack will do. No passionate kisses, it will turn into something bad. Mahal kita. Ayokong mapahamak ka. Ayoko matulad ka sa karamihan. Value yourself, don't lower your standards. Let men chase you." ngumiti sya at niyakap ako ng mahigpit. "Di ko alam ang gagawin ko pag nawala ka kuya." paglalambing nya. "Sus. Laki-laki mo na di mo pa rin alam ang gagawin mo? Dami mo nga fans dyan." ngumuso na naman sya. "Im lucky to have you." puri nya. "Tama na ang papuri. Magbihis ka at tinatamad akong magluto. Date na lang tayo sa labas." yaya ko. "Yehet. Treat mo?" tanong nya. "Oo. Kawawa ka naman mawawalan ka pa ng allowance." pang-aasar ko.

I'm In Love with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon