P R O L O G U E

883 19 1
                                    

MARIRINIG ang malakas na halakhakan ng magkakabarkadang sina Lewis, Blaise, Zeus at Jason. Natapos na naman ang isang masayang araw para sa kanila. Si Lewis ay nasungkit na naman ang pagiging MVP sa laro nila kanina ng Volleyball. Si Blaise naman ay naging champion sa kakatapos lang na dance competition. Si Zeus ay na-break ang record n'ya sa dami ng rebound at three-point shots. Si Jason, nanguna naman sa pagiging dean's lister.
Normal na sa kanila ang mga ito, pero parang bago pa rin sa pakiramdam dahil hindi sila nagsasawa. Mahal nila ang bawat ginagawa nila. Isa lang ang common denominator nila at ito ang naging dahilan kung paano sila nagkakila-kilala. 'Yun ay ang pagiging scholar nila sa Juan Cruz & Felipe Monreal University.
"P're, bakit ba tayo nag-se-senti dito? Hindi ba dapat nag-pa-party tayo?" natatawang tanong ni Zeus.
"Yah, ano ba ang bago? Dito naman talaga tayo palagi pagkatapos ng awarding," napapailing na sagot ni Jason.
Sabay-sabay nilang nilanghap ang simoy ng hangin. At muling pinagmasdan ang kamangha-manghang tanawin sa harapan nila. May ilang taon na rin silang magkakasama kaya naging gawi nila ang pagtambay sa kanilang 'Sanctuary.' Dito sila nag-se-celebrate, dito rin sila nagluluksa (kung may ipagluluksa man sila), dito rin nila pinaplano kung ano ang gusto nilang mangyari sa buhay nila, at dito rin nila balak na dalhin ang babaeng bibihag sa puso nila.
Ang babaeng nagpapakita ng kinabukasan nila. Ang babaeng nais nilang makasama habang buhay. Hindi man halata, pero mahalaga sa kanila ang Sanctuary. Walang ibang nakakapunta dito maliban sa kanila. Bukod kasi sa nasa probinsya 'to nila Zeus ay wala na rin namang nakatira dito sa lumang bahay. Sila na lang din ang nagpupunta dito at nagpapanatili sa kalinisan.
Huminga nang malalim si Lewis. "Ah. Basta ko, pagod ako at ang gusto ko lang ay i-enjoy ang view at mag-relax."
"Nakaligtas ka na naman kay Kate Lyn, 'no?" puna ni Blaise.
"Wala, e. Hindi ko papagupitan ang buhok ko. Napanalo ko na naman ang game, e," mayabang na anas nito.
"Kung babae 'yang si Lewis, baka naligawan ko na," natatawang sabi naman ni Jason.
"'Lul! Kung babae ako hindi kita papatulan. Ang dami-dami mong tigyawat, e," pang-aasar na balik naman ni Lewis. "Atupagin mo na lang ang diskarte mo kay Louane. Natotorpe ka na naman. Bakla ka siguro, 'no?" sabi pa nito at saka humalakhak.
"Gago ka! Mas mukha kang bakla sa 'kin. Effortless pa. Mukhang babae talaga. Ganda mo, p're," balik naman nito.
Nag-poker face si Lewis at sinagot na lang ng dirty finger ang kaibigan.
"Mga p're, balak ko na pa lang dalhin s-"
Hindi pa natatapos ni Blaise ang sinasabi n'ya ay siningitan na siya ni Zeus. "Sigurado ka? Baka naman nabibigla ka lang? P'wede pang magbago 'yang isip mo."
"Hindi, e. Sigurado na ako sa kanya. Three years, 'tol. Tingin mo hindi pa 'yon?"
Nagkatinginan ang tatlo. Iba kasi ang pakiramdam nila sa nobya ni Blaise. Maganda ito at maganda naman ang pakikitungo sa kanila, pero pakiramdam nila ay may mali sa relasyon ng dalawa.
"Pagpaliban mo muna 'yan, 'tol," pasimpleng awat ni Jason. "Bata pa naman kayo, e. Hindi naman nagmamadali 'tong sanctuary na magdala tayo ng babae."
"P're, ang pangit nang pagkakasabi mo. Ayusin mo nga 'yang tagalog mo! Para kang hindi Pilipino!" natatawang sabi ni Lewis.
Nag-dirty finger lang ito sa kanya bilang sagot.
"Blaise, huwag kang magmadali. Dadating ka rin d'yan sa tamang panahon," simpleng sagot lang ni Zeus.
"Bakit kayo gan'yan sa akin?" tila nagtatampong tanong nito. "Ngayon lang ako naging sigurado sa buong buhay ko. Pakiramdam ko talaga she's the one," sabi nito na tila nagkaroon ng sparks sa mga mata. "Palibhasa mga wala kayong love life."
"Ah, wala na! Namemersonal na. Ibang usapan na 'yan. Itulak na sa bangin 'yan!" sabi ni Zeus at nagkunwari na naiinis. "'Tang'na! Kapag ako nagka-girlfriend, ihu-who you kita!"
Nagkatinginan si Lewis at Jason dahil sa huling linya ni Zeus.
"Papayat ka muna. Kaya hindi ka pinapansin ng mga babae, e. Kahit ang galing-galing mo," pang-aasar ni Lewis.
"Oo nga, tingnan mo nga 'yang tiyan mo. Ikaw ang athlete na ang taba-taba," dugtong pa ni Jason.
"'Tang'na, pine-personal ko ba kayo? Bakit kayo gan'yan sa akin?" Tumingin siya kay Blaise. "'Tang'na mo kasi, Blaise, e. Ikaw nagsimula nito, e!"
Si Blaise naman ay napailing at hindi na pinansin ang sinabi ni Zeus. "Ah, basta! Dadalhin ko siya dito. Sigurado na talaga ako sa kanya," pagpupumilit pa ni Blaise.
Nagkibit-balikat ang tatlo at nagkunwaring hindi narinig si Blaise. Alam nilang hindi na nila ito mapipigilan. Basta sila, siguradong hindi muna magdadala ng babae sa kanilang Sanctuary. Hindi pa sa ngayon, dahil ika nga ni Blaise, wala pa silang love life.
Wala pa nga ba? Pa'no kung on the way na pala?

***

A/N: Update is at least twice a week.

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon