C H A P T E R 5

122 9 0
                                    




                  

PASIMPLE akong pumasok sa kuwarto ko. Kailangan ko kasing kuhanin ang cellphone ko at hindi ko nakuha bago ko papasukin si Lewis. Narinig ko ang lagaslas ng tubig kaya sigurado akong hindi pa siya tapos maligo. Umupo muna ako sa chair sa study table ko para basahin ang sangkaterbang text ni Jesse.

            "Ano problema mo? Ang dami mong text. Hahahah!" reply ko na lang sa kanya. Tanong kasi nang tanong kung kumusta ako, kumusta jogging namin, at kung ano-ano pa ang kinamusta n'ya.

            Na-stiff ako sa kinakaupuan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Imposibleng pinto ng kuwarto ko 'yon, iniwan kong bukas 'yon kaya sigurado akong sa banyo 'yon. Nakalabas na ng banyo si Lewis. Tinuloy ko lang ang pagtingin sa cellphone ko at hindi ko na lang siya pinansin.

            "Maliligo ka na rin?" tanong n'ya. Umiling ako bilang sagot. "Paabot naman noong bag ko d'yan sa tabi mo, hindi ko kasi nakuha 'yung polo ko kanina," pakiusap n'ya.

            Tiningnan ko 'yung bag na nasa tabi ng laptop ko. Kinuha ko ito inabot nang hindi pa rin lumilingon sa kanya.

            "Bakit ayaw mo tumingin?" tanong n'ya pagkaabot n'ya sa bag.

            "Wala ka kasing damit, baka kung ano pa makita ko," sagot ko.

            "Nakadamit na ako."

            Tumingin na ako sa kanya. Nakasuot na ang polo n'ya pero hindi pa ito nakabutones. Nakikita ko ang katawan n'ya. Syet. May namumuong abs sa tiyan n'ya. At ngayon ko lang napansin na maputi pala si Lewis despite sa pagbibilad namin minsan. Inangat ko na ang tingin ko dahil baka makahalata na siya. Nakapatong ang tuwalya sa basa n'yang buhok.

            May pagka-wet look pa siya. Syet ulit. Ang hot n'ya tingnan. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

            "N-nag-text pala si Jesse, hindi mo raw sinasagot tawag n'ya," sabi ko para maiwas ko ang aking pag-iisip sa nakita ko.

            Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Itutulak ko na sana siya nang biglang may inabot siya sa likuran ko. Cellphone n'ya pala. Nasa ibabaw ng study table na nasa likuran ko.

            "Dinaig n'ya pa ang Mommy ko sa dami ng tawag n'ya," natatawang sabi nito pagkakita sa cellphone n'ya.

            "Close talaga kayo ni Jesse, 'no?"

            "Kami? Hindi," sagot n'ya sabay punas sa buhok n'ya. "Ngayon nga lang kami no'n nagkaka-text. We barely know each other. I mean, sa court lang kami nagpapansinan."

            Hinatid ko sa labas ng gate si Lewis pagkatapos n'yang magpaalam kila Papa. Close na talaga sila ni Papa. As in close na. Ilang oras pa lang silang nagkakakilala, pero parang si Papa gusto na n'yang dito na rin umuwi si Lewis at magkukuwentuhan pa raw sila.

            "Pakisabi ulit kay Tito, thank you. See you sa school. Bye!" nakangiting paalam ni Lewis.

            "Sige, ingat," sagot ko na lang at tinanguan siya.

            Nagulat ako nang bigla n'ya akong hinalikan sa noo. Ang bilis nang pangyayari at hindi ko talaga namalayan. "Ingat ka sa pagpasok," mabilis na sabi n'ya at tuluyan nang umalis.

            Napahawak ako sa noo ko. "Shit. Ano 'yon?"

            NAKANGITI si Coach Troy habang pinapakita sa amin ang hawak-hawak n'yang envelop. Base sa itsura nito, galing ito kay Sir Felipe, isa sa owner nitong school. Dalawa lang ang ibig sabihin ng sobreng galing kay Sir Felipe, isang negative at isang positive. Pero base sa mukha si Coach Troy mukhang positive ito.

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon