C H A P T E R 8

86 5 0
                                    

PAGKATAPOS mag-ayos ni Lewis ay dumeretso na kami sa bahay nila. In-invite ako ni Tita Becca para kumain sa kanila. Nagluto raw kasi siya ng carbonara at bibili daw si Kuya Lance ng pizza. Sino ba ang makakatanggi sa offer na 'yon? Pizza and pasta is life.

Pero seryoso, nagluto talaga si Tita para sa akin. Gusto n'ya raw mag-thank you. Hindi ko alam kung bakit ako nakakatanggap ng sobrang nakaka-overwhelm na treatment sa kanila. Parang hindi ko na-deserve.

Simple lang ang bahay nila Lewis. Wala silang taas, may kalakihan pero sobrang simple lang talaga. Ang tanging garbo lang sa bahay nila ay 'yung LED HD TV na parang 49 inches ang laki or mas malaki pa. Nalulula ako sa sobrang laki. Itatanong ko sana kung nasaan ang kuwarto ni Lewis dahil may tatlong pinto na sure akong kuwarto, pero nakita ko kagad dahil sa isang pinto ay may nakalagay na 'LEWIS'.

"Baby, magpalit ka muna ng damit, baka pinagpawisan ka na ulit," malambing na utos nito kay Lewis. Tumango lang siya bilang sagot. Tumingin sa akin si Tita. "Kate Lyn, upo ka muna d'yan, maghahanda lang ako."

Umiling ako. "Okay lang po ba kung tulungan ko po kayo?" tanong ko. Ayaw kong umupo mag-isa dito sa salas nila dahil ang laki talaga ng TV, feeling ko lalabas si Sadako.

Hindi na naman tumanggi si Tita at sinamahan ko na nga sila sa kusina nila. May counter table na nakapagitan sa pinaka-dining area nila at sa kitchen. 'Yung dining table nila ay good for six person lang. Ini-expect ko talaga na malaki ang bahay ni Lewis. 'Yung tipong pang mayaman talaga. 'Yung pinsan n'ya kasi na si Sky mayaman, e. So, I thought they are the same kasi 'yung datingan n'ya kasi gano'n. Alam n'yo 'yung itsurang mayaman, gano'n!

Tinulungan ko si Tita Becca na isalin 'yung sauce ng carbonara sa malaking plate kung saan nakalagay na 'yung pasta. Naaamoy ko 'yung sauce, amoy pa lang mukhang masarap na. Nate-tempt na akong kumuha at kumain na, pero nakakahiya naman kung mauuna pa ako.

Kukunin ko na sana 'yung mga plato para iayos na sa lamesa, pero inunahan ako ni Tita. Siya na lang daw, isunod ko na lang daw sa kanya 'yung mga utensil at baso. Sinunod ko lang si Tita. Ang sarap sigurong maging nanay ni Tita. Pansin ko kasing sobrang hands-on siya. Saka sobrang lambing n'ya sa mga anak n'ya, lalo na kay Lewis.

"'My, nakita mo po ba sa CR 'yung ponytail ko? Napatid kasi 'yung gamit kong goma kanina. Ang init-init."

Napatingin ako kay Lewis. Nakapambahay na ito. Nakasuot ng board shorts at kulay pink na t-shirt. Nakasuot pa rin ang headband na pinasuot sa kanya ni Tita. Kung titingnan mo talaga si Lewis para siyang babae.

"Bakit?" seryosong tanong n'ya sa akin.

"W-wala. Masamang tumingin?" balik ko sa kanya.

"Nilagay ko yata sa gilid ng ref, baby. Kunin mo na lang doon. Ubos na ba 'yung mga sanrio mo? Ibili na lang ulit kita pagpunta ko sa palengke bukas."

PAGKTAPOS kumain ay pinag-stay muna nila ako sa sala, maghuhugas lang daw si Tita ng pinagkainan namin at magkukuwentuhan kami. Sinamahan ako ni Kuya Lance. Nagpaiwan naman sa kusina si Lewis, tutulungan n'ya lang daw si Tita.

"Kuya, p'wede bang magtanong?" pabulong na tanong ko.

Lumapit ng kaunti ang mukha ni Kuya Lance sa akin. "Bakit bumubulong ka?" pabulong na tanong n'ya rin at saka tumawa. "Ano 'yon?"

"I don't want to be rude, pero may problema ba kay Tita?" Tumaas ang kilay n'ya. "I mean, hindi ko maiwasan na mapansin na parang babae ang turing n'ya kay Lewis. Lalaki naman s'ya, 'di ba?"

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon