C H A P T E R 3

162 11 0
                                    

“POOR, Lyn, bakit hindi mo sinabi sa akin?” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Jesse.
Nakita n’ya kasi ako sa ospital at nakita n’ya rin ang hawak kong x-ray. Hindi na ako nakapagdahilan. Sinabi ko rin sa kanya ang totoo kung bakit hindi na ako naglalaro. At katulad ng reaksyon ng ilan kong close friend, naawa sila sa akin.
“Para kang bakla, Jesse. Tumigil ka nga,” saway ko sa kanya.
Sumeryoso ang mukha n’ya. “Naiiyak talaga ako! Sabihin mo ng bakla ako, pero 'tang’na! I can’t imagine kung paano mo natanggap 'yan.”
“Shut up, Jesse. Kung nasa sitwasyon kita, maiisip mo na lang din na hindi lang sa Volleyball iikot ang mundo. Marami pang bagay na p’wedeng pagtuunan ng pansin.”
“Lyn,” hinawakan n’ya ang kamay ko, “please do the therapy. Kung kailangan mo ng kasama, sasamahan kita. I really want to see you play. Hindi lang ako, pati si Lewis. Kung alam mo lang kung gaano kami na-amaze habang pinapanood ka naming maglaro kahapon.”
“Lewis?” nagtatakang ulit ko sa pangalan ni Lewis at inalis ko ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko.
“Oo, hindi mo ba alam? Ikaw ang rason kung bakit sa JCFMU siya nag-aral at pumasok sa volleyball boys,” gulat na sagot n’ya. Napailing siya. “Patay ako nito kay Lewis.”
“Ha? Ako? Seryoso?” natatawang tanong ko pa.
Napakamot siya sa ulo. “Para kang sira, Lyn. Mostly sa mga player idol ka! Ang iba sa kanila ikaw talaga ang dahilan kung bakit sa school natin pumasok at nag-try out sa team.”
“'Wag mo nga akong pinagloloko, Jesse. Ang daming magaling d’yan na player, e. Hindi naman ako gano’n kagaling. Average lang.”
“You beat the volleyball boys before ka mag-retire, Lyn. Don’t underestimate your skills,” tila inis nang sabi n’ya. “I know you still want to play, Lyn. Please, do the therapy.”
Umiling ako. “Baka hindi namin kayanin, baka ilang session lang ang kayanin. I need to take the therapy for three months, Jesse. Medyo magastos. Saka ga-graduate na ako this school year, hindi na rin ako gaanong makakapaglaro kung makakapaglaro pa nga ako after three months.”
One of the reasons kung bakit hindi na rin ako bumalik noon kay Dra. Sy ay dahil alam ko kung gaaon kagastos ang therapy. Sa gamot nga lang ay medyo nahirapan na kaming iraos, e. Pinilit lang dahil ayaw nila Mama na mapabayaan ang shoulder ko at lalong lumala. At isa pang reason ay natakot ako na baka hindi rin naman kayanin sa therapy at hindi na talaga ako makabalik sa paglalaro.
Kaya imbes na subukan ko ay sumuko na kagad ako. Nag-move on na lang at hindi na muling tumingin sa pinanggalingan ko.
“KATE LYN!”
Napairap ako nang marinig ko ang pangalan ko. Hindi ko na kailangan lingunin para malaman ko kung sino ang tumawag sa akin.
“Bakit, Lewis?” iritadong tanong ko. Kung makasigaw kasi.
“Ano 'yung sinabi ni Jesse na hindi tuloy ang match?”
“Hindi ako maglalaro,” maikling sagot ko. Galit na tiningnan n’ya ako. Kinilabutan ako sa tingin n’ya. Pakiramdam ko ay kakainin n’ya ako nang buhay. Umiwas ako sa tingin n’ya. “Hindi ako p’wedeng maglaro,” ulit ko at nagpatuloy sa paglalakad.
“Bakit?!” galit na tanong n’ya at hinawakan ang kaliwang braso ko. “Bakit?” mas mahinahon nang tanong n’ya.
Tiningnan ko siya at dahan-dahang inalis ang kamay n’ya sa braso ko. “Dahil kapag naglaro ako ng intense ay may chance na humiwalay na nang tuluyan ang balikat ko sa katawan ko, okay na?”
“H-ha?”
“Hindi na ako p’wedeng maglaro, Lewis. May shoulder injury ako at hindi gaanong maganda ang lagay dahil sa paglalaro ko noong nakaraan.” Mariing napapikit ako kasabay ng paghinga nang malalim bago ako nagpatuloy. “Hindi pa intense na laro 'yun, pero may epekto sa balikat k—”
Nagulat ako nang ma-realize ko na nakayakap na pala sa akin si Lewis. Medyo mahigpit ang yakap n’ya pero hindi 'yung nakakasakal. Mahigpit pero comforting ang pakiramdam.
“Tanga ka,” bigla n’yang sabi. Bahagya ko siyang naitulak dahil sa sinabi n’ya pero hindi n’ya ako pinakawalan. “Ang tanga mo.”
Kumalas na ako sa yakap n’ya. Hindi na comforting ito dahil sa sinabi n’ya. Napailing na lang ako. Akala ko iko-comfort n’ya ako, tapos bigla n’ya akong sasabihan na tanga ako? Para saan?
“Alam mong may injury ka, bakit ka naglaro?” may halong pag-aalala sa boses n’ya. “Tanga ka ba talaga? Alam mong p’wedeng mag-cause ng permanent injury 'yan, pero bakit ka naglaro?” frustrated na sabi n’ya pa. “Nagpa-therapy ka na ba?”
“Alam mo, hindi ko na alam kung concern ka ba sa akin o gusto mo lang sabihin na ang tanga ko. Oo na, tanga na ako. Tanga ako, kasi kahit alam kong hindi p’wede pinilit ko pa rin. Tanga ako kasi nagpadala ako sa inis ko. At syempre, dahil tanga ako, hindi ako nagpa-therapy. Tanga nga kasi ako,” inis na sagot ko sa kanya.
Naging seryoso ang mukha n’ya. “Bakit hindi ka nagpa-therapy? Hindi mo ba talaga alam ang p’wedeng mangyari sa iyo dahil d’yan?” Hinawakan n’ya ang kamay ko.
“B-bakit?!” gulat na tanong ko.
Kinuha n’ya ang cellphone sa bulsa n’ya at may tinawagan. “Kuya, nasa rehab ka? Okay. Punta ako. Thanks.” Tumingin siya sa akin. “Tara, magpapa-therapy ka.”
“H-ha?! Gago ka ba? Wala akong pambayad sa therapy.” Inalis ko ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko. “Ano ba’ng problema mo, Lewis? Naka-drugs ka ba?”
“Hindi.” Seryosong tumingin siya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko. “Sumama ka na lang, okay?”
Hindi na ako nakasagot dahil hinila na lang n’ya ako basta. Pinipilit kong makawala pero mahigpit talaga ang hawak n’ya sa akin. Baka kapag nagpumiglas pa ako ay dalawang balikat na ang i-therapy sa akin.
“IS SHE…?” tanong ng lalaking tinawag na Kuya ni Lewis noong dumating kami sa Rehabilitation Center. Titig na titig siya sa akin. “Siya 'yon, 'di ba?”
“Oo,” tipid na sagot ni Lewis.
“Anong ako 'yon?” naguguluhan na tanong ko.
Inaya nila ako sa isang kuwarto. Nagulat ako dahil pagpasok namin ay may mga litrato kong nakadikit sa pader. Mostly ay stolen shot mula sa mga laro ko noong high school. May isang picture pa roon na hindi stolen. Picture ko kasama ang isang babaeng nakasaklay. Tinitigan ko 'yung babaeng kasama ko sa picture. Napatingin ako kay Lewis at sa lalaking tinawag n’yang kuya.
“Kapatid n’yong babae?” tanong ko. Kamukha kasi nila.
Tumawa nang malakas ang kuya ni Lewis. Tumigil lang ito nang siniko siya ng kapatid or kung magkapatid nga talaga sila.
“That was me. After ng operation ko,” sabi ni Lewis.
“Babae ka?!” hindi makapaniwalang tanong ko.
Naging seryoso ang mukha n’ya samantalang ang kuya n’ya ay hindi mapuknat sa kakatawa. “Hindi ako babae. Lalaki ako.” Tumingin siya sa kuya n’ya. “'Tang’na naman, Kuya, e. Tawa pa. Putsa!” inis na anas nito. Pinagtulakan n’ya ang kuya n’ya palabas at sinarado ang pinto. “Pagpasensyahan mo na ang kuya ko, gago kasi talaga 'yun.”
“Ikaw talaga 'to?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
“Oo nga,” iritadong sagot n’ya. “'Yan kasi ang pinasuot sa akin ni Mommy, wala akong nagawa. P’wede kang tumawa.”
Gusto kong tumawa pero mas curious ako sa ibang bagay. “Bakit ka nakasaklay dito?”
Para siyang nakahinga nang maluwag nang nag-iba ako ng topic. “Kakatapos lang ng operation ko n’yan for my posterior cruciate ligament. Ayaw ko na sanang magpa-opera. Kasi noong naaksidente ako at sinabi nila sa akin na it will take 9 months to a year bago ako maka-fully recovred, sabi ko no’n, ano pa ang babalikan ko no’n? By that time graduate na ako from high school. Wala na akong reason para maglaro pa.”
“But what changed your mind?”
“'Yung babaeng katabi ko sa picture,” nakangiting sagot n’ya. “She inspired me to take the surgery. Kasi sabi n’ya sa school newspaper namin no’n, kahit ma-injury siya, she will never leave the court. She will do everything just to get back in the court. Kasi 'yun 'yung isa sa pinakamahalagang parte ng buhay n’ya, e, even it will take time before she can go back, she will do what should be done just to get back,” tumingin siya sa akin, “I did everything because I wanted to go back inside the court.”
Kinuha n’ya ang picture namin na nakadikit sa pader. “Isa 'to sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Tanda mo pa ba 'yung sinabi mo sa akin that time?” Ngumiti siya na parang inaalala ang araw na 'yon. “Bakit mo papangarapin na maging kasing galing ko, kung p’wede namang maging mas magaling ka kaysa sa akin, kung kasing galing ko lang din.…”
“E, 'di dalawa na tayo? Saka mangangarap ka na lang din, e, 'di taasan mo pa,” pagpapatuloy ko.

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon