C H A P T E R 9

102 5 0
                                    

"KAILAN START ng internship mo?" tanong sa akin ni Jesse. Nagkasabay kasi kami sa pila sa enrollment. Magkapero rin kasi kami ng college, magkaiba lang ng course.

"Late October pa, so, may kaunting time pa ako para mag-assist sa team. Abot siguro ako sa practice match n'yo with St. Agatha," sagot ko.

"Sa firm pala ikaw nila daddy nag-apply, you should have told me, para natulungan kita."

Nginitian ko siya. "Nako, ayos lang. Mas gusto ko rin 'yung nakapasok ako dahil sa abilities ko at hindi sa tulong ng iba. Mas fulfilling." Tiningnan ko ang hawak n'yang assessment paper. Ilang subjects lang ito. "Bakit ang kaunti ng subjects mo ngayon?"

"Nag-take kasi ako ng summer class this year, nag-advance ako sa ilang minor subjects. Mahirap din kasi na marami akong subject, nahihirapan akong mag-focus sa laro kapag alam kong marami akong gagawing assignment or projects."

Hindi talaga lahat ng varsity player ay puro paglalaro lang ang alam. Kaya proud ako sa team ko na ito, e. Hindi lang sila driven sa sports nila pati na rin sa studies nila. Hindi nagkamali si Coach Troy sa pagpili n'ya ng member. Sinigurado n'ya kasing lahat ito ay hindi lang committed sa team pati na rin sa grades nila.

"Malapit ka nang gr-um-aduate, Lyn," seryosong ani nito. "Iiwanan mo na kami."

Tinawanan ko siya. "Ikaw, Jesse, a. Nahihilig ka sa pagdadrama. Tigilan mo panonood ng drama sa TV."

"Sana magkaroon tayo ng match bago ka gr-um-aduate. Malapit na rin matapos ang therapy mo, 'di ba?" excited na tanong nito.

"As long as I have a go signal na p'wede na akong maglaro, hindi ako nakakakita ng problema para sa isang match," nakangiting sagot ko. "Excited na akong maglaro ulit."

Pagkatapos naming mag-enroll ay nag-ayang magpunta sa mall si Jesse. Naggagala lang kami. Gusto sana naming manood ng sine pero wala namang magandang palabas. Kumain na lang kami sa isang fast food noong wala na talaga kaming mapuntahan sa mall.

"Ngayon ko lang napansin, Lyn, s-um-exy ka na," sabi nito pagkasubo ko ng burger.

Nahirinan ako sa sinabi n'ya. Mabilis na kinuha ko ang softdrink ko. "Letse ka, Jesse, 'wag ka ngang magbibiro!"

"Hindi ako nagbibiro, a!" Inabutan n'ya ako ng tissue. "Para saan pa ba 'yung pagwo-work out mo at pagbibigay sa iyo ni Kuya Lance ng mga healthy foods kung hindi ka naman se-sexy, 'di ba? At least ngayon kita na natin ang resulta," sabi nito at abot taingang ngumiti.

Binato ko sa kanya 'yung tissue na inabot n'ya sa akin. Nilamukos ko lang naman ito at hindi ginamit. "Sapakin kita d'yan, e."

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na n'ya ako sa bahay. Hindi rin naman siya nagtagal kasi may pupuntahan pa raw siya. Nang nasa kuwarto na ako ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng cabinet ko. Kita doon ang ¾ ng katawan ko. Medyo maluwag na sa akin ang mga t-shirts at pants ko. Dati, hindi naman ako nagsisinturon, pero ngayon nanghiram na ako ng belt kay Mama dahil bumabagsak na ang pants ko. Siguro nga ay medyo pumayat na ako.

NAGISING AKO nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Papa. Ang lakas ng katok n'ya para bang wala nang bukas. Pupungay-pungay pa ang mata ko nang binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Inutusan n'ya kaagad ako na maglihamos dahil may panis na laway pa raw ako sa pisngi ko at nasa baba raw si Lewis.

"H-huh? Ano'ng ginagawa no'n dito? Wala naman kaming usapan, a?" inaatok na tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Papa at tinulak pabalik sa loob ng kuwarto ko at inutusang mag-ayos. Nakakahiya raw doon sa tao dahil kanina pa nasa baba. Sa loob-loob ko, bakit mahihiya? E, kung nagpasabi siya, e, 'di sana hindi siya maghihintay.

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon