C H A P T E R 6

149 7 4
                                    


WALA AKONG magawa dahil free time namin ngayon. Kakatapos lang naming mag-island hopping at magtanim ng mangrove tree kaya binigyan kami ng free time. Bukod kasi sa victory party may mga ilang activities din na kasama sa itinerary namin. In short, libreng fieldtrip ang victory party na ito.

Bumaba ako sa lobby at saktong naka-display na rito ang mga paintings na kasali sa ginaganap na portrait contest. Inter-high ito kaya galing sa iba't ibang school. May staff sa gilid kung saan p'wede kang bumoto. Since galing kami sa JCFMU at may representative kami, hindi kami p'wedeng bumoto. Lahat ng associate sa school ay bawal bumoto.

Nag-ikot ako at tiningnan ang mga paintings. Ang gaganda ng mga ito. Sigurado akong mahihirapan ang judges sa pagpili ng mananalo. Nang makarating ako sa entry ng school nakatayo na doon si Lewis. Nakatitig siya sa painting ng isang babae na may green eyes. Naka-focus sa green eyes n'ya ang buong painting at hindi ko mapaliwanag pero may kakaiba akong naramdaman sa pagtingin dito. Parang may gustong ipahiwatig. Basta ang hirap i-explain. Wala akong naramdaman na ganito sa ibang paintings.

"Sky "Ulap" Montefalco?" patanong na basa ko sa signature ng artist sa mismong painting. "Kamag-anak mo?" tanong ko kay Lewis.

Parang nagulat siya sa bigla kong pagsasalita. "Ah, pinsan ko," maikling sagot n'ya lang. "Kanina ka pa nand'yan?"

Bigla akong natawa. Ibig sabihin hindi n'ya pala ako naramdaman noong tumabi ako sa kanya. "Medyo. Ang galing, puro talented ba kayo sa pamilya n'yo?"

"Oo, lahat kami gifted," seryosong sagot n'ya.

Hindi na ako nakasagot. Parang ang seryoso na n'ya. Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Hindi rin naman siya nagsalita kaya tumitig na lang ulit ako sa painting. Ang ganda talaga, sana manalo ang entry na ito. Kung hindi man champion, pasok sana sa top 3.

"Kanina pa kita hinahanap," salubong sa akin ni Jesse paglabas ko ng exhibit. Iniwan ko na si Lewis dahil hindi naman n'ya ako kinakausap. Seryoso lang siya doon. Nakakapanibago tuloy.

"Bakit?" tanong ko sa kanya at nagpatuloy sa paglabas ng hotel. Maglalakad-lakad muna ako habang nag-iisip ng gagawin. Although, naisip ko nang magpunta mamaya sa gym para makapag-exercise ng kaunti.

"Magsu-swimming kami mamaya, sama ka?"

Tiningnan ko siya, naka-board shorts na ito at naka-white na sando na mukhang ready na sa pagsu-swimming. "Ayaw ko. Saka wala akong dalang pang-swimming. Balak ko magpunta sa gym para mag-exercise ng kaunti. Binigyan din naman ako ni Kuya Lance ng guidelines sa kung ano ang p'wede kong gawing exercise."

"Samahan na lang kita?" alok kagad nito.

"Nako, 'wag na. Kaya ko naman, e. Mag-enjoy ka na lang." Nakita ko 'yung swimming team na papupunta na rin sa swimming pool. "Saka mukhang maliligo rin ang swimming team, o," sabi ko pa na parang tinutukso pa siya.

Sakto naman at dumating na ang ibang member ng team. Inaya rin nila ako pero hindi talaga ako sumama kaya si Jesse na lang ang hinatak nila. Bumalik ako sa kuwarto ko at nagpalit ng sweatshirt, leggings at nagsuot ng rubber shoes. Wala talaga sa plano ko na mag-swimming ngayon. Mas gusto ko pang magpapawis. Nag-stretching muna ako bago ako lumabas ng kuwarto. Minasahe ko ng kaunti ang braso ko habang naglalakad papunta sa elevator.

"Is your shoulder's okay?" Napatingin ako kay Lewis. "Are you in pain?"

Pumasok ako sa elevator bago ko siya sinagot. "No, I'm fine. Mina-massage ko lang. You're coming?" Umiling siya bilang sagot kaya pinindot ko na ang close button. Pero bago pa tuluyang magsara ay humarang ang kamay ni Lewis. Bumukas ulit ito. "Something wrong?" kinakabang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

The Aces' Playlist: Lewis MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon