Chapter 3

39 2 0
                                    

Verse 3: Maybe by Secondhand Serenade

Rhythm's POV

It's the second day of class and parang napapansin kong busy ang mga tao ngayon at walang masyadong teachers ang pumapasok this morning. Dalawang professor lang ang pumasok sa lima kong klase this morning.

Nandito ako ngayon sa locker ko na nasa hallway lang ng school at nilalagay ang mga libro kong nagamit kanina.

"Hi Rhym! Sabay tayo maglunch?" Ayy oo nga pala. Siya yung babaeng nakikipag-usap sa akin kahapon. Nag-uusap kami pero hindi ko naman alam kung ano ang pangalan niya.

"Uhm sure. Ahh.. ano nga pala yung pangalan mo ulit?" Tanong ko sabay ngisi. Nakakahiya. Jologs ka talaga Rhym.

"Haha. I'm Amy Soledad. Napansin ko ngang hindi mo naman tinatanong kung ano ang pangalan ko ehh.. at nahihiya din ako kaya hindi ko nalang sinabi." Ahh kaya pala. Bobo ko talaga. Tiningnan ko siya at ngayon ko lang napansin ang magaganda niyang mata behind her glasses. Oo naka glasses siya at ang ganda niya.

"Ahh so kain na tayo?" Tanong ko at agad naman siyang umo-o. Sinirado ko ang locker ko at nagtungo na kami sa cafeteria.

Nang marating namin ang cafeteria ay nagsimula na kaming pumila para kumuha ng makakain. Pagkatapos namin kumain ay nahagip ng mga mata ko ang mga pinsan ko dun sa mesa sa dulo ng cafeteria at nagtatawanan.

"Uhm Amy. Nandun ang mga pinsan ko. Dun nalang tayo kumain sa mesa nila. Ipapakilala kita." Sabi ko sabay turo sa mesa ng mga pinsan ko.

"E, err okay." Ani niya at parang nahihiya.

Nagtungo kami dun at agad naman kaming binati ni Jessica.

"Uyy Rhym. Friend mo?" Ani niya at napatingin naman silang lahat kay Amy. Halatang nahihiya pa si Amy.

"Ahh oo. Guys this is Amy. Friend ko." Sabi ko sa kanila.

"Hi." Nahihiyang sabi ni Amy.

"Hi Amy." Bati ni Vin sabay smirk. Suss asshole.

"Amy wag kang magpadala dito kay Vin. Playboy to." Sabi ni Sun habang tumatawa.

"Fuck. Hell no!" Tanggi niya sabay batok kay Sun. Tumawa kaming lahat at umupo na kami ni Amy sa space na binigay sa amin ng mga pinsan ko.

Amy's POV

Nahihiya ako sa mga pinsan ni Rhythm pero madali lang naman silang pakitunguhan. Ang saya nga nila kasama ehh.

"Amy this is Sun, Vic, Josh, Jessica, Vin, Third, Fourth, Gabriela, at Pierce." Pakilala ni Rhym sabay turo sa mga pinsan niya.

"Hello." Bati ko habang nakangiti.

Nagsimula na kaming kumain ni Rhym nang lunch habang nagkukwentuhan naman ang mga pinsan niya. Habang kumakain ako at nakikinig sa pinag-uusapan nila nahagip sa mata ko ang nakatitig na pinsan ni Rhym na Pierce yata ang pangalan. He's staring at me blankly and his eyes seems so cold. Hindi siya tumigil sa kakatitig sa akin. Now I'm conscious. May dumi ba ako sa mukha? Parang napansin niya na nako-conscious ako kaya tumigil siya sa kakatitig sa akin. Ohh gosh! Thank God.

"So guys uuwi ba kayo pagkatapos nito?" Tanong ng pinsan ni Rhym na si Gabriela ang pangalan.

"Bakit? Wala ba kayong klase?" Tanong ni Rhym.

"Actually, tayong lahat ang walang klase." Kumunot naman ang noo ng mga pinsan ni Rhym at nagtataka kung bakit."Ehh kasi may gaganapin na battle of bands this afternoon."

"Edi manuod tayo!" Excited na sabi ni Jessica.

"Ikaw nalang manuod Jessica. Ang boring naman niyan." Ani ni Fourth at humalakhak sila ni Third at Josh. Umirap lang si Jessica kay Fourth.

The Sound Of RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon