Chapter 6

21 2 0
                                    

Verse 6: All My Friends by Snakeships ft. Tinashe, Chance the Rapper

Rhythm's POV

Ibinuka ko ang mga mata ko. Napapikit pala ako habang kumakanta. Eh, damang-dama ko yung kinanta ko eh. Nagpalakpakan ang mga tao pati mga pinsan ko at nagsigawan pa sila.

"Pinsan ko yan!" Narinig kong sigaw ni Vin. Mga gago talaga.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong bar hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita kung sino ang mga nakatayo dun. HE'S HERE? At nakatingin siya sa akin. OMG!

Nanginig ang buong katawan ko habang papunta ako sa table namin. Sinalubong naman nila ako ng baha-bahang complement. Naki high-five pa sila sa'kin.

"Maganda naman pala boses mo, 'bat di ka nila kinuha?" Ani Fourth.

"Dunno." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya at umupo.

"Baka nabingi lang." Biro ni Third. Tumawa naman sila.

Kumuha ako ng beer sa gitna ng table at ininom ito. Hinanap kaagad ng mga mata ko sina Dame. Hindi gaanong malayo ang table nila sa amin kaya makikita ko lang. Nagsidatingan na din ang mga kaibagan nila.

"Sina Dame yun diba?" Kalmadong sabi ni Amy at ininom ang kanyang light drink. Napatingin silang lahat sa kanila.

"Yep."

"Sila ba yung bandang gusto mong pasukan?" Tanong ni Kuya Jude. Tumango ako.

"Ano Rhym? Susuntukin na ba namin. Gago yan ahh." Ambang tumayo sina Vin at Sun kaya pinigilan ko kaagad.

"Hayaan niyo na nga. Ayaw naming mapaaway kayo dito." Sabi ko at uminom ng isang shot ng tequila.Umupo sila.

"Sweet mo naman Rhym. Concern." Biro ni Sun.

"Hoy magpinsan kayo Sun. That's incest." Ani Kuya Andrei.

"Sus di mabiro." Ani Sun at tumawa. Umiling lang ako at uminom naman ng isang shot ng tequila.

It's 12:45 pm na kaya dumadami na ang mga taong magpaparty sa bar. Nagpatunog naman ang DJ ng mga remixes kaya ang iba ay nagsayawan na sa gitna. Pati mga pinsan kong mga lalaki ay umalis na sa table namin at naghanap ng mga babae.

2:00 am na at mas lalo pang dumami ang mga tao sa bar. Nakalimang shots nanga ako ng tequila at parang nahihilo na ako. Inilibot ko ang mga mata ko at nakita kong may kasayaw na babae si Sun. Tss. Si Vin naman may kaharutan sa gilid ng bar. Ewww. Si Third may kaharutan din. Si Fourth may kakwentuhang babae. Si Pierce nasa counter umiinom ng beer at may kausap na babae. Ang dalawa kong kuya, hindi ko alam.

"Rhym look." Sabi ni Vic at tinuro ang table nina Dame. Tumingin din ako.

WHAT THE HELL! May dalawang babaeng nakapaligid sa kanya at inakbayan niya pa ito. Ininom ko ang isang shot ng tequila. Naiinis ako. At hindi ko alam kung bakit. Gusto kong puntahan ang dalawang babae sa table nila at hilain palabas ng bar. Damn!

Tumayo ako papuntang dancefloor. Lasing na yata ako.

"Uy Rhym saan ka pupunta?" Tanong ni Jessica ng nakitang tumayo ako.

"Sasayaw lang."

"Lasing ka ahh." Ani Gabriela. Ehh sino bang hindi malalasing sa anim sa shots ng tequila.

"I'm not." Sabi ko sa lasing na tono. Hindi naman nila ako pinigilan.

Nagpatunog ng slow rock party song ang DJ kaya mas lalo pa akong giganahan sa pagsayaw kahit wala naman akong kasayaw. Lasing na talaga ako at wala akong pakealam sa mga tao. Basta naiinis ako kay Dame at yung dalawang bruha na iyon. Pumunta ako sa gitna ng dancefloor at sumayaw.

The Sound Of RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon