Chapter 4

29 2 0
                                    

Verse 4: Tomorrow by Avril Lavigne

Rhythm's POV

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock at agad na kinusot ang mga mata ko. Hayy inaantok pa ako. Tiningnan ko ang oras at 6:30 na nang umaga. Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako ng kwarto para kumain ng breakfast. Paglabas ko ay agad na tumambad sa akin ang blankong mukha ni Kuya Andrei.

"Bilisan mo baka ma-late ka. Jude's cooking breakfast." Walang ka emo-emosyon niyang sabi. Well, nasanay na ako na ganyan talaga siya umasta.

"Okay." Sabi ko at sinundan siya patungong kusina.

"Good Morning little sis!" Bati ni Kuya Jude sa akin habang nagluluto ng breakfast. Si Kuya ang tumatayong parent namin ngayon dahil umuwi na si mama sa probinsiya para sa clinic niya.

"Good Morning."

Umupo naman kami ni Kuya Andrei sa hapagkainan. Naka-uniporme si Kuya Andrei nang kanyang unipormeng puros puti since Dentistry ang kinuha niyang kurso. Si Kuya Jude naman ay Business Ad dahil siya ang susunod na mamamahala sa hacienda at business namin.

Tapos ng magluto si Kuya at nilagay na ang kanyang nilulutong ham and bacon sa lamesa. Agad naman kaming kumuha ni Kuya Andrei nito.

"Kuya," panimula ko habang kumakain. "Mag au-audition ako ngayon sa isang banda nang school namin."

"Hindi ka makukuha." Cold na sabi ni Kuya Andrei habang nakatingin sa pagkain niya. Sumimangot lang ako at inirapan siya. Humalakhak naman si Kuya Jude.

"Don't be rude to your sister, Andrei." Sabi niya kay Kuya Andrei habang tumatawa.

"I love you sis." Sarkastikong sabi ni Kuya Andrei at hindi parin tumitingin sa akin. Kumunot ang noo ko at mas lalo pang tumawa si Kuya Jude.

"Well anyway, ikaw kung gusto mong mag-audition. Pero kaoag hindi ka matanggap ay magpaparty tayo kasama ang mga pinsan natin." Ani Kuya Jude. What? That's literally an insult. Gaah!

"Deal." Ani Kuya Andrei sabay tayo. Mas lalo pa akong sumimangot. Tapos din naman akong kumain kaya tumayo din ako para ilagay sa sink ang plato ko.

Nagtungo kaming dalawa ni Kuya Andrei sa underground parking lot ng condominium dahil nandun ang sasakyan namin. Ihahatid ako ni Kuya sa school gamit ang kanyang black BMW dahil magkapareho naman ang time sa first class namin. Maraming sasakyan si Kuya pero ito ang napili niyang gamitin ngayong araw. Ewan ko sa kanya. He's obsess about cars. Ako naman music at si Kuya Jude naman mga babae. Tss playboy. Ang dami na niya kayang pina-iyak.

Mabilis naming narating ang school ko since malapit lang din naman sa condo namin. I kissed his cheeks at nagpaalam na. Kahit cold siya at suplado ay close parin naman kami. Nang nakarating ako sa first class ko which is chemistry ay nahagip agad ng nga mata ko ang walang ka emo-emosyong vocalist ng No Exit na si Dame. I can feel my cheeks burning. Wait, what? No. Damn, hindi ako kinikilig sa kanya. What the hell!

Wala pa ang teacher namin. Naglakad ako patungo sa kinauupuan ko at sinalubong ako nang ngiti ni Amy. Pero agad namang napawi ang kanyang mga ngiti at nagtatakang tinutukan ako. Tiningnan ko rin siya.

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Are you okay? Why is youy face so red?" Pagtataka ni Amy. Pagkatapos niya yun sabihin ay tumingin si Dame sa akin with his matching blank face. Narinig niya ata.

Kumalabog ang puso ko. Dammit! Ang gwapo niya! Oh my gosh. His light fucking brown eyes, red lips na para bang naglilipstick at ang tangos ng ilong niya. Messy din ang kanyang napakaitim na buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya at ang kinis ng balat niya. Grabe ang puti niya na mas maputi pa sa akin. Malaki din ang katawan niya na para bang nag gy-gym siya. Damn those muscles. Ang tangkad niya hanggang neck niya lang ako. He's just so fucking hot and I'm drooling here. Mas lalong uminit ang mukha ko. Nakita kong inisahan niya ako ng kilay at nag-smirk. Holy shit! I'm staring at him too much. Shit.

"Rhym?" Nag-aalalang tanong ni Amy sa akin. Agad ko naman siyang nilingon at nag-iwas nang tingin kay Dame.

"H-Huh? Ahh o-okay lang ako." Letche nauutal ako. Umupo ako sa chair ko. Tumango naman siya at ngumisi.

"So..." panimula niya. "Anong club ang papasukan mo?"

"Uhm, clubs about music." Sana naman narinig ni Dame yun dahil ang ibig ko namang sabihin dun ay mag au-audition ako sa kanila.

"You sing?" Gulat na tanong ni Amy at para bang natutuwa siya.

"Oo naman." Ngumisi ako. "Ikaw? Anong club mo?"

"Hmm school paper maybe."

"Ahh okay."

Pagkatapos naming magkwentuhan ni Amy ay eksaktong pumasok ang professor namin sa Chem. Agad siyang nagsimula sa kanyang discussion at lahat naman kami ay nakinig.

"Please advance study page 22-23 on your textbook. Goodbye." Ani ng professor namin at agad lumabas ng room. Nagsitayuan din kaming lahat para pumunta sa next subject namin.

It's already lunch time at nandito kami ngayon ni Amy sa bench sa labas ng school with my cousins. Mas nagiging kumportable narin si Amy sa pakikipag-hangout sa mga pinsan ko in a short span of time. Well hindi naman talaga mahirap ang makikipaghalubilo sa mga pinsan ko. Approachable lang naman kami. While they are talking about some random things ay nagpapraktis ako sa kakantahin ko this afternoon para sa audition.

"What's that, Rhym?" Biglang tanong ni Pierce sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Okay, it's the first time that he ever talked to me this passed few days. Palagi kasi siyang tahimik. And now he's talking to me at ito yata ang pinakamataas na sentence na sinabi niya. Nakakapanibago. It's a miracle. Literally.

"Uhm a song. Kakantahin ko this afternoon." Sabi ko. Tumango lang siya.

"Rhym, I heard from Kuya Jude that mag au-audition ka raw sa No Exit at kapag hindi ka makuha ay magpaparty tayo. True?" Tanong ni Fourth.

Damn you Jude. Napaka talkative mo talaga!

"Yes it's true." Tumawa siya.

"Edi, wag ka sanang makuha para may party." Ani Josh. Tumawa silang lahat. Sumimangot ako.

"Shall I take that as my goodluck charm, Josh?" Sarcastic kong tanong sa irap sa kanila.

Tumawa silang lahat. Pati si Pierce ay naka-smile na din. Heh! Pinag-iisahan talaga nila ako.

Hapon na at tapos na ang klase ko. Nagpasama ako kay Amy sa room ng No Exit at woahhhh... may mas nauna pa sa akin na mag-audition. Pumasok kami ni Amy sa band room nila at agad sumulyap kay Dame. Para siyang walang pakealam sa mga kumakanta sa harap niya at blanko ang mukha niya habang pinapanood ang nag au-audition. Kinakabahan tuloy ako.

Pagkatapos ng ilang nag audition ay ako na. Tumayo ako at umupo sa high chair na nasa gitna ng room nila. Dala-dala ko ang guitar ko.

"Name?" Tanong nang isang morenong lalaki na naka baseball cap. I think it's their lead guitarist.

"Rhythm Coreen Montecarlo." Sabi ko.

"Start." Ani niya.

Nagsimula akong magpatugtog nang guitara. Umihip ng hangin at nagsimulang kumanta.

"And I wanna believe you

When you tell me that it'll be okay

Ya I try to believe you

But I don't."

"When you say that it's gonna be

It always turns out to be a different way

I try to believe you

Not today, today, today, today."

"I don't know how I'll feel

Tomorrow, tomorrow

I don't know what to say

Tomorrow, tomorrow

Is a different day."

Pagkatapos ng audition ay agad kaming umuwi ni Amy. Pumasok agad ako sa kwarto dahil wala pa naman sila ni Kuya at agad na humiga sa kama. Nakita ko ang mga mata ni Dame habang kumakanta ako kanina at parang binibigyan naman niya ako ng attention kanina. Naka-smirk siya sa akin at malalim na tumitig sa akin.

What's that suppose to mean?

The Sound Of RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon