Verse 7: Dakota by A Rocket To The Moon
Rhythm's POV
"Hah?" Hindi parin nag sink-in sa utak ko ang sinabi nila.
"Kukunin ka namin as our girl vocalist. Narinig ka kasi namin kagabi sa bar and your voice was absolutely incredible." Ani ng babae na nakangiti sa akin. Tumango naman yung tatlong lalaki.
"But bakit hindi niyo siya kinuha sa audition?" Tanong ni Amy. OO NGA!
"Hmmmmmmm." Aniya at lumingon silang tatlo kay Dame. Lumingon din kami ni Amy.
"What?" Cold na tanong ni Dame at nagtaas ng kilay.
Kumunot ang noo ko. How could he do this to me? But anyway, membro na ako ng banda na ito kaya okay lang. Ngumisi ako sa kanilang tatlo.
"Thank you so much. This is a dream come true." Sabi ko at niyakap si silang tatlo.
They hug me back and it was a warm welcome na natanggap ko from the band. Well, except kay Dame. I'm still mad at him for not choosing me before but I'm still thankful to him that tinanggap niya na nako considering that he's the leader of the band.
"Oyy Rhythm baka ma-inlove ako sayo ha!" Sabi ni ng morenong lalaki nang yumakap ako sa kanya. Tumawa lang ako at kinalas ang pagkayakap ko.
"Baliw."
"Anyway, my name is Georgina Lavigne or you can call me Georgi." Pakilala niya sa kanyang sarili. "This is Ramuel Sanchez o Ram, and this is Akihiro Montemayor o Aki." Sabi niya sabay turo kina Aki at Ram.
Si Georgina ay half-american. Mahaba ang kanyang kulot na buhok na kulay brown. Maputi at makinis ang kanyang balat. Pointed nose, thin red lips and she got a perfect curve body. Magkasing-tangkad lang din kami. Si Ramuel naman ay matangkad, maputi at makisig ang katawan. I think nag ji-gym ito. Matangos ang ilong, red lips pero hindi masyadong manipis at makapal ang kanyang kilay na mas lalong nagpagwapo sa kanya. I bet maraming nagkakagusto sa kanya. Si Akihiro naman half-japanese. May pagka chinito siya pero hindi masyado. May pagka-moreno rin siya pero hindi rin masyado. Matangkad din siya at gwapo. Those perfect figure ng kanyang mukha, matangos ang ilong, thin red sexy lips, brown eyes at ang haba ng pilik mata niya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. I looked at him from head to toe at isa lang ang masasabi ko, he's so damn HOT! Mapapantayan niya si Dame sa kagwapuhan niya. Like really!
Ngumiti ako sa kanila. "Hello, I'm Rhythm Coreen Montecarlo pala."
"I like your name." Ani Aki in a seductive voice na agad naman siyang binatukan ni Ram.
Tumawa lang ako. Bakit hindi ko siya napansin noon pa? He's hot! Dammit.
"Tumigil ka nga Aki." Saway ni Ram sa kanya. Tumawa naman siya.
"And I bet you know Dame dela Cruz already." Ani Georgina sabay turo kay Dame.
"Yeah I know him." How could I not? I don't just know him, I'm crazy for him simula nong tumugtog kayo.
"Welcome to the band Rhythm." Sabi ni Ram sa akin. Actually ang bait niya.
"Thank you."
Nilingon ko si Dame at pinaglalaruan niya parin ang kanyang ballpen. Naka-smirk siya habang pinagmamasdan kaming nag-uusap. Ang hot tuloy niyang tingnan.
"Amy bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya.
"Well actually nakuha ako sa Advocate o yung school paper natin and they assigned me to this band. Dapat alam ko kung anong nangyayari o mangyayari sa band na ito. Seems like para akong manager. At kasama ako saan man kayo pupunta." Paliwanag niya at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
The Sound Of Rhythm
RandomRhythm Coreen Montecarlo is just so exhausted dahil nakarami na siya ng pag au-audition sa isang banda sa school o sa isang theather ay ni isa walang kumuha sa kanya. But one time nang nag audition siya sa isang banda sa bagong school niya ay himala...