Chapter 3

424 14 5
                                    


Lumabas kami ni Cassidy sa isang restaurant. Sa kinakainan namin noong dalawa. Wala namng big deal sa amin ang pagkikita naming ito. We miss each other at hanggang doon na lang talaga iyon. Alam ko at alam niya kung sino talaga ang mahal ko.


"So kamusta ka na? Mas naging patapon ba ang buhay mo ngayon?" aniya at tumawa siya sabay kagat ng beef steak na kinakain nito.


Napailing lang ako at napatawa sa kanyang sinabi.


Unti-unti ko naring naayos ang buhay ko simula nung nawala siya. But alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi ako makokompleto. Yes, paano ba ako makokompleto kung ang taong kumuha ng kalahati ko ay wala na?


Unti-unti ko naring natatanggap na wala na talaga siya na hindi na talaga siya babalik pero meron yung time na kapag mag-isa ako biglang sumasagi sa isip ko ang mga oaras na magkamasa pa kami. Yung masaya kaming dalawa lang.


Lalong lalo na 'yung proposal ko sa kanya.


"Hoy! Tulala ka nanaman!" doon na lang nagbalik ang aking diwa ng biglang inisnap ni Cassidy ang kanyang kamay sa mukha ko.


"Ha? May sinsabi ka ba?" tanong ko at uminom ng tubig sabay punas ng napkin sa aking bibig.


"Meron. Hindi ka nakikinig eh. Para tuloy ako ngayong tanga." aniya.


Tinignan ko ang pagkagat niya sa kanyang steak at pagpunas niya sa kanyang bibig. Napatingin naman siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Tumaas ang isang kilay nito at nilapag ang baso sa iniinom niya.


"What?" tanong niya.


Naiisp ko. Paano kung maging kami ulit ni Cassidy? Hindi naman masama diba? Baka siya na yung susi para makalimutan ko siya baka mainlove pa ako sa kanya. Wala namang masamang itry diba?


"What if?" tanong ko at nagdadalawang isip kung ipagpapatuloy ko ba ang sasabihin ko sa kanya.


Tinaasan niya ako ng kilay at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.


"What if maging tayo ulit. Payag ka ba?" tanong ko.


Nakita ko ang pagmarka sa gulat ng kanyang mukha na halos hindi siya makapaniwala. Agad niyang hinagilap ang baso at linagok ang natitirang tubig doon.


"Are you serious?!" gulantang na tanong nito.


Tinignan ko siya sa kanyang mga mata na nagsasabing mukha-ba-akong-nagjojoke?.


"Hay naku, Mike. Kung dahil kay Cheska kaya tayo magiging magkasintahan wag na lang. Ayaw kung maging panakip butas sa kanya. Alam ko namang hindi ko siya mapapantayan sa puso mo." anito.

Piece of Me (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon