Chapter 5

545 25 16
                                    

Salamat ulit sa paghihintay! Hahah!

***

Chapter 5

Nakatanaw lang ako sa mga matatayu na gusali at sa mga bitwin na nasa kalangitan. Napapangiti na lang ako ng walang dahilan.




Ang puting bistida na suot ko ay tinatangay ng malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Hinaplos ko ang aking mga braso para maibsan ang kuntinh lamig na aking nararamdaman.




"Anak." napalingon ako kay Papa na nasa likuran ko. Nginitian ko siya ng tinabihan niya ako.




"Bakit po?" tanong ko at muling tumingin sa mga ilaw ng building.




"Matulog ka na. Hindi ka pa ba matutulog? Hindi ka ba makatulog?" sunod-sunod na tanong niya.




Umiling lang ako habang nakatingin sa mga ilaw at bitwin.




"Mamaya na po, Papa. Maaga pa naman. Wag ka pon mag-alala sa akin." sabi ko.




Tumango na lang ito dahil walang magawa. Nagpaalam naring mauuna na siyang matulog.




Kinuha ko ang itim nq jacket na nakasabit sa side ng table at akin iting sinuot tyaka umupo sa sofa na nasa tereis.




Pinatong ko ang mga paa ko sa isa pang upuan para makahiga at makita ang mga naggagandahang mga bitwin sa langit.




Kapag bibilangin ko ata ang mga bitwin na nasa kalangitan ay aabutin ako ng syam syam sa pagbibilang. Napatawa ako sa aking naiisip.




Hindi na rin nagkalaunan ay bumalik na ako sa aking kwarto para umidlip.




Napapikit ako ng mga mata ko at imahe nanaman niya ang nakita ko. Imahe niyang umiiyak sa harapan ko. Palagi na lang ganito ang nangyayari sa akin.




Naaktulog naman ako ng maayos ng gabing iyon.




Kinaumagahan ay naglakad-lakad ako malapit sa Park na tinutuluyan namin ni Papa. Umupo ako sa swing doon at tinulak-tulak ito.




May mga bata rin akong nakikitang naglalaro doon. Masaya silang nagtatakbuhan at naghahabulan tinitigan ko lang sila at pinapanood habang may naramdaman akong kamay na bumalot sa aking mga mata.




Naamoy ko ang pabango niya at nung naamoy ko iyon ay napangiti ako kung sino ito.




"Guess who?" tanong niya. Humalakhak ako. Tinanong niya pa kahit alam ko na nga kung sino ang taong nasa likuran ko.




"Nathan?" nakangising sagot ko.




Tinanggal niya ang kamay na nasa aking mga mata at umupo sa katabing swing. Tinitigan ko siya at nagtama ang kulay berde niyang mga mata sa akin.




"Nagpunta ako sa inyo pero wala ka naman kaya tinanong ko si Tito kung asan ka ang sabi nandito ka daw sa park." salaysay nito.




Hinagod ko ang iilan hibla ng aking buhok na sumasagabal sa aking mukha at inipit sa likod ng aking taenga.




"Naglakad-lakad lang ako kanina tapos pumunta ako dito para maaliwin ang aking sarili." sagot ko at tinignan muli ang mga bata.




Si Nathan Sweed Smith ay nagi g kaibigan ko na simula nung nanirahan kami dito sa states. Sita rin ang palaging kasama ko kapag may pupuntahan ako, palagi rin siyang nasa bahay para makikain at minsan nga doon na siya natutulog.




"Kamusta pala si Tita?" tanong ko.




"Andun sa Hospital kasama si Papa. Ikaw kamusta ka na?" tanong niya pabalik.





"Kahapon nga magkasama tayo tapos tatanungin mo kung kamusta na ako. Parang ilang taon tayong di nagkita ah." biro ko dito.




Tumawa naman ito at hinawakan ang aking braso.




"Tara? Lakad-lakad tayo." yaya niya sa akin.




Hindi na ako umapila pa sa gusto nito. Total gusto ko rin namang aliwin ang aking sarili kaya naman sasama na lang ako sa kanya.




Nagrenta kami ng isang bike malapit sa park. Yung may upuan sa likod. Si Nathan na ang nagdrive ng bike at aji naman ay naka-upo sa likod habang nakayakap sa kanyang bewang.




Nilibot namin ang buong Village. May mga iba pang nakakakilala kay Nathan na bumabati sa kanya. Bumabati rin ito pabalik. They are quite popular here in our Village dahil isang kilalang tanyag na Doctor ang kanyang Ina at sa kanyang Ina rin ako may malaking utang dahil sa kanya ay buhay pa ako.




Lumabas rin kami ng Village. Hindi kami pinayagan ng una yung guard na nagbabantay pero pinakausapan ni Nathan ito dahil saglit lang naman daw kami. Wala ng nagawa ang amerekanong gwardya at pinayagan na lang kami.




Nilibot namin ang iilang park na malapit sa Village. May mga nakakasabay rin naman kaming nagbibisikleta doon. Nadaanan rin namin ang iilang Malls na malapit sa Village.




Ang hangin na tumatama sa aking mga mata ay malamig. Tinatangay niya ang nakalugay kung buhok habang nakasakay ako sa bike.




"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya sa sakin ng tumigil kami sa isang malapit na beach.




Napatingin ako doon.




Memories come back. Napangiti ako ng mapait sa aking naalala.



Alam ko namang imposible na talaga.




"Wala na. Tara na." sagot ko at muling sumakay sa bike.




Dumaan kami sa isang mga nakahelerang puno doon.




Dahil kami lang naman ang tao doon ay tinanggal ko ang pagkapulupot ng aking kamay sa bewang nito at inispread ito para madama ang hangin na tumatama sa akin.




"Woooohhhh" sigaw ko at muling pumikit.




Narinig ko ang paghalakhak ni. Nathan.




"Kumapit ka na, Cheska baka mahulog ka." sabi nito kaya kumapit na ako para makabalik na kami.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Piece of Me (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon