Salamat sa paghihintay!
***
Chapter 4
Green's Pov
"Green, magserve ka doon sa table number 5." sabi sa akon ng supervisor namin.
Napaikot na lang ako ng mata sa kanyang sinabi. Well alam ko namang ayaw sa akin ng babaeng ito dahil pinagseselosan niya ako dahil close kami ng boyfriend niya. Isaksak niya sa baga niya yang BF niya!
"K" walang gana kung sagot at kinuha ang tatlong slip na nasa counter tyaka nagmartsa papunta sa nasabing mesa.
Habang naglalakad ako patungo doon ay naaninag ko ang likod ng lalaki habang may kaharap siyang babaeng nakangiti. Napaismid na lang ako sa naiisip ko. Maghihiwalay rin naman yan. Walang forever eh mga ulol!
"Can I take your order sir, maam?" pilit kung tinatago ang pagkairita sa aking boses pero hindi ko maiwasa.
Inangat ko ang tingin ko sa lalaki at laking gulat ko ng nagtama ang aming mga mata. Hindi ko pinakita sa kanya na nagulat ako kaya agad ko itong nginitian.
"Ikaw pala, Mike." mapakla kung saad at tinapunan ng tingin ang babaeng higad na kasama nito. Nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Gusto kung umirap pero pinigilan ko. Customer parin sila! Yan an tinatak ko sa isipan ko.
"Oh, Green. Dito ka pala nagtratrabaho?" hindi makapaniwalanh tanong nito.
Gusto kung maparoll eyes ang mga mata ko sa kanyang tanong pero pinigilan ko. Hindi ba obvious? Nakauniform ako ng pqng waitress, hindi ba halata?!
Pinasadahan ko muli ng tingin ang babae. Halos magkadikit na ang mga kilay dito. Ang sarap sunugin ng kilqy ng babaeng ito! Mas malayong mas maganda si Cheska sa kanya nuh! Maganda lang itong higad na ito kapag may make-up at ang kapal pa ng foundation niya ha! Mukhang madaming tinatakman na tigyawat sa mukha.
Halos matawa ako sa aking naiisip.
"Sa iba na lang tayo, babe." malanding pahayag nito kay Mike sabay hawak ng kamay nito.
Halos mapasuka ako sa kanyang sinabi at mapaismid. Babe!? ano siya baboy?! Ni hindi nga tinatawag noon ni Cheska si Mike ng babe pero itong babaen ito! Ang kapal! Sarap hilahin ang buhok niya mula marikina hanggang edsa!
"Why? Masarap naman dito ah." sagot ni Mike sa kanya.
Nakatayo lang ako doon sa harapan nila na naghihintay. Wala ba silang balak mag order? Kung hindi sila kakain dito umalis na lang sila sayang ang precious time ko!
"Wala akong tipo dito. Walang masarap." walang modong sabi nung higad.
Napaismid ako sa kanyang sinabi. Kahit naman wala akong gana magtrabaho pinapahalagahan ko rin naman ang pangalan ng retaurant na ito.
"Kung hindi kayo magoorder umalis na lang kayo sinasayang niyo ang oras namin hindo yung dami niyong salita!" masungit na sabi ko. "Kung masarap ang hanap mo maghanap ka ng mas masarap total higad ka naman." bulong ko sa hangin. Ewan ko kung narinig nung babae.
"What!?" inis na sabi nito sa akin.
What!? What what'n ko yang mukha ng babaeng ito eh.
"Umalis na nga kayo kung di kayo mag oorder at Mike." baling ko sa kanya. "Sana yung pinalit mo sa bestfriend ko yung mas maganda sa kanya, yung may class hindi yung bastos para hindi naman mukhang kawawa yang pinalit mo and sayo naman miss....." baling ko sa higad na nakatayo na ngayon sa harapan ko. "Kung gusto mo ng masarap na putahe maghanap ka ng iba. Alam ko namang kapag nakatikim ka ng masarap maghahanap ka pa ng iba yung masmasarap pa sa natikman mo kaya hindi ka makukuntento." walang ganang saad ko.
"How dare you!" anito at sasampalin niya sana ako ng bigla kung nahawakan ang kamay niya at sinuri ito.
"Gross! Wag mo ngang idapo yang marumi mung kamay sa mukha ko. Look may libag pa jan oh." huling saad ko at lumayas na sa kanilang harapan. Baka kasi pag di ako lumayas sa kanila baka masira ang buong resto.
Narinig ko namang nagsisigaw yung babae. Napatawa na lang ako.
Kapal ng mukha ni Mike ha! Pinalitan na niya talaga ang bestfriend ko! Pero wala na akong pake kung anong gawin niya sa buhay niya, wala na ang bestfriend ko kaya wala na rin akong koneksyon sa lalaking iyon.
"Ano nanaman ang ginawa mo!?" masungit na sermon sa akin ng supervisor namin na si Rose.
"Wala ka ng pake. Pwede ba umalis ka sa harapan ko baka ikaw ang masampal ko imbis na ang babaeng iyon!" galita na saad ko.
"Aba't!" sigaw nito at susugurin niya sana ako ng dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko.
"Try me Miss Rose L. Dela Kwenta ay Dela Quinte pala. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng isang tulad ko." panakot ko sa kanya at iniwan ko siyang nakanganga.
Wala na akong ganang magtrabaho paya kaya hinubad ko na ang uniform ko at nagpalit ng iba.
I can do what I want because this is ours. Yes, sa amin ito. Trip ko lang magtrabaho dahil nabobored naman ako sa bahay kaya andito ako ngayon inaabala ang aking sarili.
Pagkatapos kung umalia sa resto ay napagpasyahan kung bisitahin si Cheska. I miss her so much! Bakit kasi namatay pa ang gaga!
Na-upo ako sa gilidng puntod at tinitigan ito ng mabuti. Alam naman naming walang bangkay amg narito dahil pinacrimate nila tito pero si Mike ang nagsabi na maglagay na lang ng puntod dito sa simenteryo. Yun rin naman ang gusto namin ni Apple noon para mabisita namin ito kapag namimiss namin.
Hinaplos ko ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ni Cheska.
"I miss you na girl." saad ko sa kanya at humiga sa malinig na damuhan sa gilid nito.
"Alam mo ba yung. boyfriend mo pinagpalit ka na sa isang higad na babae. Syempre nagalit ako, ikaw ba naman ang ipagpalit sa isang babaeng hindi napantayan ang ganda mo. Kung sana mas maganda siya sayo hindi ko pakekealaman pero yun lang hinsi siya maganda. Walang class ang pinili niya." sabi ko at pilit na tumawa kahit maluha luha na ang aking mga mata.
Tinignan ko ang mga ulap sa kalangitan.
"Cheska. Alam kung hindi ka na babalik pero sana kahit maging zombie ka para kagatin mo yung babae or multuhin mo na lang at patayin yung babaeng kasama ni Mike." natatawa kung saad.
Bandang alas tres ng hapon ay napagpasyhan ko ng tumayo. Muli kung tinignan ang puntod nito tyaka umalis na. I miss her so much.
Habang naglalakad ako papunta sa kotse ay biglang nagring ito. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at tinignan ang numero. Taga ibang bansa ang tumatawag dahil iba ang unang numero nito na nakalagay. Tyaka ko lang ito sinagot ng nasa tapat na ako mg kotse.
"G-gre-green." anito.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa bosea na narini ko.
It can't be. Hindi siya.
"Green, it's me." aniya.
Para akong nawalan ng lakas pero buti na lang nahawakan ko ang pintuan ng kotse ko baka naglupasay na ako sa kalsada kung hindi ko nahawakan ito.
"C-ch-cheska?" hindi makapaniwalang tanong ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Masaya ito dahil bakas sa kanyang tawa.
Pero paano?
***
BINABASA MO ANG
Piece of Me (Season 2)
RomantikPano pa maibabalik ang buong ako kung kinuha mo na ito? Season 2 ng Piece of Me.