"Isa pa ngang tequila." saad ko sa bartender na kaharap ko.
Kumunot ng noo nito sa akin at bahagyang bumukas ang bunganga nito.
"Nakarami na po kayo Sir. Baka hindi niyo na po kakayaning magdrive." aniya.
Nainis ako sa sinabi nito. Ang sinabi ko sa kanya ay isang tequila, pero napunta sa iba ang usapan namin. Diba dapat ang kailangan lang niya gawin ay ibigay ang hinihingi ng customers nila? Eh bakit nakikialam ang isang ito sa kung anong gusto kung gawin!
"I said give me a one glass of tequila!" mariing pahayag ko sa kanya.
Nagulat naman ito sa bahgyang pagtaas ng boses ko. Agad siyang kumuha ng sinasabi ko at nanginig na inilapag sa bar table.
Agad ko itong hinaglap tyaka ininom ng diretso. Napapikit ako at pinakarimdaman ang mainit na alcohol nito sa aking lalamunan.
Sa pagpikit kung iyon ay lumitaw muli bigla ang imahe ni Cheska. Ang babaeng pinakamamahal ko, ang babaeng kumuha ng kalahating ako, ang babaeng nang-iwan sa akin sa ere, ang babaeng tanging buhay ko at ang babaeng kadahilanan kung bakit naging ganito na ang buhay ko ngayon.
"Isa pa." aniya ko tyaka minulat ang aking mga mata.
Nakita ko na lang na wala doon ang bartender. Umiling na lang ako at tumayo para humanap ng ibang pwesto.
Nagalakad ako pakanan para umorder ng maiinumin pero bigla kung nahagilap ang isang babae medyo hindi kalayuan.
Nakaharap ito sa akin, kahit hindi ko siya gaanung makita ay alam kung siya iyon, hugis ng katawan niya, ang tangkad niya alam kung siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi ako pwedeng magkamali siya talaga iyon.
Siya iyon! Ang babaeng kumuha ng kapiraso ng buhay ko! Si Cheska Bermudes iyon! Ang babaeng mahal ko!
***
BINABASA MO ANG
Piece of Me (Season 2)
Storie d'amorePano pa maibabalik ang buong ako kung kinuha mo na ito? Season 2 ng Piece of Me.