Chapter 2

493 18 3
                                    

Chapter 2


Tumunog ng napakalakas ang alarm clock na nasa tabi ng aking kama. Hindi ko pa namumulat ang aking mga mata ay hinawakan ko na ito at pinatay para muli sanang ipagpatuloy ang aking pagtulog pero naudlot ito ng may biglang kumatok sa aking pinto.


"Mike! Bumangon ka na. Dad need yo at the company!" sigaw ni Mommy habang kinakalampag ang pintuan ng aking kwarto.


Napataklob ako ng unan sa aking mukha para baliwalain ang kanyang pagkatok but damn! Ang ingay ingay talaga kaya wala na akong ngawa pa at umupo na lang sa aking kamay at isinuot ang tsinelas ko.


"Ok, Mom. Stop knocking!" inis na bulyaw ko. Maya-maya pa ay tumigil na rin ito sa pagkatok sa pintuan.


Ginawa ko na ang dapat kung gawin naligo na ako at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang mga text. Hindi na ako nagulat pa ng biglang 25 text ang dumating. Puro lahat ay galing sa mga babaeng naeencounter ko this past few days pero nahagilap ng aking paningin ang isang mensahe.


From Cassidy:

Hey Mike. How are you? Hope to see you soon.


Naguluhan ako sa kanyang sinabi.


Is she here? Andito ba siya sa Pilipinas? and without informing me. Huh!


Agad kung tinawagan ang kanyang numero. Nakalimang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag.


"Mike!" masiglang bati nito.


"Where are you?" agad na tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Nasa Pinas ka na?" tanong ko muli.


"Yes." aniya.


"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na naka-uwi ka na? Sana naman nasundo kita." sunod-sunod na pahayag ko sa kanya. Narinig ko siyang humagikhik sa kabilang linya at lalo naman akong naiinis sa kanyang ginawa. "What's funny?" naiirita kung tanong.


"Ganyan mo ba ako kamiss Mike? I miss you too. Dadalaw ako mamaya jan sa bahay niyo. Gotta go." aniya at agad na akong binabaan.


Napahilot ako ng aking sintido.


Cassidy Valera is my ex. Ex girlfriend. Siya noon ang nagcomfort sa akin nung nawala si Cheska. Siya 'yung anjan sa tabi ko at palagi niya akong inuunawa, inaalagaan. Siya 'yung naging sandalan ko kapag may problema ako o naiisip ko si Vheska. SIya 'yung sumusndo sa akin sa Bar kapag lasing na lasing na ako. Naging kami dahil mahal niya ako, oo mahal ko siya pero bilang kaibigan lang naman kaya lang naman ako pumayag eh dahil iyon ang kagustuhan niya. Ayaw ko namng masira ang aming pagsasama kaya pumayag na lang rin ako.


Humigit isang taon rin ang tinagal namin noon sa aming relasyon at hindi nagkalaunan ay naghiwalay rin kami dahil nararamdaman nito na hindi ko siya mahal, na walang posibilidad na mahalin ko siya dahil alam niyang iisa lang ang babaeng nasa puso ko. Ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Piece of Me (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon