Dear Matty,
It's been exactly 2 years since I broke up with you. Right now, pinapatugtog ko na naman yung theme song natin. Terrified. Naalala mo? Kaduet pa kita nun. We used to sing these stupid love songs sa lovers' lane and sing our hearts out.
5th year anniversary na sana natin today.
I know it's been a while, pero I'm now finally admitting the real reason why I broke up with you. And no, hindi totoo yung mga sinabi ko dati that day. Hindi totoo na naboboringan ako sa yo, na I want someone different. Hindi totoo na hindi na kita mahal. It was all a convenient lie. Pero ngayon, ngayon sasabihin ko na. Ewan ko kung mababasa mo pa to or kung maniniwala ka pa, but what the hell.
Nalaman ko back then na you're failing your course. Umabot sa point na naging on probation ka na, isang bagsak nalang at patatalsikin ka na sa UST. You tried so hard to hide it, pero I know ako ang dahilan nun. The times we spend our time together are the times when you should've been studying. Sobrang naguilty ako nun, lalo na nung narinig ko kayong nag-aaway ng parents mo. They keep blaming me as a distraction, na ako yung dahilan kung bakit ka bumabagsak, which is true. You keep hiding it from me, sinasabi mo nalang na "mahirap talaga". Mahirap, talagang mahirap ang college, pero aminin mo- mas may time kang magreview kung wala ako sa buhay mo.
You always wanted to be a doctor, like your dad. Naalala mo nung birthday ata ng isa nating kaibigan? I overheard you talking to a friend. Sinabi mo na nung nakilala mo ko, parang ayaw mo nang tumuloy ng med school. Gusto mo kong sundan after college, sa Canada (after graduation my mom planned me to migrate to Canada with her, kasi dun talaga kami.) Handang-handa ka nang sirain yung future mo para lang sa kin. I couldn't handle that guilt. Parang nasa isip ko tuloy na nakakasagabal lang ako sa mga pangarap mo.
One day, habang wala ka sa bahay mo, I went to talk to your parents. I explained to them everything. Alam kong mas ok sa kanyang hiwalayan kita, pero ayokong masira ang buhay mo pag iniwanan kita. Sinabi ko sa kanila na pag nakipag-break na ko sa yo, i-encourage kang pagbutihin ang pag-aaral mo at ituloy ka sa med school. They promised they will do that. Bago ako umalis, nagsalita ang tatay mo.
"Iha... sa totoo lang, kung hindi dahil sa pag-aaral, susuportahan ka namin ng anak mo. Mabuti ka naman. Kung sakaling nakatapos na siya at mahal mo talaga siya, don't hesitate, ok? Siguro hindi lang talaga pwede ngayon."
Pinilit kong ngumiti.
"Thank you po tito, tita. Pero by that time, baka nakalimutan na ko nun. Pero this is for the best."
A week after the talk, I broke up with you. 3rd year college tayo nun. Di na ko nagpakita sa yo. I chose not to tell the real reason back then because I know how persistent you can be. Pag sinabi ko sa yo back then, hahabulin mo pa din ako. Sisirain mo yung buhay mo trying to juggle between studies and me. Kaya alam kong di mo na ko hahabulin kung pinagmukha kong wala na tayong pag-asa. Na kahit anong pilit mo, wala ka nang ipaglalaban.
But secretly, I still keep tabs over you. Seeing if you're still alright. Nalaman ko nalang na nagtuloy ka ng med school, currently second year na. Matt, please sana hindi ka magalit sa ginawa ko. No... actually, you have every right to. Sana mapatawad mo ko. Kahit na di mo na ko mahalin ulit ok lang. Pero honestly, hanggang ngayon ikaw pa din. After 2 years, may ilan na akong naka-relasyon, but none of them lasted. I guess... namimiss pa din kita.
I know one day, magiging isa kang sikat and successful na doctor. You will attract a girl more deserving of your love than me, then marry her and have lots of cute kids. i want that life for you. I really do. Sana malaman mo, kahit na hindi na tayo magkikita ulit... every time na nalulungkot ka, please know, na may nagmamahal sa yo.
Kath
2013
College of Commerce
BINABASA MO ANG
The Ust Files Rejects
RomanceKoleksyon ng mga kwentong masarap basahin sa Ust Files... Eh hindi nga lang naupload. Hindi kasi totoo eh. Meron bang forever? Siya na ba si Mr. Right? Bakit andaming breezy ngayon? Bakit madami tayong "The One That Got Away"? From friends naging s...