Samantha Rose Taylor.
Ang mananahi.
De, joke lang. AHAHAHAHAHAHAHAHA!
Pero seryoso, ayoko sakanya. Nakaka-URAT ang mukha niyang puro UGAT. Oh diba! Taray! Rhyme.
Actually, kilala ko siya. Dati pa. Highschool pa lang kami.
May lahi rin siya.
Half Amerikana.
Half Demonyita.
Pero sa lagay ko ngayon, parang sumakit puso ko. Marami rami na rin ang napagdaanan kong masasakit na pangyayari nang dahil sakanya. At ayaw ko ng mangyari ulit ito. Naalala ko na naman. Lahat. Lahat ng pangyayari kasama ang lalaking iyon. Simula nung nagkakilala kami, hanggang sa iniwan niya ako dahil kay Samantha. Pinagpalit niya ako kay Samantha, ang tanging kaaway ko nung high school ako. Ang tanging nagpapahirap sa akin. Ang tanging dahilan kung bakit napakasama ng high school days ko. Ang sakit, na parang gusto ko ng magpakamatay. Naalala ko na naman lahat ng sinabi niya.
"Hi miss beautiful! Can I know you're name?"
"Jana, listen to me. I like you okay?"
"Hahaha, Jana you're too cute. You're perfect. And, I think I love you."
"Sweetie! Happy Birthday! I love you to the pluto and back!"
"Jana, I love you that I don't know what to do if you will love somebody and leave me."
"Night, love you."
"I think I don't like you anymore."
"Let's end this nonsense relationship!"
"Did you get it? I don't love you anymore. Get lost! Sam and I are happy together. So, STOP! Sam might be jealous, if she saw us."
"Bye."
Nararamdaman ko na naman yung luha ko sa gilid ng aking mata na feeling ko papatak na. Tumingala ako, para hindi ako tuluyang maiyak. Naaalala ko kasi yung mga masasayang pinagdaanan naming dalawa. Mga masasayang pangyayaring hanggang memories na lang. Pero unti unting nabura, unti unting lumabo dahil kay Sam. Nakakainis isipin na hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan. Kala ko, naka-move on na ako. Akala lang pala.
"Ja-Jana?" sabi niyang nauutal. Halata namang nagulat din siya sa akin noh? Matagal na rin kasi yung huli naming pagkikita.
"Don't say that name, my old friend. I used to change my nickname since you and him cheated on me." pilit kong tinatagan ang boses ko.
"So, palaban ka na pala ngayon?" sabi niya na parang bumalik sa pagiging mataray. "Tandaan mo, iniwan ka niya dahil ako ang mas mahal niya. Kitang niloko ka lang niya. Nagpaloko ka naman. Ang tanga mo kasi."
Ang sakit. Wala akong masabi. Bat affected pa rin ako sa nangyari?
Di ko namalayan na naglalakad na ako paalis. Palayo sa kanya. Ayoko na, tama na.
Nanalo ka na naman ulit ngayon Samantha. Ginamit mo na na naman ang kahinaan ko,
si Kyle Evan.
![](https://img.wattpad.com/cover/26814213-288-k796413.jpg)
BINABASA MO ANG
Didn't
Teen FictionI almost ruined everything in his life, and I thought that he will leave me sooner and later. I thought he will hurt me. I thought that he will ruin my life too, but, he didn't, perhaps.