Chapter 13

118 1 0
                                    

Dahil sa nangyare, pumunta na agad kami sa Comfort Room nila. Pati yung CR nila, napakalawaaaaaaaaaaaaaaaaaaaak!

Nagbibihis na ako ngayon. Di ko nga alam kung anong susuotin ko eh. Pero pinili ko pa rin mag-swimsuit. Hehehe. Dito kasi ako komportable eh. Wala rin naman akong rash guard na pangswimming talaga. Yung long sleeves na suit. Hayst. No choice eh. Yung mga gamit ko naman at bag, nasa kwarto ni Ooji. Gusto ko nga sa kwarto na lang ni JD ilagay eh, kasi baka mangatngat ni Ooji yung bag at ang mga gamit sa loob nun. Edi mapapatay ko naman si Ooji nun. Hay nako. Pero sabi naman niya, quiet at well-trained nga daw si Ooji, at nasa 5th floor pa ang kwarto niya daw. Pero pumayag na lang ako, kasi ang bigat bigat na nga ng bag ko tas ipapabuhat ko pa sa kanya hanggang sa 5th floor ng bahay nila. Edi parang ang demanding ko naman masyado nun. Bahay niya kaya to.

Sinabi rin pala ni JD na dumiretso na lang ako sa swimming pools' area nila.

Nung nasuot ko na ang aking magarang swimsuit, chineck ko muna sa salamin nila sa CR nila kung okay na outfit ko. Okay naman. Hahahahaha. Bago ako lumabas, sinuot ko muna yung bathrobe ko, at pumunta na sa swimming pools' area.

Sa buong paglalakad ko sa bahay nila, puro maids lang yung nakikita ko tas binabati rin nila ako. Binabati ko rin naman sila. Pero infairness ah, ang babait ng mga maids dito sa kanila. Very friendly and accommodating. Taray nga eh, parang nasa anime lang ako kasi naka-costume pa sila. AHAHAHAHAHA.

Pero, nasaan kaya yung mga magulang niya? Bat hindi ko man lang nakita ni anino nila? Pati si Kaitlyn, hindi ko na nakita. Pabayaan ko na nga lang.

Nang malapit na ako sa mga swimming pools, may naaninag akong gwapong dolphin- este nilalang. Paano ba naman kasi, patalon talon siya sa swimming pool na parang dolphin. Nakakalurkei lang?

Lumapit pa ako sa swimming pool. Umahon naman siya at umupo sa gilid ng swimming pool kaya yung paa niya nasa tubig pero nakatalikod siya sa akin, kaya hindi niya alam na nandito ako. Heheheh. Magulat nga itong lalaking to.

"BULAGA!"

"FCK!"

Huh??? Nagmumura pala si JD? Ngayon ko lang napansin. Pero bad yung ginawa niya no! Tsk. Tsk. Turn Off. AHAHAAHHAHAHAHA. Kala mo talaga hindi ako nagmumura eh noh?! Pero hindi naman talaga orally, sa isip ko lang. Okay Fine! Nagmumura ako minsan, pero hindi intentionally.

"Uy! Wag kang magmura, bad yan!" sabi ko sabay batok sakanya.

"OUCH! Fck!"

"Sabing wag magmura eh." sabi ko, pero this time hindi ko na binatukan, baka magmura ulet, kaya inakbayan ko na lang siya.

OMG!

Ngayon ko lang napansin na naka-half naked siya. OMG. KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Ang init ng balat niya. OMG. Gagahasain niya ba ako. TangYnna. Huwag kang ganyan please. JD naman eh.

Nagulat na lang ako kasi bigla niyang tinanggal kamay ko sa pagkakaakbay ko sa kanya.

"Don't touch other people, especially when you don't know who are you talking with." sabi niya.

Huh??? Ano daw??? Pinagsasabi niya?

"Who are you by the way?" sabi niya sabay harap sa akin.

TANG-YNNA?

SINO TOH?

DI KO TO KILALA!

WAAAAAAAAAAAH!

INAKBAYAN KO SIYA PERO HINDI KO NAMAN SIYA KILALA. AND WORST, BINATUKAN KO PA SIYA.

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon