Tang Ynna!
Oh, diba bongga!
Bungad na bungad yung mura eh.
PUHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA.
Pano ba naman kasi, nakakahiya yung ginagawa ko ngayong araw. Buysit! UGH!
Unang una, yung pagbulwak ng tubig sa bibig at ilong ko, at nakita pa yun ni JD.
Pangalawa naman, yung sa pinsan ni JD. Ugh! Tuwing maaalala ko yun, napapa-buysiiiit na lang ako.
Pangatlo, nadulas ako sa harap ni JD. Masakit kaya yun!
At ang pang-apat, yung nakaswim-suit ako sa harap ni JD. Halos lalabas na ang hinaharap ko. Hindi ko naman kasi alam na ganun yun. Nung sinuot ko kasi yun, hindi naman ganun yun eh. Grrrrrr. Kaya pala naiilang si JD sa akin kanina. UGH! Nakakahiya. Napakatanga ko talaga. Boysiiiiit!
Ngayon, nasa CR ako, binigyan kasi ako ni JD ng rash guard na katulad ng sakanya. Pero black and pink naman sa akin. Dapat nga dun na ako magbibihis sa gilid ng swimming pool kasi ipapatong ko na lang, kaso sabi ni JD, dito na lang daw sa CR na malapit sa swimming pool. Pero sabagay, naiilang siya eh, maging ako. Pero, sumunod na lang ako, dulot ng nahihiya rin ako. Oh, diba ang lalim. Pero, Ugh!
Lumabas na ako ng CR na nakasuot na sa akin ang rash guard. Dali dali naman akong pumunta na sa swimming pool kung nasaan si JD. Tumakbo ako, pero may halong pag-iingat na. Shempre noh! Mahirap na! Mabagok pa ako, mababawasan ng maganda ang mundo ngayon. Jusko, kaunti na lang kami. PUAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Let's start na!" sabi ko kay JD na nakatalikod sa akin. Hoy! Sure na akong si JD to noh! Kala niyo sa akin tanga?
"Miss, anong pinagsasabi mo?" sabi ni J- wait, WHAT!? SINO NA NAMAN TOH?!
TANG YNNA.
Siya yata yung tagalinis ng swimming pool dito eh.
"A-ah, eeehhh, manong, nasan na po si JD?" sabi ko habang nakayuko. Nahihiya na talaga ako. Buysiiiiiit!
"Ayun oh!" sabay turo ni Manong sa kabilang pool.
"Ah eh, thanks po!" sabi ko habang tumakbo ako papunta dun.
"Sayang, ang gandang babae, tanga-tanga lang." bulong ni Manong ng mahina nung papaalis na ako, pero narinig ko yun ah!
Babalikan kita Manong. Humanda ka sakin next time. Grrrrrrr.
"JD!" sigaw ko. Lumingon naman siya agad. Waaaaaah! I'm glad to know na si JD na talaga yung kinakausap ko ngayon. Bwahahahahahah!
"Hey! What took you so long?" tanong naman niya agad.
"Wa-wala naman. Hehe. Let's start?" sabi ko naman. Tumango naman siya.
At ayun na nga ang nangyari, tinuruan niya ako ng mga basics lang like floating, and proper breathing under water. May mga ganun palang cheche-burecheng kailangan bago ka makapagswimming eh noh? Sabi ko nga, turuan na niya ako kung paano yung mga backstrokes, butterfly che che, and many more. Kaso sabi niya, next time na lang daw kapag medyo marunong na ako mag swimming nang normal. Kaya langoy aso at langoy palaka muna ang peg ko ngayon. Hayst. Nagmukha naman akong hayop neto.
"JD! Pahinga muna tayo! Nakakapagod eh." reklamo ko. Alam kong ang pangit magreklamo lalo na kung libre ang pagtuturo sayo, kaso nakakapagod talaga eh.
"Okay." sabi naman niya sabay ahon at alalay sa akin umahon.
Buti nga hindi nagreklamo si JD na isang oras pa lang, pagod na ako.
Feeling ko, spoiled na ako sakanya. Hayst. I'm his baby gurl kaya. Charot! AHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Landi lang eh noh?
Pagkatapos ng mini-water break namin, lumangoy naman kami na parang isda sa dagat.
![](https://img.wattpad.com/cover/26814213-288-k796413.jpg)
BINABASA MO ANG
Didn't
Teen FictionI almost ruined everything in his life, and I thought that he will leave me sooner and later. I thought he will hurt me. I thought that he will ruin my life too, but, he didn't, perhaps.