Chapter 17

26 2 0
                                    


Dee**

Pers taym kong umabsent. :3 Galing na akong school kanina kaso biglang tumawag si Kamahalan na umabsent daw muna ako, sinabi ko ngang ayoko kaso sabi niya babawasan niya ng malaki yung sweldo ko.  Karakaraka akong tumakbo palabas ng school.

Nang makarating ako sa mansyon, malakas niyang tawa ang tumambad saakin.

" Mukha ka talagang pera! Hahahahaha! "

Nakakainis! Tapos eto...

" Wala ho ba kayong balak pumasok sa skwela? Maghapon niyo nalang po ba talagang ipapatong yang paa niyo sa likod ko? " napanguso ako. Eto lang ginagawa niya.

" Nagrereklamo ka? Eh sa masakit pa ang katawan ko eh, pesteng driver yun, kuripot masyado! Ayaw ibili ang sarili ng toothbrush. Hanggang ngayon, nanunuot sa kalamnan ko ang baho. " tinanggal niya yung paa niya sa likod ko kaya humarap ako sakanya. Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama tapos lumapit saakin na ikinagulat ko.

" Amuyin mo nga.." hinipan niya yung ilong ko. Nakapakurap ako, ang bango.

" Mabango ba? " tanong niya. Napalunok ako ng ilang beses.

" H-hindi ho. Malansa po eh. Nakaka turn-off po.  " sabi ko sabay takip ng ilong.

" What?? Seryoso?! " inamoy niya ulit ang hininga niya.

"- hindi naman ah?" Sabi niya. Tumawa ako. Conscious siya oh!

" What's funny? -_- Tss. " tumayo siya at tila tutungo sa banyo niya.

" Hindi naman mabaho Sir! Joke lang yun! " matalim niya akong tinignan.

" Magto-toothbrush ako at magmumumog just to be sure. " pinigilan ko siyang pumasok. Oa naman oh!

" Mabango naman ho yung hininga niyo eh! Sobra po! "

" Really? " lumapit siya saakin. Sobrang bilis nanaman ang pintig ng puso ko. Tinulak ko siya kaya parang medyo nagulat siya.

Lumabas ako ng kwarto niya. Ano ba 'to?

**Eugene

Did I over do it? Tss. I'm insane. Nawiwili akong lumapit sa mukha niya. Tss.

Humiga ulit ako sa kama.

Why? Why am I doing this?

Am I... No..

Kinuha ko yung cellphone ko't tinawagan si Rhia.

" Hey, Can you come over? "

" Sure. "

****

Ilang minuto lang, may kumatok sa pinto ko.

" May bisita ka ho. " boses ni Andie. Binuksan niya ang pinto saka siya pumasok kasabay si Rhia.

" What is it, babe?"  Pinulupot niya yung kamay niya sa leeg ko saka ako hinalikan.

*gasps*

I look at her. Nanlalaki yung mata niya.

" You may go out Andie. " sabi ko. Agad naman siyang tumango saka lumabas.

-Andie

Bakit ganito?

Nakatayo lang ako sa may pinto. Ayokong umalis, hindi ako makaalis.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?

*singhot*

Ano ba 'to?! Bakit ba may tubig sa mukha ko?!

Huminga ako ng malalim at pinilit umalis. Tumakbo ako ng tumakbo, lumabas ako ng mansyon. Hindi naman siguro ako hahanapin nun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Billionaire Mr. D.E.VilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon