Chapter Nine

98 2 0
                                    


Geln's POV

Pupunta ako sa opisina,  ano kaya magandang suotin para doon? First time kong pumunta doon kasi si Dee lang ang laging nakakapunta, salitan si Sir tsaka si Sir Eugene, si Sir Eugene ay every saturday tapos si Sir eh every sunday, hindi sila pumupunta ng office pag monday to friday kasi may pasok kami.

Pumasok ako ng kwarto at naghalungkay, mga labinglimang minuto siguro eh handa na ako. Pinuntahan ko si Manong sa kusina na nagkakape.

" Manong, pakidala naman po ako sa malapit na office ni Sir, pinapapunta po kasi ako doon.:) " sabi ko, binaba niya ang kape at tumingin sa akin.

" Eh diba'y nasa swimming pool si Sir Eugene? "

" Ay manong, ako po si Geln. Haha. "

" Ah ganon ba? "  tumango siya saka inubos na agad ang kape.

-------

WOW! ANG LAKI NG BUILDING! *0* Saan kaya ang opisina ni Sir? Ahihi. Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa entrance. Muntik ko nang iwan ang sapatos ko sa labas, buti nalang may nakita akong pumasok na suot pa rin ang sandal niya.

" Miss, ano po ang sadya niyo dito? " harang sa akin ni manong guard gamit yung batuta niya. :(

" A-ah, pinapapunta po kasi ako ni Dark dito. He.he. " kakamot-kamot kong sagot. Tinignan ko si manong guard, parang hindi siya naniniwala. Mukha ba akong sinungaling?

" Ah, agustin! Katulong yan ni Sir Dark! " sigaw ni Manong Driver.

" Ganon ba? Oh sige." Buti nalang kilala ni Manong Driver si manong guard. :D Tuluyan na akong nakapasok, pero di ko parin alam kung nasaan ang room ni Sir. Sumunod akong pumasok sa pintong nagbubukas na pinapasukan ng tao, kinalabit ko yung babaeng katabi ko saka nagtanong kug nasaan ang opis ni Sir. Ang sabi niya lang sa akin eh nasa pinakaitaas daw.

" Pupunta ka ba doon? " tumango ako sakanya tapos may pinindot siyang numero sa gilid ng pinto. Nagpasalamat ako sakanya.

Paglabas ko ng elevator ( turo sa akin nung babae ) ay puro mga bising tao ang nakita ko. Naglalakad ako pero di nila ako napapansin. May kinalabit ulit akong babae sa dulo habang nagta-type .

" What? " walang tingin na sagot niya.

" Asan po si Sir Dark? " tanong ko sakanya. Ilang segundo muna siyang di nagsalita bago nagturo kung saan ang hinahanap ko. Tinuro niya yung malaking pinto kaya dumiretso na ako.

Habang palapit ako, dinig ko ang sigaw ng isang tao..


Dark's POV

" ARE YOU STUPID?! THIS PLAN IS NEVER GONNA WORK! CHANGE IT! " hinilot ko ang sentido ko. Puputok na talaga ang ugat ko sa leeg kakasigaw sa mga tanga at bobong empleyado na nagrereport about sa accounts, plans and such sa nagdaang mga araw. Paan-- *tok.tok* -o ba natanggap--*tok.tok* ang mga to-- *tok.tok* . +__+

"Who the hell is that?! " Sigaw ko, lahat nag taas baba lang ng balikat.  Bumukas ang pinto at may mata akong nakita. Who's that b*tch? Lumapit si Amy, ang sekretarya ko, sa pinto. Naghihintay lang ako ng sasabihin niya.

" Who are you? "

" A-ah, andyan po ba si D-dark? " what? She's looking for me. And the voice...seems familiar .

" I said, who are you? " ulit ni Amy. Hindi kaya..ang hampaslupa to? =____=

" A-ako po si Geln " I knew it. Wala naman kasing ignorante ang kakatok sa conference room habang may meeting. Ke tanga naman talaga.

Billionaire Mr. D.E.VilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon