Chapter 14

46 1 0
                                    

-GELN

" What did you hear? ANO.ANG.ALAM.MO? Answer me! " Napatalon ako sa sigaw ni Sir. Nakakanerbyos siya. Pinagpapawisan na ako ng malagkit habang iniiwasan ang nakakatakot niyang tingin. Bakit kaya walang pumapasok dito? Day off ba ngayon ng mga katulong nila? :3 Akala ko sa wednesday pa sila mawawala ah? Alam kaya ni Sir na wala sila ngayon? Nako, baka di ni Sir alam, lagot sila.

" Sir, anong petsa po ngayon? " bigla kong tanong sakanya na kina kunot ng noo niya. Nako, baka nahalata na niyang walang tao ang naglalakad lakad dito sa loob.

" What were you thinking while I'm talking to you b*tch? " sagot niya. Beach? Nasa beach sila manang? Bakit di man lang nang-imbita? :3

" Nasa beach pala sila, ang daya. " bulong ko. Biglang pinalo ni Sir ang pader sa likod ko kaya mabilis akong napatingin doon.

" What beach are you talking? " napabalik ang tingin ko sakanya kaya umiling nalang ako, baka ayaw niya na sumama kami ni Dee kaya hindi niya sinabi sa amin.Tumuwid siya ng tayo saka nag buntong hininga. Umalis siya sa harap ko saka tumalikod at naglakad paalis. Huminga ako ng malalim saka tinignan ang kabuuan ko, hindi pa pala ako nakakapalit ng uniform.

Tumuloy na ako sa kwarto namin.

"Oh? anong nangyare? Bakit parang galit si Sir Dark kanina? May ginawa ka ba? " umupo muna ako sa kama katabi niya, nilaro niya ang buhok ko at tinirintas.

" Wala naman. Ewan ko nga kung bakit yun nagagalit. Nga pala, saang beach pumunta sila Ate Jocy? " singit na tanong ko at hinarap siya. Kunot noo akong tinignan ni Dee.

"Anong beach? Hindi naman umalis sila manang Jocy ah? Nasa likod sila at naglilinis. "

" Ganon ba?" eh anong beach ang sinasabi ni Sir?

Napailing ako. Binabalak palang siguro yun.

"- Para saan nga pala yung mga gamit dun sa may pool? Yung mga tela at iba pa? " dagdag ko. Nagkibit balikat ata siya kasi naramdaman ko.

" Ewan, ang alam ko lang kailangan nating tumulong sa paglilinis kasi aayusin yung lugar sa may pool, may darating daw kasing tao kaya magkakaroon ng konting party. " tumango tango ako, hinihila hila niya naman ang buhok ko.

Tinapos niya na ang pagtali sa buhok ko saka tumayo, hinawakan niya ako sa kamay at hihilahin sana palabas ng kwarto kaso sabi ko magpapalit muna ako.

" Una ka na Dee, may titignan lang ako. " sabi ko saka binitawan niya ang kamay ko. Matapos kong magpalit ng pajama at malaking t shirt ay Pumunta ako sa may garahe at hinanap ang kotse ni Sir Dark, baka totoo yung hinala kong pumutok yung gulong niya kaya may narinig akong putukan, pero hindi ko makita yung kotse. Asan kaya yun? Wala namang ibang garahe sila Sir maliban dito na kasya sampung truck. -_-

" What are you doing? "

" AY PUTOK! " sigaw ko. Nakakagulat naman 'tong si Sir, kung saan saan sumusulpot. Pinagpag ko yung pajama ko saka nahihiyang yumuko't nagkamot ng ulo.

" A-ah kasi , h-hinahanap ko po yung.. ano.. y-yung.." Ano ba to? Sasabihin ko bang hinanahap ko yung kotse niya? Baka pagkamalan akong carnapper dito? Huhuhu. ano ba ang sasabihin ko? Hinahanap yung last dinosaur na sumiksik dito?

" Yung? " Tumingin ako sakanya saka ngumiti.

" Yung...f-five pesos ko p-po. Hehehe. " sagot ko, maniwala ka sana. /prays/

"Five pesos? " tumango ako ng mabilis, kumunot ang noo niya. " - five pesos lang di mo pa masabi? " dugtong niya. Napahinga akong malalim dahil mukhang di niya bibilhin sa murang halaga ang dahilan ko. T^T

Billionaire Mr. D.E.VilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon