Chapter Ten

77 1 0
                                    

Dee's POV

Nagising ako ng maaga dahil maaga ang pasok namin ni Geln. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina para magmumog. Mabaho kasi ang tuyong laway. XD Dito kami natulog ni Geln sa mansyon kasi sumasabay kami kena Sir papunta sa school pag school days. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig saka kumuha ng baso at uminom.

*Burp* wow busog. Busog sa hangin.

4 am palang. Lumabas muna ako ng bahay, balak ko kasing maglakad-lakad kaso may naririnig akong tawanan at hagikhikan ng mga babae. Ang landing tawa pramis! Sumilip ako sa gilid ng bahay at nakita ko si Marissa, Glenda, Rena at Jhona na sumisilip sa may pool. Ala ey, ke aga aga naninilip na. -_-

*Whoosh! *

Eh? Ang aga aga may naliligo sa pool? Lumapit ako sa kinaroroonan nila at nakisilip.

Brrr. Napahalukipkip ako sa sobrang lamig.

Si Sir Eugene lang pala ang sinisilipan nila. -__- Pwe. Wala namang kasilip-silip dyan. Umalis ako doon, lalabas nalang ako at maglalakad lakad. Binuksan ko ang gate. Ang lamig ng simoy ng hangin. Hmmn~

Saan kaya papunta ang daan na to? Medyo maliwanag pa ang daan dahil sa sinag na nanggagaling sa bahay.

*Lakad*

Lalala~

*lakad*

L-lalala~

*lakad*

L-lalala?

Teka, ang dilim. Asan na ako. Wala na akong nakikita,wala pala akong dalang flashlight. Tinignan ko ang relos ko at 4:15 palang?! Ang tagal naman ata ng oras? Pero seryoso, di ko makita daan pabalik. >3< Alam niyo ba tong lugar na to? Nasa manila pero parang probinsya. Papasok kasi ang lugar na to at hindi sementado ang lugar. Madaming puno at damo.

" Waaaaaah! " omygee! May gumapang sa paa ko! TT.TT Oh noes, makamandag ako pero mas makamandag ang ahas. Luuuul.  Malayo ako sa mga bahay kasi wala akong nakikitang ilaw. Saan ba ako nakapunta? Isusumpa ko talaga ang pamamasyal ng ganitong oras. Naglakad pa rin ako hanggang sa di ko na talaga alam kung nasaan ako. May naaninag akong parang kubo kaya lumapit ako, kaso hindi dapat ako lumapit pa. Puro lalaki kasi ang nakahiga doon na parang natutulog. Parang tambay ang itsura kasi mga mukhang yagit, nakita ko sila kasi may lampara silang paubos na.  Umatras ako ng mahina para hindi sila magising pero hangga't pinipilit mong wag mag-ingay, lalong iingay. :3

" Aray! " ouch, natapilok ako. :3 Nakaupo pa rin ako at hinihilot ang paa ko. Ang sakit ah!

" Shinoo yaaan! " sigaw ng isang lalaki. Gosh, mukhang lasing pa ata. Tinakpan ko ang bibig ko at dahan dahang tumayo. Inilawan ako ni koya kaya nakita niya ako.

" Uy pare may chix! " gising niya sa mga kasama niya. Nyaks! Lima sila at ubod ng panget!

" Hindi po ako Chix,  awok po ako kaya wag kayong lalapit! " sabi ko. Umaatras ako ng pabilis ng pabilis, masakit ang paa ko pero iindahin ko pa ba yun?

" Patawa ka Miss. Walang awok o aswang dito. Hindi totoo yun! " Lumalapit sila sa akin na parang sa pelikula, yung naglalakad lang para mas matakot ang biktima. Pwede naman silang maging artista kaso extra nga lang. :3 

" Pag ako nagtransform, who you talaga kayo sa akin! " sagot ko pa. Tumawa lang sila sa sinabi ko.

Ayoko na, tumakbo na ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta. Ilang minuto akong nagtatatakbo tapos may nabunggo ako. Huhuhu, ang tagal namang suminag ng araw.

" WAAAAAAAH! WAG POOO! " sigaw ko, hinawakan niya ako sa kamay at bibig.

Eugene's POV

I was swimming when I saw someone opens the gate. Umahon ako sa pool at kinuha ang towel. Sino ba ang lalabas ng ganitong oras, si manang? Nah.

Billionaire Mr. D.E.VilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon