Chapter 16

53 0 0
                                    

-DEE

Nakakapagtakang wala pa yung amo ko. Matapos akong iwan sa school? Nauna pa ako sakanya? Aba! Medyo nakakatanga!

Tinapos ko na yung pag a- arrange ko ng mga bulaklak. Nakakatuwang tignan na maganda yung kinalabasan ng ginawa ko. Aba eh kung panget to, puputulin ko talaga ulo ni Sir Eugene! Hahahahaha!

Ay ewan. =___=

Tumayo na ako, medyo namanhid ang tuhod tsaka paa ko, ilang minuto atang hindi nakakadaloy ang dugo eh.

Hahanapin ko na muna si Geln kasi kanina ko pa hindi nakikita. Alam niyo na, baka kung ano nanaman ang nangyari doon.

Gabi na. Kumain na kaya sila?

Naglakad na ako papunta sa mansyon, papasok na sana ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Agad kong tinignan yun at nakitang tumatawag si Sir Eu.

S-sir?

[ Nasa labas ako. Come here. ] kinabahan ako bigla. Ano ba naman ang boses ng taong to. ≧﹏≦ Parang may sipon na ewan.

O-okay po. Sagot ko at agad nakarinig ng *toot* na malamang sa alamang eh inend na niya ang tawag. Imbes na dumiretso sa mansyon, naglakad na ako palapit sa gate. Pagbukas ko'y agad na hinanap ang kotse ni Sir, pero bigo ako.

Nuxx, bigo daw. XD

Well anyway, yun nga. Hindi ko mahagilap ang kotse ni Sir kaya mas lalo akong lumabas.

Biglang may umilaw sa harap ko, hinarang ko yung kamay ko sa mukha kasi nakakasilaw. Lumapit ako doon kasi alam kong si Sir lang naman ang walanghiyang sisira sa mata ko.

Pinatay niya yung ilaw ng makalapit ako sa driver's seat, ng dumungaw ako ay halos kulang nalang na ilibing ako sa sobrang gulat. Nagsalita pa!

" Hi Mess. Nakatolog na yong pasahero ko, pakigesing nalang. " involuntary akong napatakip sa ilong ng sinabi niya yun.Hindi na rin ako magtataka kung umasim ang mukha ko.

Tinignan ko kung si Sir nga.

Okay. Check!

" Nakatulog siya? Sure ka? " sumimangot yung lalaki saka tumango.

" - eh midyo naenes nga ako dyan eh, akalaen mong nagsasaleta pa nga ako tapos beglang tinologan ako? " rason niya. Kinabahan naman ako. Baka kasi patay na si Sir. Eh kahit sino namang tao, mamamatay sa hininga ni Manong. Lumipat ako doon sa shotgun seat kung nasaan si Sir. Ng buksan ko yung pinto, may ilang langaw-or should I say..Bangaw na nagsilabasan. Yuck. Daig pa ang may tae.

" Pasensya na Mess ha? Midyo makalat eh kaya seguro nilalangaw deto. " sabi niya sabay kamot sa batok. Pinilit kong wag munang huminga. Suuus, nahiya pang sabihin na alaga niya lahat ng to. Inalalayan ko si Sir na makalabas sa taxi. Taxi pala yun.

Sinara ko yung pinto.

" Salamat ho! " Sabi ko.

" Walang anoman! " nahihilo ako literally sa lakas ng hininga niya.

" Manong, iwasan niyo na hong magsalita pag may tao, medyo nakaka offend ang hininga niyo eh. " Sabi ko pa saka nagsimulang maglakad palayo.

Nakasabit sa balikat ko yung braso ni Sir. Kawawa naman, nahimatay 'to dahil kay manong. Kaya siguro parang may sipon yung boses ni Sir, panigurado kasing panay ang takip nito sa ilong. Sad level 999.

-

Inihiga ko na si Sir sa kama niya. Daig niya pa ang lasing sa sitwasyon niya ngayon. Hinubad ko yung sapatos niya, sunod kong tinanggal yung mga butones niya. Syempre, dahil hindi naman ako full manyak, pinikit ko yung mga mata ko. Tama na yung nahahawakan ko siya. Lels.

Billionaire Mr. D.E.VilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon