Kasunduan

101 4 2
                                    

Shana

Alas otso nang umaga ang usapan namin ni Trent kaya naihatid ko pa sa eskwelahan nila ang kambal.

Nang dumating ako sa lugar na sinabi niya, nadatnan ko na siya na nandoon habang umiinom nang kape. Itinaas niya ang kamay niya para matawag niya ang atensyon ko.

"Thank you." Sabi niya sa isang server na naghatid ng isa pang tasa ng mainit na kape na iniabot niya sa akin nang makaupo ako sa katapat na silya.

"Anong kailangan mo?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Humigop siya ng kape bago nagpatuloy.

"Gusto ng update ni El." Oh! Hindi naman sila gaanong nagmamadali. Anong akala nila sa akin? May super powers na agad agad mahahanap si Elarey. Mga baliw.

"Hindi siya madaling hanapin, bigyan niyo ko nang sapat na panahon."

Hindi siya nagsalita. Nung lingunin ko siya ay nakatingin siya sa kwintas na suot ko. Sa kwintas ni Elarey.

"Paano kayo nagkakilala?" Kahit hindi niya sabihin, alam kong si Elarey ang tinutukoy niya.

"Writer siya, at malaki ang paghanga ko sa kanya. Nagkakilala kami dahil pamilya ko ang may-ari nang publishing company na sinusulatan niya ng mga nobela. Pero mahigit isang taon na rin nang maibenta ang company, wala na kaming komunikasyon."

Tumango siya. Masyadong seryoso ang mukha niya. Pero may emosyon. Hindi katulad niya.

"Mahirap talaga siyang hanapin, ahas ang babaeng yun."

Ahas?

Gaano ba nila kakilala si Elarey? Ano ba ang koneksyon nila sa isa't isa? Gusto kong itanong pero baka magalit siya. Ayoko 'ring pakialaman sila at manghimasok sa mga buhay nila. Pero sa nakikita ko, mukhang matindi ang galit nila sa kanya. Ano ba ang kasalanan niya sa mga taong ito?

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko makalipas ang mahabang katahimikan.

"Magtulungan tayo."

Nakita ko ang kasiguraduhan sa mga mata niya. Nakatingin siya sa akin ng deretso.

"Tutulungan mo ko?" Tumango siya.

"Gusto ko na siyang makita, sa lalong madaling panahon."

Hindi ko alam ang kalalabasan pero kailangan ko talaga nang makakatulong sa paghahanap kay Elarey. Para sa mga kapatid ko, para sa kaligtasan nila.

"Pwede mo ba akong samahan bukas?"

-

AYANAIA.

The Heartless Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon