Trent
‘Malapit na ako.’
Hindi pa naman siya late. Medyo napaaga lang ang dating ko. Masyado lang akong sabik na makita ulit ang demonyitang babae na yun. Di na ako makapaghintay na iharap siya kay El. Hayop siya! Sinira niya ang buhay ko.
"Kanina ka pa?"
Mahinahong boses ang bumasag sa nagngingitngit kong kalooban.
"Hindi naman."
Tumango siya at bahagyang ngumiti. "Mas mabuti kung maaga tayong umalis. Hindi dapat tayo magsayang ng oras."
Ngumiti rin ako at tumango. "Tara na."
Pupuntahan namin ang address na nakalagay sa personal data ni Elarey. Magbabakasali na baka nandoon pa siya. Ilang taon na namin siyang hinahanap. Pero wala ni anino niya. May sa demonyo talaga!
Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng isang lumang bahay. Agad na bumaba si Shana at tuluy-tuloy na nag-doorbell.
Nakailang pindot na siya ay wala pa ring lumalabas mula sa bahay. Nakikita ko na naiinis na siya at parang iiyak na. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Buhay niya, at nang mga inosente niyang kapatid ang nakataya dito.
Maya-maya pa ay may lumapit na matanda sa amin.
"Sino ba ang hinahanap niyo?"
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa gilid. "May nakatira pa ho ba dito manong?"
"Ay naku! Walang nakatira dyan. Matagal nang abandonado ang bahay na yan."
Lumapit si Shana na may pagtataka sa mukha. "Po? Kailan pa po walang tao dyan?"
"May ilang taon na rin, mga nasa walo o sampung taon na yatang for sale yan. Wala namang interesado."
Nagkatinginan kami ni Shana.
"Kilala nyo ho ba ang huling tumira dyan?"
Sandaling nag-isip yung matanda saka sumagot. "Nung ako ay matira dito, wala nang nakatira dyan. Ipagtanong niyo na lang sa iba. Baka sakaling alam nila. Ayan si Myla, matagal nang nakatira dito yan, malamang ay kilala nya iyon."
Lumapit naman ang kararating lang na matanda nang marinig ang pangalan niya. "Ano ba iyon Tata Isko?"
"Itinatanong nang mga bata kung sino daw ang dating nakatira sa bahay na iyan."
Napalingon ang matanda sa lumang bahay. "Ah iyan ba? Ang alam ko ay patay na ang may-ari niyan. Matagal na. May sakit yata iyon."
"Hindi po ba dalaga ang nakatira dyan dati?"
"Ay naku hindi! Matanda na ang nakatira dyan. Si Nanang Asun. Wala nang tumira dyan magmula noon."
Nanlulumong naglakad si Shana pabalik nang sasakyan. Nang sumakay ako, nakita kong umiiyak siya. Tsk! Ayoko nang ganito.
"Unang araw pa lang nang paghahanap sumusuko kana? Akala ko ba mahal mo ang mga kapatid mo? Hindi ka dapat maging mahina. Hindi makakatulong sayo ang pag-iyak."
Huminga siya nang malalim at saka tipid na ngumiti. "Bakit ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon? Anong kinalaman ko sa problema niyo kay Elarey?"
Pinunasan niya ang luha niya saka tumingin sa akin.
"Pwede mo ba akong dalhin sa Boss mo?"
-
AYANAIA.
BINABASA MO ANG
The Heartless Mafia Lord
AdventureHe's heartless. Bakit ako mahuhulog sa katulad niya? Hindi ko hahayaan na mangyari yun. Hinding hindi!