Shana
Nasa tapat ako nang isang napakalaking bahay. Hindi na ako dapat na magtaka pa. Sa paraan pa lang nang pananalita niya, makikita mo na na ma-impluwensya siyang tao.
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. Nasa labas pa lang ako pero sobra na agad yung kaba ko. Paano pa kung kaharap ko na siya.
Ibinigay sa akin ni Trent ang address ng bahay niya. Hindi na raw niya ako masasamahan pa dahil marami siyang dapat na asikasuhin.
Kanina ko pa sinusubukang pindutin ang doorbell pero nanginginig ang mga daliri ko.
Pero wala na itong atrasan! Kahit saang anggulo ko tingnan, kailangan ko ang tulong niya. Makapangyarihan siya at maraming koneksiyon. Kailangan ko siya at sa palagay ko ay kakailanganin niya rin ako. Sa aming dalawa, mas siya ang nagnanais na mahanap si Elarey at hindi ako. Siguro naman papayag siya.
Nang akmang pipindutin ko ulit ang doorbell ay may bumusina sa likod ko. Isang itim na sasakyan ang tumigil at inilabas nito ang isang matangkad at makapangyarihang lalaki na pinaka-kinatakutan ko sa buong buhay ko. Higit pa sa takot na naramdaman ko noon kay papa, maging sa mga horror movies na madalas kong panuorin noon.
Hindi siya lumapit sakin. Sa halip ay sumandal siya sa sasakyan niya habang nakatingin sa direksiyon ko. Parang hinihintay niya na ako ang lumapit sa kanya.
Pindutin nga lang ang doorbell ng bahay niya hindi ko magawa. Ang lumapit pa kaya sa kanya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakaramdam na naman ako nang kaba. Bakit pa ko nandito kung wala naman pala akong masasabi? Umuwi na lang kaya ako. Pero hindi pwede!
Inihakbang ko ang paa ko papunta sa direksyon niya nang nakayuko.
Habang papalapit ako sa kanya, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Halos mabingi ako dahil iyon na lang ang naririnig ko. Shit! Ni hindi ko masalubong ang mga tingin niya.
Huminto ako nung ilang hakbang na lang ang pagitan namin. Pinagpapawisan ako pero nanlalamig ang mga kamay ko.
Sa ikalawang pagkakataon, sinalubong ko ang mga tingin niya.
Ilang segundo kaming nakatitig lang sa mata ng isa't isa. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya.
May nakita akong emosyon sa mga mata niya pero saglit lang yon. Mabilis niya agad iyong naitago. Dahil doon, na-distract ako kaya ako ang unang bumawi nang tingin.
"Anong kailangan mo?"
Ramdam ko pa rin ang mga tingin niya kaya ibinaling ko sa kamay ko ang mga mata ko.
"Hindi ko k-kayang hanapin si Elarey."
Narinig ko ang pag-smirk niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi ko na problema yon."
Hinanap ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako saka humarap sa kanya.
"Please, tulungan mo kong hanapin siya. K-kailangan ko ang tulong mo."
Pinilit kong hindi yumuko. Oo, natatakot ako. Nanginginig rin ang mga tuhod ko. Pero ayokong bawiin ang tingin ko sa kanya. May kung ano sa mata niya na hindi ko malaman.
Naglakad siya patungo sa sasakyan niya at sumakay rito. Hindi niya ako nilingon. Parang wala lang siyang narinig. Parang hangin lang ako na dinaanan niya. Hindi ko alam pero parang ang sakit.
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Nang akala ko ay aalis na siya, huminto ang sasakyan niya sa tapat ko. Ibinaba niya ang salamin nito saka ako nilingon.
"Sakay."
-
AYANAIA.
BINABASA MO ANG
The Heartless Mafia Lord
AdventureHe's heartless. Bakit ako mahuhulog sa katulad niya? Hindi ko hahayaan na mangyari yun. Hinding hindi!