Bigla akong napako sa kinatatayuan ko. At nanlamig ang buo kong katawan. Gusto kong tumakbo pero di ako makakilos.
Wala akong ibang nararamdaman kundi takot.
Unti-unting lumapit sa akin yung lalaki at tinutukan ako ng baril sa ulo.
Na siyang mas kinatakot ko.
Ngayon.
Hindi na ako nagbibiro. Kung mamamatay man ako ngayon. Paano na ang mga kapatid ko?
"I'd never leave evidence."
This time, mas malapit na yung mukha nung lalaki kaya napagmasdan kong maigi.
Napaka-cold ng boses niya. Walang kahit anong emosyon na makikita sa itim niyang mga mata.
"N-no please!"
Nanginginig ang boses ko habang umiiyak at unti-unting lumuluhod sa harap niya.
"I-I'm begging you. Please d-don't kill me please."
Umiiyak ako habang nakikiusap sa kanya.
"Why would I?"
Cold parin ang boses niya. Na mas nakakapagpatindig ng balahibo ko.
"Y-yung mga kapatid ko, w-walang mag-aalaga sa kanila, w-wala na kaming parents."
Gumagaralgal na ang boses ko dahil sa pag-iyak.
"P-please, please."
Hawak hawak ko ang laylayan ng damit niya habang patuloy na nagmamakaawa sa kanya.
Please Lord! Di ko naman ginustong makita yung pagpatay niya dun sa lalaki. Di ko naman po sinasadyang mapadpad dito. Sana makaligtas ako dito. Paano na ang mga kapatid ko?
"P-pakiusap, h-hindi naman ako magsu-sumbong. W-walang makaka-alam, pabayaan mo na kong maka-alis. Please!"
Tumayo na ulit ako pero hindi ako tumigil sa pag-iyak.
Nakatingin lang sa akin yung lalaki. Wala man lang reaksiyon.
Pero nagulat ako nung bigla niya akong sinakal.
Ramdam ko ang galit na hindi ko makita sa mata niya.
Nauubusan na ako ng hininga at hirap na kong magsalita.
"P-please.."
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko at marahas niya akong binagsak.
Nabuhayan ako ng loob ng maramdaman kong may mga dumating. Pero nawala rin agad yung pagasang yun dahil mukhang kasama niya ang mga ito.
"El. Sino 'yang babaeng yan?"
Tanong nung lalaking blonde ang buhok.
"I don't know either."
Walang emosyong sagot nung lalaki.
"Eh paanong napunta dito 'yan Boss?"
Lalaking mestiso at matangkad.
Medyo nabawasan yung takot na nararamdaman ko kanina dahil may iba na kaming kasama.
Hindi niya sinagot yung tanong nung mestisong lalaki. At binaling niya ang atensyon niya sa akin.
Marahas niyang hinablot ang buhok ko kaya di ko napigilang humiyaw sa sakit.
"Aaaah!"
Nakatingin lang siya sa akin na tila walang pakialam kung nasasaktan ako.
"Keep your f*cking mouth shut. Or else..."
Mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak sa buhok ko na parang gusto niyang sabihin na 'wag mo kong subukan'
BINABASA MO ANG
The Heartless Mafia Lord
AdventureHe's heartless. Bakit ako mahuhulog sa katulad niya? Hindi ko hahayaan na mangyari yun. Hinding hindi!