Hi!
I'm Shana Mhyton V. La Falcon. You can just simply call me Shana. I'm 19 years old.
Isa akong 'Dalagang Pilipina' na nabubuhay sa simpleng paraan. Friendly ako dahil pinaka-ayoko sa lahat ay may kaaway ako.
Mayaman ba ako o dukha?
Pareho.Dati kasi kaming mayaman. Hanggang sa mamatay si Mama, or should I say 'nagpakamatay' dahil sa walang kwenta kong ama. Sorry for the term 'walang kwenta' pero paki all-caps na.
Iniwan kasi kami ni Papa at sumama sa ibang babae. Well, di ko naman siya masisisi. Di naman talaga niya mahal si Mama. Nagpakasal lang sila because of their 'family tradition'
Arranged Marriage.
Kaya nung namatay si lolo at lola, di na napigil ni mama si papa na makipaghiwalay sa kanya.
At ayun,
Di nakayanan ni Mama. Nalulong sa bisyo at sugal. Kaya napabayaan niya yung business namin. Nung napatalo na niya sa sugal lahat ng yaman namin, nagpakamatay siya!
Ang galing ng mga magulang namin 'no? Iiwan na lang kami, sa ganito pa kalalang sitwasyon.
Pero kahit papaano, naiintindihan ko naman sila. Kasi naman e. pa-arrange-arranged marriage pa. Ang dami tuloy broken families. And unfortunately, kabilang kami dun.
Ang naiwan lang sa'min ni Mama ay yung mansyon. Buti na lang nagpakamatay na siya bago pa niya maisipang ibenta yung mansyon namin.
Pero mas may maganda at mahalaga pang iniwan sa akin si Mama. Yung mga kapatid ko. Si Shine Mhyril at Shine Mhyrix. Kambal sila at parehong 5 years old. Sabagay, wala naman yatang kambal na magkaiba ng edad?
At sabi ko nga kanina. Naabo lahat ng yaman namin at yung mansyon lang yung natira. Kaya napagdesisyunan ko na lang na ibenta. That time naman na mamatay si Mama e matured enough na ako para magdesisyon para sa'min ng mga kapatid ko. Hello! Last year lang namatay si mama kaya 18 years old na ako nun at nasa tamang pag-iisip na.
Kaya ayun nga! Binenta ko yung mansyon kasi wala na kaming makain. Bumili kami ng maliit na bahay at lupa para may matirahan kami. Tapos nag patayo ng maliit na tindahan ng school supplies para may makuhanan kami ng panggastos sa araw-araw. Yung natirang pera ay sinave ko na para sa pag-aaral namin ng mga kapatid ko.
Naghanap rin ako ng part time job para dagdag kita na rin. May kasama naman sa bahay yung kambal e. Si Ate Menchie. Dati namin siyang katulong at ulilang lubos na. Wala raw siyang matutuluyan kaya hinayaan ko ng sa'min tumira. Naisip ko rin na kailangan namin ng kasama.
Okay. So much for dramas.
Naiinip lang naman kasi ako kaya naisip kong ikwento ang buhay ko.
Sino ba namang hindi maiinip? Kung nakapila ka sa sobrang haba at sobrang init na lugar?
Yung mala-porselana kong kutis naging uling na.
E kasi naman ang pila. Dalawang kilometro yata ang layo mula sa Admin's Office.
Last day na kasi ngayon ng application para sa entrance exam.
Nagtataka ba kayo kung bakit afford ko pa'rin na mag-aral sa isang private school? E kasi, matalino ako. Pero totoo, scholar po ako dito. Pero bakit may entrance exam pa? Aba malay ko. Tanong niyo sa may-ari.
At matapos ang kwento ng buhay ko. Natapos na rin ang kalbaryo ko sa pagpila.
Pero akala ko lang yun! Kasi pag katapos nun, pumila ulit ako sa Registrar's Office. At pagka nga naman mina-malas-malas ka. Naabutan pa ako ng lunch break.
Kaya kumain na lang muna ako at nagmadaling pumila para di naman sobrang tagal ng pagpila ko.
~
Grabe. Nakakapagod! Teka, anong oras na ba?
4pm.
Maaga pa para sa part time job ko. 6pm-10pm kasi ang shift ko ngayon. Kaya naisip ko na lang na maglibot sa buong campus.
Wow.
Sobrang laki ng eskwelahang ito. Pag first time mong pumunta dito baka maligaw ka. At dahil first time ko dito sa Elbridge Academy. Mukhang naliligaw nga ako. Saan nga ako huling dumaan?
Medyo liblib na yung parte ng eskwelahang na 'to. Nakakatakot. Tapos wala pang masyadong nagagawi sa banda na 'to kaya sobrang tahimik ng paligid. Kaunting kaluskos lang maririnig mo. Ang creepy ng lugar na 'to.
Hala! Nasaan na ba ako? Paano ba ako lalabas dito? Parang highway na yung likod nito ha?
Somebody help me!
Naglakad lang ako ng naglakad nung mapahinto ako dahil sa narinig ko.
"Aaaah!"
Si-sino yung sumigaw?
May iba pa bang tao dito bukod sa akin? Natatakot na talaga ako. Seryoso.
Naglakad ako dahan dahan palapit sa pinagmumulan ng ingay na narinig ko.
Holy memes!
May dalawang lalaki at duguan na yung isa. Anong gagawin ko?
Sinuntok ulit nung lalaki yung isa pang lalaki hanggang sa mapahiga na ng tuluyan sa damuhan.
Pag sumigaw ako. Baka mas lalo akong mapahamak. Baka ako naman ang bugbugin nung lalaki. Medyo malayo na rin 'to kaya baka walang makarinig sa akin. Ano bang gagawin ko?
Nagtago lang ako sa punong malapit sa kinatatayuan nung dalawang lalaki. Nakatalikod sila sa akin kaya di nila ako napapansin.
"You pushed me to my limit, Asshole!"
Pagkasabi nun nung lalaki.
*Bang!*
Di naman ako nananaginip hindi ba? Di rin ako nagha-hallucinate.
T-talagang.. p-pinatay niya yung lalaki.
Biglang tumahimik ang buong paligid. At nanlamig ang buo kong katawan. Kailangan kong makaalis dito bago pa niya ako mahuli.
Nakita ko yung lalaki na haharap sa pwesto ko kaya mabilis akong nagkubli sa puno. Lord! Tulong. Sana makaalis ako dito ng ligtas. Paano na yung mga kapatid ko?
Nakatalikod na ulit yung lalaki sa pwesto ko. Kailangan ko ng makaalis dito.
Hahakbang na sana ako paalis nang biglang...
"Where do you think you're going bitch?"
BINABASA MO ANG
The Heartless Mafia Lord
AdventureHe's heartless. Bakit ako mahuhulog sa katulad niya? Hindi ko hahayaan na mangyari yun. Hinding hindi!