Sa mundong ginagalawan ko parang mahirap paniwalaan ang mga bagay bagay,mahirap umasa,mahirap gumalaw sa mga gusto mong gawin na magpapasaya sayo,parang lahat nalang mahirap at ang sakit tanggapin.
Lahat ng taong naninirahan dito alam kong isa lang ang gusto nilang itanong sa diyos "Parusa naba to??"
Maski ako.. yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko nang mangyari itong bangungot nato. Baka nga parusa na nga talaga ito. Ang akala ko puro buhay lang ang masasayang,ang akala ko puro lungkot lang ang mararanasan,ang akala ko hinanakit lang ang maiiwan sa mundong ito,ang akala ko puro pasakit lang ang di malilimutan,ang akala ko wala ng sasaya pa sa mundong ito pero lahat ng akalang ito puro akala lang pala talaga. Makaranas man ng mga ganitong pasakit nandyan parin pala ang mga kabaliktaran nito.
Nangyari man to sa mundo, ngingiti parin ako sa huli dahil alam kong may darating paring pag asa at yun ang hinihintay ko
Ang pangalan ko ay Ella Ackerman ipinanganak sa mundong lahat ng tao nawawalan na ng pag asa, sa mundong isang malaking bangungot na hindi matapos tapos, isang mundong parang gusto mo nalang matulog at di na magising, sa mundong hindi alam kong sino dapat pagkatiwalaan. Sa mundong ang kaaway ay minsan ng naging tao na naging kalaro mo dati,naging kaibigan,naging pamilya,naging kasintahan,at naging taong gustong maging kasama sa lahat ng oras.
Pero sa kasalukuyan na minsang taong nakasalamuha mo dati ay di mo na makasalamuha ngayon at ang taong gusto mong makasama sa lahat ng oras dati ay ayaw mo nang makasama ngayon para lang mabuhay.
Lahat ng tao may kwento minsan masaya,minsan malungkot. Pero ang storya ko hindi ko alam kung ano kahihinatnan nito pero eto lang masasabi ko
"Welcome in Apocalypse world"
********************************
A/N
Hey ahmf second story ko lang po to na SANA matapos to coz the first story na ginawa ko ay di natapos kaya denelete ko nalang..
.eto lang po masasabi ko just comment what you all want to say,if kung may mga typos ang grammars (inuunahan ko na kayo) sorry po. Cellphone lang kase gamit ko
Kung napapangitan wag nalang ipagpatuloy na basahin at kung ok lang para sa inyo ang story sige push lang ang pagbabasa. At hindi po ako fan ng mga zombies na movie sadyang may pinaginipan lang ako sa part na ilalagay ko rito at ang mga totoong feelings na alam nating lahat na gusto ko ring ilagay dito
At yun lang po salamat mwahh
Hope all you like it
BINABASA MO ANG
When Apocalypse Begun (Zombie Outbreak)
HorrorAko si Ella Ackerman. Ang isa sa mga taong nakasaksi at nakaligtas sa isang malaking bangungot. Ang taong nakaligtas nga pero nakulong naman sa lugar na para daw sa kaligtasan namin. Pero dahil na din dito ay marami akong nalaman at natuto. Pero isa...