4th

28 3 1
                                    

Pagkatapos sa nangyari sa cafeteria ay dumiretso nako sa room ko,mabuti nalang wala pa Professor namin. Nung umalis ako sa lugar na yun kanina ang lutang ko,laging nagrerewind ang mga sinabi nila sakin. Kahit pala ganito na sitwasyon ng mundo namin ay makakaranas pa pala ako ng ganun at makakarinig pa pala ako ng masasakit na katotohanan.


Sasanayin ko nalang yata sarili kong mag isa..wala nang magtyatyaga sa katulad kong kaibiganin kung ganun lang din ako trumato sa kanila.



"Morning"sabi ni Professor Kirito samin ng pagkapasok na pagkapasok nya.


"Morning Professor"chorus na sabi ng members namin


Professor Kirito Neel ay professor namin sa Guns and Targeting Lessons. Lessons about guns and how to use any kinds of it especially when you encountered a corpse, while targeting they manage to teach you when the exact timing and where the proper target is..



"Ok class group yourself in to two.."sabi ni Professor

Pagkasabing pagkasabi ni Professor Kirito ay nagsitayuan na mga member ko at nag aagawan na sa mapapartner nila.


Tinuon ko na lang paningin ko sa bintana at sakto namang nakikita rito ang mga ginagawa ng mga ka member ko kaya agad kong nakita ang tatlo si Jane pares yata si Faye magkatabi kase,si Cyril naman kapartner nya ang katabi nyang si Lyra. Sumusulyap rin sila sakin pero di nila alam na nakikita ko sila sa bintana. Nawala lang pagtitig ko sa bintana ng may tumawag sakin kaya nagtaka ako na may tumatawag sakin na katabi ko pa, kase sa pagkaka alam ko wala akong katabi,dahil nasa likod na ito at boring pa ko katabi.


"Ella,hoy ella.."tawag nung katabi ko na parang pamilyar sakin ang boses. Di ko pa rin nilingon kase baka di ko lang kilala at gustong makipag partner sakin


"Hoy ellampayatot partner tayo,,sige na,,wala pa kong kakilala dito ehh maliban sayo.."sabay kalabit nya sa braso ko.


Lumaki nalang bigla mata ko ng sabihin nya yun hindi dahil nagulat ako kundi dahilsa sinabi nyang "elampayatot?". Sheyt men!! di nya ba nakikita na ang sexy ko kaya tapos malaman-laman pa pero kitang-kita pa rin ang ka sexy-han ko.


At dahil sa inis ko nilingon ko kung sinong tukmol ang naglakas ng loob sabihin yun at sa......swerte ko nga naman oh si Renze pa talaga?



Di ko inexpect na magkamember pala kami ni Renz at katabi pa talaga ha?. Tumingin ako sa kanya at ang lawak ng ngiti ng tipaklong. Kainis naman.




Tumalikod muna ako sabay pikit muna ng aking mga mata at ngumiti pagkatapos ay binuka ko ang mata at hinarap ko na sya. Nagsalubong muna kilay nya pagkatapos ay ngumiti rin na parang na aakward.



"Kanina ka pa nakaupo jan??"tanong ko sa kanya pero sa oras na to di nako nakangiti baka sabihan pa kong baliw. Natanong ko lang yun kase di ko naman sya nakita kanina nung dumating ako.



"Ha?? Ahh oo kanina lang bago mag umpisa klase pero nag cr rin kase ako saglit kaya di moko nakita kanina dito sa upuan hehe"


"Ah"yan na lang nasabi ko at humarap na lang sa harapan


"So? May partner naba lahat?"tanong ni Professor Kirito samin kaya nagsitanguan lahat



"Okay,today I will give all of you a challege like assembling..pero this time totoong baril na iaasemble nyo kaya dont murmuring na.."sabi naman ni Professor kaya mga ka member ko sobrang tuwa,dati kasi puro examples lang pinapa assembles samin kaya ganyan sila ngayon. Tinignan ko lang katabi ko pero kumunot lang nuo nya kaya natawa naman ako ng mahina,sa pagtawa ko ng mahina ay ang pagbaling ko ng paningin sa tatlong nakatingin pala sakin kaya umiwas nalang ako ng tingin at inalis ang tawa.




When Apocalypse Begun (Zombie Outbreak)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon