Walang gumagawa ng kahit na anong ingay ,ang hinihintay lang ang pagkwento na ni professor. Tinignan ko ang paligid at inusisa kung ano ginagawa ng iba pero lahat sila nakatingin lang sa harapan habang pinapanuod si professor na parang may inaayos sa desk. Tinuon ko nalang rin paningin ko sa ginagawa ni professor at kung ano ang inaayos nya.
Napatigil naman si professor ng mapansin na parang tumahimik at tumawa ng mahina."Your all too serious.."sabay tingin nya samin
"..ok..are all of you ready.?"tanong ni professor. Tumango lang kami at umayos na ng upo
"Bago natin simulan ang story, sinong gusto magshare ng karanasan nyo ng mangyari ang apocalypse kahit isa lang sa inyo.?"pagkasabing pagkasabi ni professor nun ay natahimik muna ang paligid pero panandalian lang to ng may nagsalita..
"Ako po professor.."sabay tayo nya
"Ok..makikinig kami Ms. Sho"
Pumunta si Cyril sa harapan na nakayuko habang nilalaro ang kuko. Umayos ng tindig si Cyril at tinignan ang paligid na nakangiti pero ang nakakuha ng pansin ko at nakapagpaayos sakin ng upo ay ang mata ni Cyril na magang maga na malalaman mo talaga na kagagaling sya sa iyak
"June 10 when my mom got sick,dinala sya sa hospital para dun muna daw makapag pahinga ng maayos. I was the only child then my dad left us when I was 6 years old so si mom lang nakasama ko sa paglaki. First week of class nun ng ipasok na sa hospital si mom pero di ako pumapasok sa school para lang bantayan mom ko,dahil sa di ko pagpasok sa school ay ginawa ni mom lahat para gumaling sya ng mabilis. Even the vegetables that she didnt like ay kinakain nya para lang gumaling sya at mahatid nya ko sa school.."sabay ngiti ni Cyril pero sobrang lungkot nito.
Napapikit ako ng may nakita akong tumulong luha sa kanang mata nya pero ang nakapagpainis sa sarili ko ay nang tumulo ang luha nya ay nakatingin sya sakin at agad agad na pinahid ito. Parang pinapakita nya sakin na matapang sya,na di sya iiyak,na di sya iiyak sa harapan ko.
"June 14 nang makalabas na si mom..I was so happy that time kase makakasama ko na sya ulit sa bahay at makakatabi ko na sa pagtulog ulit. Pero.."
Ngumingiti pa rin sya habang pinipigilan ang paghinga nya na may halong hagulgol
"Pero..nung pagkalabas na pagkalabas namin ng hospital ay may nakita kaming nagkukumpulang mga tao kaya nilapitan ko kahit tinatawag ako ng mom ko nun. I saw an old man lying on the ground pero walang tumutulong sa kanya kahit ang daming taong nakatingin. Tinulungan ko yung matanda pero bigla nalang nya kong hinila ng marahas at gigil na gigil na parang di nakakakain."
"Hinila ko kamay ko pero di ko talaga mabawi kaya lumapit mom ko nun at tinulungan nya ko kaya nakalayo kami sa matanda. Sumakay na kami sa car ng may bigla nalang may kumakalabog sa bintana at ang matanda pala yun pero may kasama na syang dalawa. Unti unting nagka crack na yung window ng car pero di parin kami makaalis kasi nawawala pala ang susi. Nagstay kami dun hanggang sa mabasag na ang window kaya lumabas kami ni mom pero nahila buhok ko kaya binalikan ako ni mom,"
Kada patak ng luha ni Cyril ay agad nya rin tong pinupunasan ng nakangiti,minsan humihikbi sya kaya kinakagat nya labi nya habang nakatingin parin sakin.
Pero ako nakatingin lang sa kanya, minsan pumipikit ako ng di malamang dahilan. Si Cyril Sho ang pinakabata sa kanilang tatlo,ang isip bata sa kanilang tatlo,ang masayahin sa kanilang tatlo pero kasing taas nya parin ang dalawa na sila Jane at Faye kaya di napapagkamalang bata pa
"Pinaghahampas nya yung mga corpse pero kinagat sya sa kamay. Kahit may kagat na sya sa kamay ay di nya ininda,binalikan nya ko habang pilit hinihila ang buhok ko na hawak parin ng isang corpse. Huminto si mom sa paghila at tinignan ako na sobrang lungkot. Hinalikan nya nuo ko at ngumiti sabay sabi ng "I love You Baby" ,,nung una di ko talaga alam kung bakit sinabi yun ni mom"
Ngayon nakayuko na sya at pinapabayaan na ang mga luha nya na umagas ng umagas at ang paghikbi nya na lumakas
"Dun ko lang *hik* nalaman ng kagatin nya ang kamay ng corpse na may hawak sa buhok ko*hik*...pero bigla nalang may lumapit kay mom na tatlo pa at *hik* pinagkakagat si mom..ng pumikit mata ni mom ay dun lang ako nakatakbo kahit di ko alam kung san ako pupunta.."
Di ako makapagsalita. Nakayuko lang ako at tinitignan ang kawalan. Unfair.? Tama nga yun para sakin,tama ngang yan ang itawag sakin. Hindi ko alam ganito pala pinagdaanan ni Cyril.
Kaya ba ganun na lang reaction nya para sakin,kaya ba ginagawa nya parin lahat para maging masaya kase para makalimutan nya nakaraan nya,kaya ba ganun nalang kasakit sa kanya na mawala ang nasa paligid nya kase yun nalang ang meron sya.
Galit na galit ako sa mundo na umabot sa punto na lahat ng nakapaligid sakin ay sinali ko sa galit at kalungkutan ko. Naging makasarili ako.
Di ako bagay maging kaibigan,di ako bagay mahalin,di ako bagay na dapat maging kasama sa buhay kase alam kong dahil sa makasarili ko ay maraming mawawala,maraming magsisisi.
Tinignan ko mga ka members ko at lahat sila nakayuko,tinatabunan ang mukha at ang iba di makapagsalita. Sila jane naman at faye ay nakayuko lang pero makikita talaga na umiiyak sila dahil sinisinok sila.
Lahat di makapagsalita kahit si Professor naka upo lang sa desk nya at nakatingin sa kawalan. Natuon lang bigla paningin ng lahat ng magsalita ulit si Cyril pero sa pagkakataong ito ay di na sya nakayuko at sinisinok pero makikita parin ang maga ng mata nya
"After that day akala ko katapusan na ng mundo, I was all alone but one day I met Jane and Faye. Naging kaibigan ko sila at naging kasama kahit san magpunta hanggang sa tulungan kami at idala dito..."sabi nya habang nakangiti na may halong saya at lungkot
Ang akala ko magkaibigan na sila bago pa mangyari ang apocalypse pero mali pala ako..hindi ko alam dahil di ko inaalam
"Sa pagpasok namin dito iyak kami ng iyak nun pero may isang taong nagpatatag samin nun,nagturo at naging inspirasyon namin...magmula nung araw na yun hanggang ngayon sya parin inspirasyon namin at kaibigan namin.."sabay baling nya sakin kaya yumuko lang ako
Bakit ganon kahit di na kami nagkaunawaan at pilit akong lumalayo sa kanila,ako parin ang dahilan...
Ako ang dahilan ng pagkasira namin,ako ang dahilan ng pagpapakita nila ng mga bagay na di ko manlang pinansin at binigyan ng halaga at ngayon malalaman ko nalang na ako pala ang dahilan ng pagiging matatag nila sa araw araw. Pero ako wala akong ginawa kundi ang ipagtabuyan sila at tratuhin sila na parang di kakilala.
Naiyukom ko nalang kamay ko habang nakayuko parin. Di ako makatingin sa kanya. Napatingin lang ako bigla kay Renz nang hawakan nya kamay ko,tinignan nya ko at nginitian sabay baling ulit sa harapan.
"Ok lang yan..don't blame yourself.."sabay bitaw nya sa kamay ko at niyakap ako
Eto ba ang di ko inaasahan na maririnig kong storya.?
Eto ba ang katotohanang magpapagising sa sarili kong bangungot.?
Bangungot na lumamon sa pansarili kong kagustuhan at sa ugali kong kapaitan..
Sa mga sinabi ni Renz at sa mga naisip ko ay napayakap na rin ako sa kanya..
"Thank you.."sa mga nalaman ko at narinig ay ngayon lang ako nakapagsalita..kahit luha ko di lumabas sa mga mata ko pero umaapaw naman sa sakit at pagsisisi ang makikita dito.
********************************
(A/N) Heeyy..saklap ng lyp. So sana nagustuhan nyo kung hindi ay d wag...jowkk.
Hope all you like it guyxx kasi yan lang naisip ehh..kung may gustong itanong sige push nyo lang,geh bye2x
Need your Comment and Like.
BINABASA MO ANG
When Apocalypse Begun (Zombie Outbreak)
TerrorAko si Ella Ackerman. Ang isa sa mga taong nakasaksi at nakaligtas sa isang malaking bangungot. Ang taong nakaligtas nga pero nakulong naman sa lugar na para daw sa kaligtasan namin. Pero dahil na din dito ay marami akong nalaman at natuto. Pero isa...