Maaga akong gumising at naligo,mga 3 pa lang yata. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nako,nag pants lang ako at nagsando na pinarisan ng jacket. Lumabas ako ng kwarto at naglakad sa hallway na di gumagawa ng ingay baka may magising pako.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa girls dormitory ay dumiretso ako sa garden na kaharap lang ng school building. Humiga ako sa damuhan at tinignan ang mga bituin na natitira. Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko tong mga bituin nato kase may naaalala ako pag nakikita ko sila. Habang tinitignan ang mga bituin ay may narinig akong kaluskos kaya tinignan ko paligid pero wala namang tao kaya bumalik nalang ako sa pagkakahiga at pinikit ang mata.
"Ang aga mong gumising ah"napatayo nalang ako bigla ng may nagsalita sa uluhan ko,napailing nalang ako ng si Renz lang pala
"Trip lang..ikaw ba? Bakit ang aga mo?"sabi ko sabay upo at humiga ulit
"Wala lang rin,.."sabi nya sabay tabi sakin pero naka upo lang sya habang nakatingin sa langit
"Mabuti pa bituin nohh..walang problema.."pambasag ko sa katahimikan"...di tulad natin ang daming nangyari"pagpapatuloy ko
Tumingin naman si Renz sakin at ngumiti sabay higa"may problema din yan di lang natin alam.."sabi nya
"Haha ganun ba"walang gana kong tawa
"You know what..I always wanted to be like them.."nasabi ko nalang bigla,mapagkakatiwalaan naman tong si Renz eh kaya ok lang yata sabihin sa kanya ang mga nangyari sakin o sa buhay ko
"You mean a star?"tanong nya sabay tingin sakin
"Oo..kase lumalabas lang sila sa gabi at nagpapakita ng ganda,walang dinadamdam,walang problema,at hindi nasasaktan.."sabi ko habang nakatingin parin sa mga bituin
"...alam mo ba bago mangyari ang araw ng apocalypse na yun nagvacation muna kami ng family ko sa bahay ng lola ko para daw di malungkot si lola na mag isa lang sya. That day is a happiest day for me.."hindi ko na napigilan luha ko kaya pumikit nalang ako habang nakangiti
"Bago mag umaga nun,mga ganitong oras din may sinabi mama ko sakin na hanggat may bituin daw ay lahat ng problema masosolutionan,after our conversation ay nakatulog ako nun sa tabi ng mama ko.."sabi ko sabay punas ng luha sa pisngi ko,alam kong nakatingin na si Renz sakin at pinabayaan lang ako na ilabas ang matagal ko ng di malimot limot na nakaraan
"..mga 3 hours lang ako nakatulog nun kase nagising ako sa kalabog,bumaba ako pero pagbaba ko wala ng tao pero may mga bahid ng dugo sa sahig so I was about to scream that time ng may humila sakin galing likod at si mama yun..aalis na sana kami nun ni mama para hanapin ang tatlo ko pang kapatid pero di pa kami nakakalabas ng pinto nang may kumagat sa paa ni mama.."umupo nako at pinipigilan ko na pag hikbi ko,naramdaman ko naman ang paghagod ng kamay ni Renz sa likod ko na parang pinapatahan ako
"Kumuha ako ng kutsilyo nun at tarantang binalikan si mama kase*hik*kinakagat parin sya,dahilan na rin yata ng galit at taranta kaya pinag babaon ko ang kutsilyo sa ulo ng kumagat kay mama*hik*. Iyak ako ng iyak nun pero nagawa parin akong patahanin ni mama.."hindi ko na napigilan paghikbi ko at lumakas na rin pag iyak ko"alam mo ba bago ako palayuin ni mama sa kanya may sina*hik*bi sya sakin at don ako nasaktan ng todo..*hik* sabi nya happy birhtday my star*hik*..."ngayon nakasandal nako kay Renz at wala pa rin pigil ang mga luha ko sa pag agos.
"Ang sakit lang sa *hik* feeling na kahit nagkaganon na sya..she manage pa rin na sabihin*hik* ang mga yun.."
Hindi ko alam bakit ko ito sinasabi kay Renz pero parang may nagtutulak sakin na dapat ko to gawin. Pero nagpapasalamat pa rin ako na sinabi ko to sa kanya kasi kahit papano gumaan pakiramdam ko. Mga ilang oras ay huminga ako ng malalim at inayos ang buhok sabay upo ng maayos.
BINABASA MO ANG
When Apocalypse Begun (Zombie Outbreak)
TerrorAko si Ella Ackerman. Ang isa sa mga taong nakasaksi at nakaligtas sa isang malaking bangungot. Ang taong nakaligtas nga pero nakulong naman sa lugar na para daw sa kaligtasan namin. Pero dahil na din dito ay marami akong nalaman at natuto. Pero isa...