Kaya pala ganon na lang ang panginginig ko kanina,hindi sa takot o ano man kundi excitement pala ang naramdaman ko kanina. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari tong araw nato I thought na hindi nako makakakita pa dito sa lugar nato at sa panahon nato pero mali ako at yun ang pinapasalamat ko sa maling yon.
"Y-you..."sabi ko sabay turo sa kanya kaya ang lalaki tumingin tingin naman sa kaliwat kanan nya sabay turo sa sarili nya
"M-me??"
"Sh*t!! Ikaw nga!! Yesss may nakita rin akong kakilala ko!!"sa sobrang tuwa ko napasigaw na talaga ako at wala na akong pakealam sa nakarinig at nanonood sakin ngayon basta ang mahalaga may nakita nakong kakilala
"Oo ikaw!! Renz Kirigaya?? Tama?? Ako to si Ella Ackerman.."sabay upo sa kaharap nyang upuan at sobrang tuwa ko talaga
"H-ha??"tumingin naman sya sa paligid at ngumiti sabay ayos ng malaking salamin nya at binalik ang tingin sakin. At di mapapalampas ng mata ko ang pag lunok nya
Ha?? Bakit parang kinakabahan sya?? Ahh baka di pa nya ko natatandaan tapos ako naman grabe ma ka react. Ahh!! Kahit na..lalapitan ko parin sya at ipapa alala ko sa kanya ang tungkol sakin.
"Oo yung klasmate mo nung grade 5 ...kaibigan nila ate elyn yung laging inaasar mo, tawag mo nga sakin nun ellampayatot.."walang tigil kong sabi sa kanya habang naka ngiti ng malawak,sana naman naalala na nya please
"A-ahh o-oo ikaw nga Ella k-kamusta ka na?? Hehe"sabi nya sabay kamot sa batok
Ayy ang lamya?? Bakla?? Ayy ang panget.
"Yess naalala mo talaga ako?? Haha ok naman ako at eto di na ellampayatot haha"sobrang saya ko talaga,sa wakas nakahanap nako ng kakilala. Iba kase kung may kakilala ka dati na magiging kasama mo ngayon.
"Hahaha payatot ka pa rin kaya haha di mo lang alam,kumakain ka pa ba haha??"grave sya ohh,anghel na nga naging demonyo pa,ganun pa rin sya, kainis parin
"Di naman tulad sayo na kulangot kid ka parin hahaha,grave kulangot mo dati umaapaw sa ilong mo haha pero ngayon infairness ha....marami parin hahaha"grave ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito at di ko talaga mapigilan
"H-hoy tu-tumahimik ka nga..umalis ka na rito,di kita kilala.."at winawalis ang kamay na pinapalayas talaga ako
Bakit parang iba sya ngayon,.ibang iba talaga sya sa dati at ngayon,,ahh baka sa pagtanda nya lang. Pero the way he laugh,the way he talk parang may mali.
"Di moko kilala?? Sure ka??"tumigil muna ako sa pagtawa at nilagay ang dalawang kamay sa lamesa at tinignan sya ng seryoso. Iba talaga sya
"A-ah oo ay h-hindi ahh basta kilala kita,,klasmate tayo diba dati hehe sige alis muna ako"sabi nya at umalis ng dali dali kaya nalaglag ang ID nya,napangiti nalang ako sa wala sa oras
Tumayo ako sa inuupuan ko. Pero bumalik rin ako dahil ang pitaka ko pala pero kahit anong gawin kong baliktad ng baliktad ay wala talaga. Agghh sh*t really damn sh*t.
Babalik nalang ako mamaya kasi pinagtitinginan nako.
Naglalakad ako sa gitna ng cafeteria pero na sense ko na parang ang tahimik masyado kaya tinignan ko ang mga paa bawat upuan na nadadaanan ko at may nakaupo naman, para ngang ang sikip pa nila sa inuupuan nila ehh. Inangat ko ulo ko at nilibot ito sa paligid para makita naman mukha nila. Pero..
Kung mamalasin nga talaga ohh. Nakatingin ang lahat sakin na parang di makapaniwala at mangha?
Sana pala di nako huminto para tignan mga tao sa paligid at pramis sobrang nakakahiya talaga.
BINABASA MO ANG
When Apocalypse Begun (Zombie Outbreak)
HororAko si Ella Ackerman. Ang isa sa mga taong nakasaksi at nakaligtas sa isang malaking bangungot. Ang taong nakaligtas nga pero nakulong naman sa lugar na para daw sa kaligtasan namin. Pero dahil na din dito ay marami akong nalaman at natuto. Pero isa...