NICA's POV
Naka ngiti kong inabot yung slip ko kay manong guard para maka pasok ako sa loob ng university. Tinanguan at nginitian nya ko hudyat para mag tuloy na ko sa loob. "Salamat po." pahabol kong sabi at nag bow.
Nag tuloy na ko sa loob at sobrang namangha ako ng makita ko kung gaano kaganda at kalaki ang CL university. May makikita kang malaking billboard bago ka makapasok ng Entrance CL UNIVERSITY at yung image neto at hindi lang sa picture to maganda dahil mas maganda talaga sya sa personal kung makikita mo.
Nilibot ko yung paningen ko at ang daming mga studyanteng nag lalakad dito at mahahalata mong mga Rich kid to dahil ang gaganda ng kutis nila akala mo pang soft/lotion commercial at ang aangelic ng mga mukha nila. "Tama ba ako ng napasukan? Mukhang aartistahin ang mga nag aaral dito." Namamangha kong sabi habang nililibot yung tingen sa mga nag lalakad na mga studyante.
Kinuha ko yung schedule ko sa bag ko at Homeroom ang unang klase namin ngayon kaya pumasok na ko sa building na nasa harapan ko at hinanap ang section ko.
Room I-B yung naka lagay sa schedule ko at buti na lang ay nasa first floor lang ang room ko at hindi ako mahihirapang mag akyat panaog kung sa taas pa ako nag room. Tinignan ko bawat room na madadaanan ko at huminto ako sa pintong may naka lagay na Room I-B.
Huminga mo na ko ng malalim at binuksan ito ng dahan dahan. Wala pang prof pero medyo marami na rin yung studyanteng magiging classmate ko. May sari-sarili silang ginagawa kaya hindi nila napansin na pumasok ako.
Nilibot ko yung paningen ko kung saang may bakanteng upuan at doon na lang sa dulo yung may bakante. Nag lakad ako doon at umupo sa pangalawang row sa dulo at nilapag yung bag.
Nakahinga ako ng maluwag. Finally andito nako. Ang sarap sa pakiramdam dahil halos isang taon ko tong hinintay. "Hoy! Ngingiti-ngiti ka jan." Napa tingen ako sa babaeng nasa harapan ko ng mag salita sya. "Hi. Allyson here :)" sabi nung magandang babaeng na ka ngiti sa harapan ko.
Ngumiti na lang din ako. "Im Nica :) Nice meeting you." sabi ko. Umupo sya sa tabing upuan ko at nilapag yung bag. "Why are smiling like an crazy?" naka kunot nyang sabi.
Natawa naman ako. Napangiti nalang pala ako ng hindi ko namamalayan. Bumaling ako sakanya. "Masaya lang." sagot ko. Totoo namang masaya ako. Isa ito sa pinakamasayang nangyare sa buhay ko... ang makapag aral ulit na matagal ko ng hinintay.
"P-pwede ba kitang maging kaibigan? Wala kasi akong kakilala dito he-he." nahihiya kong sabi sakanya. Naka yuko lang ako habang nilalaro yung daliri ko. Ganto ako pag kabado o kaya nahihiya.
"Of course. So friends?" Nilapit nya yung kamay nya sakin at inabot ko naman to. "Friends." Masaya kong sabi.
Natawa naman sya sa pag ka hyper ko. May bago na kong kaibigan bukod kila nanay tanya Yeyy.
Mag sasalita pa sana sya ng may pumasok sa pinto kaya napunta lahat ng attention namin don at parang dinaanan ng anghel yung room namin dahil nag kanya-kanya ng ayos yung mga tinanggal sa pwesto yung mga arm-chair nila at bigla na lang tumahimik.
"Good morning class." Bati nung prof. "Good morning maam." sabay-sabay naming sabi. Nilapag nya yung mga gamit nya sa teacher's table at humarap na ulit samin.
"So, Im Alejandro Mendez your Music teacher and Home room teacher at the same time. So this is the first day of class you need to know each other, to meet new friends, to talk each other and i just wanna say... Hindi ako mag le-lesson this day and this is your free day to know each other—"
"YESSSSS"
"Thank you sir. Iloveyou na."
"OMG this is awesome."
Hindi natapos ni Sir Mendez yung sinasabi nya dahil na tilian at nag sigawan na agad yung mga classmate namin.
"—But..."
"Ouch."
"Umasa nanaman ako."
At kung ano-ano pa yung pinagdadrama nila. Jusko naman nag "BUT" lang si sir Hinugot na. Srsly?
"Enough class. Enough. Okay! So tulad ng sabi ko. Hindi ako mag le-lesson ngayon at free day nyo this day to know each other but, Mag iiwan ako ng assignment and you'll pass it tomorrow okay? I'll post later to the bulliten board. So now enjoy your day to meet new friend... Dissmiss."
Lumabas agad ng room si sir Mendez ng matapos syang mag salita. Nag unahan na din mag labasan yung iba naming classmate kami na lang ni Allyson ang natira dito.
Tumingen ako sakanya at natawa. "Sobra yung mga classmate natin kung humugot hahaha." natatawa kong sabi. Gaya ko ay natawa din sya at sinimulan ng ligpitin yung gamit.
"First day na first day wala agad klase. Excited pa naman ako kanina." sabi ko at niligpit na din yung mga libro ko na nasa desk. Tumingen sya sakin at ngumiti ng malawak. "Tara? May pupuntahan tayo." sabi nya at hinawakan yung kamay ko at hinatak kaya nag patangay na lang ako.
"Were here." sabi nya at binitawan na yung kamay ko.
Nilibot ko yung paningen ako at sobra akong namangha sa ganda ng nakikita ko. Madaming purple at red na flowers na naka palibot dito at naka pwesto kami sa ilalim ng puno at ang sarap ng simoy ng hangin dito. Wala ding mashadong tao dito at tanaw din dito yung open field kung saan may nag s-soccer.
"Ang ganda naman dito." namamangha kong sabi. Umupo si Allyson sa damuhan at may nilabas na dalawang sandwitch. "Kain tayo. Gawa yan ng mom ko." Naka ngiti nyang sabi. Tinanggap ko yung at umupo din sa tabi nya. "Thanks." sabi ko.
"So, bakit dito mo naisipang pumasok?" Tanong nya kaya napa tingen ako sakanya. Nilunok ko mo na yung kinakaen ko saka sumagot. "One year akong natigil sa pag aaral... financial problems. So nag tatrabaho ako sa maliit na restaurant jan sa malapit lang dito sa university at habang nag seserve ako may nakita akong flyers na about scholarship then napatitig ako don at may naka kita saking prof. from here na naka tingen nga ako don tas tinanong nya ko kung gusto ko daw bang mag aral shempre umu-Oo naman agad ako kaya pinagtake ako ng exam then yun. Im here." Mahaba kong explain sakanya. Tumango tango naman sya at nilunok yung kinakain.
"Wow so working student ka? Ang astig nun. Where's your parent— *kring *kring *kring." natigil sya sa pag sasalita ng tumunog yung phone nya. "—Excuse me, sagutin ko lang." sabi nya at lumayo ng kaunti sa pwesto namin.
Napangiti na lang ako. Naastigan pa sya kasi working student ako. Sabagay rich kid sya at hindi sya nakakaranas ng hirap kaya nya siguro nasasabi yon. Pero kakaiba sya sa mga mayayamang nakakasalamuha ko tulad nung mga customer sa pinapasukan mo.
Ang bait nya sa isang katulad ko at hindi man lang nandiri or lumayo dahil mahirap nga ako at pagtatrabaho lang yung kinabubuhay ko. Samantalang yung ibang mayayaman jan lagi na lang minamaliit yung isang katulad ko. Basta ang swerte ko dahil nakipagkaibigan sya sakin.
"OMG sorry, sorry talaga Nica. I have to go na may emergency lang. See you tomorrow—Ay wait can i barrow your cellphone number? Text you know were friends now right?" sabi ni Allyson ng maka lapit sya sakin.
"Hehe okay lang. Ingat ka hah." sabi ko ng maibigay ko na yung number ko. Bineso nya pa ako bago umalis at kumaway-kaway pa.
Nang mawala sya sa paningen ko. Umupo ako sa damuhan at nilabas yung libro na hiniram ko sa anak ni Nanay Tanya at nag basa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag babasa ng may marinig akong sumigaw.
"MISS ILAG."
Tumingen ako sa sumigaw at imbis na tao yung makita ko ay bola ng succer yung papunta sa pwesto ko at hindi ko na nagawang maka iwas dahil sa sobrang bilis nito at ang alam ko na lang ay ang pag tama neto sa mukha ko at pag ikot ng paningen ko't nawalan na ko ng malay.
to be continued ...
Allyson Ramirez on the multimedia.
BINABASA MO ANG
When i met a Gangster [On-going]
Teen FictionWritten by Angelika Santos Copyrights, 2016