Kabanata 9

747K 21.8K 8.1K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 9

"Finally, some peace!" sigaw ni Kath habang papalabas kami sa classroom. Kakatapos lang ng long exam namin sa isang subject. Medyo mahirap kasi siya at madami ang coverage kaya naman stressed kami ng ilang araw.

Papunta kami sa cafeteria pero napansin ko na maraming nagtatayo ng booth sa field.

"Ano ang meron?" tanong ko sa kanila.

Tinignan ako ni Kath na parang sobrang weird ng tanong ko. Hindi na kasi talaga ako masyadong lumalabas nitong mga nakaraang linggo. Ang naging routine ko na lang ay school at bahay. Kapag weekends naman, nandun kami sa orphanage na sinusuportahan namin ni Papa. Tapos medyo busy na rin ako dahil medyo malapit na iyong debut ko at ang daming gustong gawin ni Mama. Minsan, hindi na ako makahinga sa dami ng dapat asikasuhin.

"Minsan nga, try to be a normal teenager. You're such a nerd," sabi ni Kath. Ni hindi niya naman sinagot iyong tanong ko kaya kay Liza ako bumaling. Mabuti na lang sinabi ni Liza na foundation day pala bukas kaya maraming nagtatayo ng booth.

"I'm so excited!" sigaw na naman ni Kath. Pinabayaan na namin siya ni Liza na magsalita nang magsalita dahil ang hirap niya namang pigilin. Ang hyper niya kasi talaga minsan. "Sana may jail booth."

"That's so juvenile, Kath," kumento ni Liza.

Kath rolled her eyes.

"The heck I care if it's juvenile. Basta if merong jail booth, I want to be imprisoned with Benj, ha!" sabi ni Kath. Hindi ko alam kung bakit crush na crush niya si Kuya Benj. Sobrang weird naman ni Kuya para sa akin...

Nakarating na kami sa cafeteria at tinatamad si Kath na bumili ng pagkain kaya pinilit niya si Liza na siya na lang ang bumili ng food namin. Mabuti na lang at mabait si Liza kaya napilit siya ni Kath. Habang naghihintay kami, nakarinig kami ng mga maingay na lalaking nag-uusap.

Kath dreamily looked at them.

"They're so gwapo talaga," she said and then sighed. "Kahit 'yung eldest lang ang makuha ko, sasaya na ako..." sabi niya habang nakatingin.

Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Dalawang linggo na ang lumipas nung pumunta ako sa gym at dalawang linggo ko na ring tanggap na tapos na ang friendship namin ni Saint. Ang bilis lang talaga pero ano'ng magagawa ko? Ayoko namang ipilit kung hindi talaga pwede...

"Sayang naman. If friends pa rin kayo ni GDL, e 'di sana you can introduce me to his Kuya," sabi ni Kath. Hindi na ako umimik dahil aaminin ko naman na nalulungkot pa rin ako kahit papaano... Syempre naging parte na rin naman si Saint ng buhay ko. Minsan nga namimiss ko iyong pagpopost niya sa wall ko.

"Bakit ba kasi talaga biglang you two are not talking anymore?" she asked.

I shrugged. "Hindi ko rin alam..." sagot ko. Ang huli ko lang natatandaan ay iyong nagsend si Kuya ng message sa kanya. Nagpaliwanag naman na ako. Imposible naman na iyon ang dahilan kung bakit hindi niya na ako pinapansin.

Ang babaw naman kasi kung iyon lang.

"Weird lang if all of a sudden, hindi ka na niya pinapansin," she said. "Something must have happened."

"Tapos na. Baka ganun talaga," I replied pero hindi siya papigil.

"It can't be," sabi niya at saka inilabas ang cellphone niya. "Let's stalk him. Baka may clue tayo na makita sa twitter niya."

Hindi ko na pinigilan si Kath dahil kapag mas pinigilan mo siya, mas gugustuhin niya lang gawin ang bagay na 'yun. Nung dumating si Liza, she asked me kung bakit ang seryoso ni Kath. I just shrugged and she understood it. Nababaliw na naman ang kaibigan namin.

Just The Strings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon