#JustTheStrings
Kabanata 24
"Ikaw ang tumapos nito?" nakataas ang kilay na tanong ni Kuya kay Saint. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Kuya kanina pero base sa ngisi niya, malamang pumunta siya kina Kath at ininis na naman 'to.
Tumango si Saint habang ako naman, hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko... Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Matatawa kasi parang tanga na si Kuya. Nasa 21st century na kami pero iyong pag-iisip niya, nasa 1900s pa yata... O kung maiinis ba ako dahil parang sobrang unreasonable niya na. Alam ko sinabi niya na sa akin na ayos na sa kanya si Saint pero kahit na ganoon, ginagawa niya pa rin ang lahat para pahirapan si Saint. Hindi na yata talaga magbabago si Kuya.
"Sigurado ka?" sabi ni Kuya habang iniinspeksyon iyong mga kahoy na para bang may clue doon kung si Saint ba talaga ang nagsibak sa kanila. "Bakit ang perfect nito? May lahi ka bang magkakahoy?"
Napailing na lang kami ni Saint at saka iniwan si Kuya kasama ang mga kahoy niya.
"Where's Finley?" tanong niya habang papasok kami sa bahay.
"Hindi ko alam, e. Baka nasa kwarto niya," I replied. Didiretso sana kami sa kusina dahil magpapahanda ako ng pagkain kay Manang. Kahit naman kasi hindi si Saint ang nagsibak ng mga kahoy, siya pa rin naman ang nagbuhat papasok sa bahay. Sinabi ko naman sa kanya na magpatulong pero kaya na raw niya. Kaya ayan, pagod pa rin siya.
"Can you go upstairs and call him?" tanong niya sa akin.
"Bakit?"
"Well, I kinda promised him I'd teach him to play ball."
"Pagod ka na, e. Next time na lang."
"A promise is a promise and I don't want to disappoint your brother. Besides, hindi ako pagod," he replied.
"Pero ang dami mo kayang binuhat," I answered back. Kaya pala Grandia iyong sasakyan niya kanina kasi puro kahoy lang iyong loob. Pati iyong mga guards niya na kasama, may mga kahoy din iyong sasakyan. Si Saint talaga hindi ko maintindihan ang isip minsan, e.
"Mary, I'm an athlete. I run miles a day. I play basketball for hours. Hindi ako mabilis mapagod," sabi niya sa akin kaya hindi na ako nakipagtalo.
"Okay... Tara, puntahan natin si Finley," aya ko sa kanya. Okay na rin siguro 'to since kita ko naman na gustung-gusto talaga siya ni Finley na makalaro.
He only wrinkled his nose.
"Ayaw mo?"
"It's not that I don't like... but this is your house and I don't think it's proper for me to go upstairs."
Kunot lang ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ano naman ang masama kung aakyat siya? Ang weird niya talaga minsan.
"Ha?"
Napangiti siya.
"You're so cute and innocent," sabi niya tapos pinitik ng marahan iyong ilong ko. "Sige na, call your brother."
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Finley. I tried knocking pero walang sumasagot kaya naman binuksan ko na iyong pinto. Pagpasok ko, nakita ko na nakasuot na ng pajamas si Finley at saka mahimbing na 'tong natutulog. He seemed peaceful sleeping kaya naman hindi ko na siya sinubukang gisingin. Napagod din yata kasi siya dahil buong araw niyang tinatakbuhan si Riley, e. Natakot yata na baka kainin talaga siya ng kakambal niya.
Pagbaba ko, nakita ko na nag-uusap si Kuya at Saint. I was so curious kaya huminto ako saglit. Alam ko na masamang makinig sa usapan ng may usapan pero kasi...
BINABASA MO ANG
Just The Strings (COMPLETED)
RomanceAll her life, Mary Imogen Suarez was led to believe that she should end up with Parker Adrian Palma. Na dapat, kay Parker lang siya. Na si Imogen ay para lang kay Parker. But the problem was, Parker never looked her way, at least, not the way she wa...