Kabanata 25

867K 23.9K 15.4K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 25

Hindi ako agad nakasagot kay Saint. I was caught off guard. Ilang beses akong kumurap sa harapan niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.

"It's okay, Mary. I'm not rushing anything, alright? Take your time," he said and then smiled a little.

Biglang may parang kumurot sa puso ko sa mga sinabi niya. Na para bang sigurado siya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Na para bang mas kilala niya ang sarili ko. Somehow, it hurt... It did hurt. It stung. Hindi ko akalain na sa kanya ko pa maririnig ang mga salita na 'to... and I shouldn't be hurt kasi hindi naman totoo ang sinasabi niya.

I like him. I really do... kasi hindi naman ako masasaktan nang ganito sa mga sinasabi niya kung hindi, e.

I wanted to refute the words that he said pero parang buo na rin naman na iyong isipan niya tungkol sa nararamdaman ko. Bakit ba ganoon iyong ibang mga tao? Na para bang mas alam pa nila iyong nararamdaman mo kaysa sa iyo? Sila ba iyong may kontrol sa puso mo? Bakit pakiramdam nila mas alam nila? Kaysa sa 'yo na mismong nakakaramdam?

"Just... don't say yes if you're not sure with me. Because that would suck."

He smiled at me pero hindi umabot sa mga mata niya iyong ngiti niya... pero sinubukan ko na ngumiti pabalik kasi alam ko na wala naman siyang hangad na masama sa mga sinasabi niya sa akin. He meant well. But it did hurt.

Nag-ikot kaming dalawa sa mall at nag-usap na lang tungkol sa ibang bagay. Weird pala sa pakiramdam iyong ganito na umaarte kayo na okay kayo kahit na alam mo naman na hindi. Na kahit marami kayong pinag-uusapan, alam mo na mayroon kayong iniiwasan. Ang bigat pala sa pakiramdam nito.

Nasa loob kami ng isang ice cream parlour at hinihintay iyong order namin na banana split. Saint's his usual self again. Hindi na siya iyong seryoso kanina. Sa ilang buwan na kakilala ko si Saint, minsan ko lang talaga siya nakikita na seryoso kasi madalas, masaya lang naman siya. Unang beses ay 'yung nakita niya akong umiiyak dahil sa wedding booth ni Parker at Cindy... At 'yung pangalawa ay iyong ngayon. Pero kahit na medyo nakakatakot iyong seryoso na Saint, I liked it. I liked seeing all parts of him... Hindi lang iyong masayang Saint. I liked the serious Saint. I liked the happy Saint. And I will like all versions of him.

"Okay ka na talaga?" Hindi ko kasi mapigilan na tanungin siya. Ayoko kasi nung iniisip niya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya... I had been there and it was not a very nice place to stay at.

Mabuti na lang at dumating na iyong order namin. He dug in and began eating.

"Why wouldn't I be?" he asked back.

"Wala... Baka kasi—"

He looked me in the eyes. Ito na naman. Seryoso na naman siya. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Mary, I'm okay. I'm not like some people. When I say I'm okay, it means I'm okay. If I say I'm not, it really means I'm not... I'm very literal," sabi niya sa akin ng hindi pinuputol iyong tingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na itim na itim pala 'yung mata niya. "I'm okay, okay?"

Kaya napatango na lang ako. Ngumiti naman siya.

"Now, come on. Let's enjoy the ice cream, alright?" he asked and I began smiling.

Nag-usap lang kami tungkol sa mga ibang nangyayari at gumaan na rin talaga ang pakiramdam ko. Iba kasing kasama si Saint... Parang mawawala iyong mga problema mo kasi masaya lang siya palagi. I like being around these kind of people. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Just The Strings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon