V. Black Sheep

80 24 16
                                    

Chapter 5
Black Sheep
by Xandra Dela Cruz








-
Wala nang nagawa ang magkakaibigan kundi ang pumasok sa loob ng bahay. Bagamat di sila sang- ayon ay wala na silang magagawa. Hindi rin nila kayang hayaan ang kaibigan na mag isa, mamaya may mangyari pa doon. Konsensya pa nila.

-
Francis' POV

"Guys ano bang problema nyo huh?", sigaw ni Sarah sa amin. Bakas sa kanyang tono ang kaba at takot. Tumataas na din ang boses nya. Well,  lagi naman nakataas ng boses nya but this time, halong takot, kaba at inis.

"What? Sana di ka na lang sumama diba? Stop talking non sense bitch. Wala kang nagagawa dito kung hindi ang magreklamo nang magreklamo!", iritableng sagot naman ni Andariel sa dalaga. Palagi na lang talaga sila nagtatalo. Di ko alam kung ano ang puno't dulo eh. Basta laging nag uumpugan ang ego nilang dalawa. Walang nais na magbaba ng bandera nila. Pero ako na siguro ang may kasalanan kung bakit sila nagkakaganyan ngayong oras na ito.

"Pasensya na guys. Sana di ko na lang kayo dinala dito!", dismayadong sabi ko sa kanilang lahat. Di ko na din kasi alam ang gagawin eh. Medyo limot ko na yung daan papunta sa baryo namin. Matagal na panahon na kaming tumuloy doon. Nagulat nga sina mama, bakit sa dinami dami pa ng rest house ay yun pa ang napili ko. Pina iral ko na naman ang katangahan ko. Na excite na naman ako nang wala sa oras at lugar.

"Wala namang problema bro. Wrong timing lang naman", pagko comfort na sagot sa akin ni Marco. Sana nga walang problema.

"Yeah. Kung magbabangayan tayo, walang mangyayari. Libutin na lang natin ang buong kabahayan, malay natin may makuha tayo dito diba?", pagpapagaan ni Xandra sa mga kasama.

Mabilis din nag switch ang mood ng mga kasama ko.
*bzzz* *bzzz*
*bzzz* *bzzz*
*bzzz* *bzzz*

You have 3 new messages

Hi Francis! Kamusta kayo dyan sa Isla de Sinatra? Enjoy!

Hey? Kausapin mo ako? Miss na kita!

Hi. Ingatan mo kasama mo kundi papatayin kita.

Sa nabasa ko, parang nanlamig ako! Sino toh? Nevermind, mamaya nang loloko lang! Pero...

Bakit alam nya yung Isla de Sinatra? Di ko pwede lokohin ang sarili ko! Alam kong may masamang mangyayari.

Pero anong gagawin ko? Ayoko naman sila takutin, baka mag panik sila. Lalo na si Sarah..

Napaka sakit na balikan ng nakaraan kung iisipin ko pa. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

"Hey Francis? Tara na!" , sigaw ni Lowell sa akin. Nahuhuli na pala ako.

"Natulala ka dyan?" , sabi ni Andariel, sabay tapik sa likuran ko.

"W-wala wala!", pagsisinungaling ko. Di ko alam, kinakabahan ako. Namumuo din ang mga pawis ko at nanginginig na din ang buo kong katawan.

Di ata tama na magpatuloy pa kami... Pero wala naman kaming masasakyan kapag bumalik pa kami, wala na yung mga bangkero.

"Guys, I'm going to pee?", sabi ni Sarah. Pero si Xandra lang ang tanging pumansin sa kanya.

Di ko nga alam eh, bakit nag eexist pa yung mga ganyang tao. Kahit harap harapan ka nang sinasaktan, pinapahirapan o ini echupwera, di mo magawang magalit sa kanila. I'm not saying na martir sya.

Pero may karapatan si Xandra na magalit sa kagaya ni Sarah,  pero bakit hanggang ngayon, natatagalan nya yung babaeng yun.

Nakakapagtaka lang.

the Isla de SinatraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon