Chapter 2
Match Made in Heaven
by Xandra Dela Cruz-
"Ma, Pa, before I forgot. Aalis po kami mamayang madaling araw", paalam ko sa kanila. Napatigil naman sila sa pagkain nung marinig nila ang sinabi ko."Saan punta nak?", sabi ni dad. Sabay ubo.
"Sa province po ni Francis." , mabilis kong sagot. Nag aalangan pa ako sa lugar kasi wala naman akong idea. Busy ako sa pagtitig kay Xandra kanina.
"Ah ganun ba? Ilang araw kayo malalagi doon?", tanong ni mama. Sabay inom ng tubig at parang kinakabahan.
"One week daw po", sabay kain ng grapes sa harap ko.
"Ah, sino sino kayo?", seryosong tanong ni papa. Kaya napatingin sa kanya si mama at si yaya Meds.
"Si Sarah? Si Andariel, Marco, Louie, Si Adrian, Francis po, si Zero, Spades, Lowell", mabilis kong sagot. Mamaya madehado pa ako nito eh. May nangyari ba na hindi ko nalalaman?
"Where's Xandra?", curious na tanong ni dad.
"Magka away ba kayo? Magkasama lang naman kayo kanina ha?" dagdag pa nya. Alam naman nila kanina na hinatid ko si Xandra eh, why bothered? Pinag titrip-an na naman siguro ako ng mga magulang ko!-
Flashback"Help, help me!"
"Papasukin nyo po ako! Please"May babaeng baliw na kumakalampag sa gate namin at balak pa ata sirain ang gate namin. Wait? Sino yun? Si Xandra ba yun? Anong ginagawa nyan dito! Paanong nakarating yan dito sa amin? Aliw na aliw pa naman ako magdilig ng halaman dito.
"Help me please. May asong humahabol sa akin!", sigaw pa nito.
"Maam, bakit ho?", tanong ni kuya Paeng, ang guard namin.
"Papasukin mo ako! May asong humahabol sa akin please!"
"Eh?", nag aalangan pa si kuya? Kasi may nalalaman pang pakamot kamot sa ulo nya.
"Guard sino yang tao?", lintik na. Nandyan na si dad. Kung minsan pa naman ay di ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni dad.
"Di ko po alam eh. Hinahabol daw po ng aso!"
"Pleaseeeeee"
"Nandyan na oh!"Ang aga aga naman mambwisit neto! Oh shit? May aso nga! Patakbo sya sa direksyon ni Xandra. Mas mabilis pa ata ako sa kidlat nang bitawan ko ang hose at pinapasok siya.
"Thank you", napayakap sya sa akin bigla. At basa? Umiiyak ba si Xandra?
"Son, what is this? Magkakilala ba kayo?", curious na tanong ni dad.
"Classmate ko po sya!", mabilis kong sagot!
Sa dinami dami ng bahay dito pa sya pumunta! Pasaway na babae talaga! Kahit kailan talaga!
"Thank you very much. Wala na ba yung aso?", aligaga nyang sagot at tanong sa akin. Halata mo pa din sa kanya ang pagkabalisa.
"Wala na, kaya, pwede bang? Alisin mo na pagkakayakap mo sa akin", iritable kong sabi. Bakit ba kasi nandito yan! Pwede naman sa kapitbahay! Dito pa talaga. Nananadya talaga ang tadhana eh!
"Sorry!", tsaka sya kumalas sa pagkakayakap sa akin at pagka harap nya sa akin...
"Spadeeeees? Anong ginagawa mo dito!" , sigaw ng babaeng toh. Di ba nya ako nakilala sa boses?
BINABASA MO ANG
the Isla de Sinatra
Misteri / Thriller10 teens 1 island 1 trip 1 died and the rest will follow. Who do the killing? Are you ready? Grab a knife and be prepared.