I.

85 0 0
                                    

“Aira, pakopya naman ng assignment...” Ayan na naman siya, nakakainis! kinakausap lang ako kapag may kailangan. Kapag kokopya ng notes. Haay...

“Tss, gumawa ka kasi ng sarili mo! Asa ka na lang lagi sakin!” Bulyaw ko sa kanya.

“Aira naman o, pleaseeeee? Di ako gumawa kasi...” Reasons. Laging may dahilan. Kaya pinutol ko na lang ang sasabihin niya.

“Kasi ano? Namatay na naman ang aso niyo at pinaglamayan mo na naman? Aba, ilang aso ba meron sa inyo?”

“Ah eh...akfsbfafbafbafh” Bumulong na siya sa huli nyang sinabi. Bulong bulong pa. Nakakainis.

“ANO?”

“Wala, sabi ko marami kaming aso, kaya pleaseeee? Pakopya na, matalino ka naman.” Nagpapacute pero di naman cute.

“O! Eto...” sabay abot ng notebook ko sa kanya.

“Yun o! Salamat. Balik ko mamaya.” Yun lang ang sinabi niya at lumabas na doon niya siguro balak kopyahin ang sagot ko.

Nakipagdaldalan na lang ako sa classmates ko habang hinihintay si Ma’am Cortez.

Biglang nagsipasukan ang classmates namin na nasa labas. Hudyat na paparatring na si Ma’am. Nagsi-upuan na kami agad sa upuan namin na parang may mga sili sa pwet sa bilis bumalik sa kanya-kanyang pwesto at ganun din nawala ang ingay sa room namin para hindi mapagalitan ni Ma’am pag dumating na pero... bakit wala pa din si Ma’am?

“HAHAHAHAHAHAHAHA!” Siya yung tumawa nang malakas. Sinabayan siya nung mga classmates ko na galing din sa labas. Tsk tsk tsk. Sa tinagal-tagal kong siyang classmate bakit ba hindi pa din kami nasasanay na pinagtitripan niya lang kami? Nakakainis talaga.

“Epic! Pare!” Sabay apir niya sa katabi niya. Nagsimula namang magsungit ang ibang babae samin na mga nabiktima din ng trip niya. Siya lang naman lai ang pasimuno ng mga ganun.

“Hay naku, napaka talaga nyang si Janver! Nantitrip na naman!” Pagmamaktol na sabi ni Elaine habang papalapit sakin.

“Di ka na nasanay Laine. Lagi naman ganyan yan.”

“Akala ko talaga nandyan na si Ma’am! Magpasukan ba naman nang seryoso ang mga mukha! Hay nako!” Nakatayo siya habang nakasandal sa dingding malapit sa bintana.

“Pero nakakatuwa este nakakainis naman talaga siya di ba?” Ay pesteng dila, kung ano ano lumalabas sa bibig ko.

“Uyyy... Si Aira... Crush mo si Janver no?” Paguudyok sakin ni Elaine.

“Ako? Crush yun? NO way!”

“YES way!”

“NO.”

“Oh sige sabi mo eh. Haha. Tsk tsk.” Pero tinitignan pa rin niya ako ng nakakaloko. Kaya pinalo ko siya sa braso.

“Aray ha! Ayan na si Ma’am!” Sabay takbo sa upuan niya. This time totoo na nandyan na si Ma’am.

Nagsimula na ang klase. Nag-didiscuss na si Ma’am.

“Okay class, bago ko makalimutan, pass your notebooks.”

Kukunin ko na sana yung notebook ko sa bag kaso naalala ko na kay Janver nga pala.

“Ahm, Trish. Patawag naman si Janver o. Pasabi yung notebook ko.” Bulong ko kay Trish na katabi ko. Tinawag naman niya si Janver sa kabilang side ng aisle, doon kasi ang boys naka-upo.

Nakatungo siya pero nung kalabitin siya nung katabi niya, napatingin siya sakin tsaka ngumiti. Hala? May pagngiti samantalang kinukuha ko na notebook ko? Nakakainis ah.

“Class, faster! Magpapasa lang ang bagal pa!”

Nagmamadali na si Ma’am. Tinignan ko si Janver. I mouthed ‘Notebook ko!’

Then he returned a smile. Tapos nakita kong pinasa na niya yung notebook ko. Napahinga naman ako ng maluwag. Ayoko kasi ng late ako magpasa. Gumawa naman ako ng assignment tapos late ko maipapasa dahil may kumopya lang? Nako, magkakagulo tayo dito.

“Goodluck Aira.”

“Bakit Trish?” Goodluck? Para saan naman kaya?

“Na kay Janver ba notebook mo?”

“Oo, bakit?”

Ginantihan lang niya ako nang nakakalokong ngiti at taas babang kilay. Hala? Anong trip ng classmates ko at ang hilig akong bigyan ng freaky smiles?

“Gawin niyo yung exercise sa Chapter 6 page 123 sa 1 whole sheet of paper habang nagchecheck ako ng notebooks niyo okay?”

Agad naman kaming gumawa at yung iba nagkokopyahan. Si Trish? Ayan, kumokopya sakin. As always. Natapos na ako sa pag’sagot si Ma’am naman nagchecheck pa din. Ang mga classmates ko naman nagsasagot pa din pero si Janver nakatingin sakin. Hala bakit kaya? Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang umiwas ng tingin. Napangitii ako. Hala? Ngumiti ako? Ayst guni-guni ko lang. Pero buti na lang umiwas din ng tingin. Aba! baka pagtripan na naman niya ako. Mahirap na. Loko loko yan eh. Inilagay ko na lang ang ulo ko sa desk ko. Nakaka-antok.

“Aira?” Nakapataas ang ulo ng lahat. Ay ako lang pala.

“Aira Rodriguez.” Napatayo ako. Bakit kaya???

“Bakit po?” Casual kong tanong. Nakatingin sakin ang mga classmates ko nagtataka na mga classmates ko. At mas lalong ako! Teka hawak ni Ma’am yung notebook ko! Assignment ko? Tama naman ang assignment ko ah! Double checking ginawa ko!

“Come here Aira.”

Lumapit naman ako kay Ma’am.

O_O

B-bakit may ganto sa notebook ko?!

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon