III.

31 0 0
                                    

Binuklat niya ang notebook ko. Maya-maya lang...

“Aray! Ouch! Masakit! Laine! Tama na! Ano ba??!” Tumigil naman siya sa pagpalo sakin! Aba! Ang sakit nun ah! Napahawak ako sa braso ko, aray. Huhuhuhu.

“Ikaw Aira umayos ka ah... Sabi ko na nga ba eh! OA ka lang kanina! Grabe ka! Pinahiya mo yung tao sa room wala namang kasalanan! Nakakainis ka!” Ihahampas na naman sana niya sakin yung notebook ko buti na lang naagaw ko kaagad yun sa kamay niya.

“Anong walang kasalanan?! Deserve niya yun! Pinahiya niya ako kay Ma’am!”

“Pinahiya? Eh anong nakakahiya dyan! Iba dapat ang maramdaman mo! Naku! Kung hindi lang kita friend malamang kanina pa kita pinatapon sa ilog Pasig! Argggh!”

“Eh basta nakakainis siya! Sa lahat ng ginagawa niya naiinis ako! Sobra! Yung tatawa siya, nakakainis na! Yung hihiraman niya ako ng notebook tapos ganun lang isusulat niya!? Ang babaw kaya! Sayang ang papel sa notebook ko at malas pa nakita pa ni Ma’am!”

“Anong mababaw doon? Ikaw ang mas mababaw! Para yun lang?! Hay nako, Aira mag-sorry ka sa kanya!”

“At bakit naman?! I didn’t do anything wrong!”

“Yes, you did Ms. Rodriguez.”

O_O   <= Ako at Laine

“M-ma’am Cortez?!” Nakangangang tanong ni Laine.

“I’m sorry for interupting your talk Aira and Elaine pero what you did there kanina after ko lumabas ay mali Aira. Janver is a good boy although sometimes makulit na bata pero he knows his limits. And seeing your outburst of emotions kanina sa room was outside the line.”

Mali ba ginawa ko? 2 versus 1? Talo na talaga ako.

“Sorry po.”

“Haha, not to me Aira.” Tapos umalis na si Ma’am.

Napatingin ako kay Laine. Mga ngiti niya hindi ko gusto.

“Let’s go Aira! Gabi na oh! I won! Yehey! Natalo din kita sa wakas. Haha.” Sabi niya sabay cling ng kamay niya sa braso ko.

“Tssss.”

Kinabukasan.

Pag pasok ko sa classroom, maingay pa din ang classmates ko pero maliban sa isa. Oh well, buti naman tahimik siya ngayon. Haha.

“Aira, pahiram naman ng notes sa Computer!” Akala ko ba tahimik na siya...

“Ano ba! Ay, ah eh oh sige. Eto oh.” Sabay abot ng notebook ko. Napahiya ako dun ah. Akala ko kasi si Janver. Hindi pala.

“Hi Aira!”

“Hi Laine.” Walang gana kong sagot sa kanya. Nawalan ako ng gana. Ewan ko ba. Baka PMS lang. I’m a girl after all.

“Oh bakit ganyan itsura mo? Namatayan ka ba?”

“Hindi.” Ako namatayan? Baka si Janver! Laging namamatayan ng aso yun eh!

“Eh bakit ka ganyan? May sakit ka ba?” Hinawakan niya yung noo ko pero parang napaso siya. Hinipan pa niya yung kamay niya.

“Hala bakit?” Hinawakan ko noo ko. Hindi naman mainit eh.

“Wala naman akong sakit Liane ah!”

“Anong wala? Meron kaya. Alam mo kung ano yun?”

“Ano?”

“LOVEnat. HAHAHAHAHA.”

“Baliw!” Sabi ko sabay lagay ng ulo sa desk ko. Nakakainis!

Dumating na si Ma’am Cortez. As usual nagdiscuss lang siya. Tapos may gagawin daw kaming activity. By partner daw. Sana naman si Laine partner ko para hindi ako mahirapan.

Pinagpartner na kami ni Ma’am by pin point. Ituturo niya gamit ang ballpen ng nakapikit sa class record namin.

“Elaine Mendoza.” Ayan si Laine na! Ako sana... *point*

“and Samuel Vargas.” Malas naman! Ang partner ni Laine eh si Sam. Dapat ako na lang siguradong tataas ang grade namin kasi makakapaginteract kami ni Laine ng ayos. Kaso wala nang pag-asa na maging partners kami.

“Okay so apat na lang ang natitira.”Sabi ni Ma’am. Apat na lang pala. Sino pa ba hindi natatawag? Hay ewan. Si Laine lang naman hinihitay kong tawagin pero may kapartner na siya.

“Aira Rodriguez and...” *point*

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon