"Turuan mo naman akong mag-drums, Tomoya!"
Pang-ilang beses ko na bang sinabi 'yan sa kanya? At ilang beses na ba siyang umiling sa tuwing kukulitin ko siya?
Hindi ko na mabilang.
"Sa ayaw at sa gusto mo, tuturuan mo pa rin ako!" Inirapan ko siya habang gigil na gigil na tinusok ng tinidor ang hotdog. Nginisian lang nya ako habang umiinom ng tsaa. Nandito kasi siya sa bahay at dumadayo na naman ng almusal. Sabay na raw kaming pumunta sa campus. Sus, PG lang talaga 'tong kinakapatid ko.
"Bakit mo ba kasi kinukulit si Tomoya na turuan ka? Baka naman tomboy ka na, anak?" Pagbibiro pa ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo at may katabing isang tasa ng umuusok na kape.
"Papa, naman! Hindi lang naman panlalaki ang drums. Balak ko kasing magtayo ng all girl band. May available na kaming vocalist, guitarist at bassist. Drummer na lang talaga ang kulang."
"Sweetheart, babaeng-babae si Zari. Ipinagkasundo na nga natin siya kay Tomoya." Singit naman ni Mama. Here we go again.
Bestfriends kasi ang parents namin nina Tomo. Kwento ni Mama, kapag daw naging babae at lalaki ang mga anak nilang magkakaibigan ay ipagkakasundo na nila. I really don't like the idea, Tomo either. Naging close kami bilang mag-kinakapatid at matalik na magkaibigan. No more, no less. Besides, ayokong dumugin ng fans nila ng banda nyang One Ok Rock. Yeah, sikat na sikat lang naman sa campus ang banda ng Kamatis na 'to.
"For the ninth time, bestfriends lang kami ni Kamatis. Hanggang doon lang kami. Ayokong mapahamak dahil sa baliw nilang fans." Sabay na napatawa sina Papa at Tomoya. Si Mama ay nakangiti habang naiiling.
"Tito, Tita. Hindi po ako pumapatol sa lesbian kong bestfriend. Masaka!" [Masaka! - No way!]
Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign naman si loko.
"Tigilan mo nga ako sa pagsasalita mo ng Hapon. Gets na gets ko, e 'no?!" Binato ko siya ng baby tomato kaso nasalo nya using his mouth. Eating monster.
"Sweet." Sabay na bigkas ng parents ko. Napa-facepalm na lang tuloy ako.
"Zari, let's go. Baka biglang magbago ang isip mo at pumayag kang bigla sa kasunduan ng parents natin. Salamat sa masarap na almusal, Tita. Sana maging kasinggaling nyo magluto si Zaripot." Pang-aasar pa nya.
"In your dreams, Tomato. In your dreams!"
\m/ \m/
Nag-aabang na sa school gate ang tatlo nyang bandmates, mukhang kadarating lang din nila. Ang siste para akong si Shan Chai na kasama ang F4 kaso mga Hapon. Nakaabang na rin ang schoolmates namin na kulang na lang ay maghugis-puso ang mga mata pagkakita sa apat. Hindi naman ako threat sa kanila dahil alam nila na ka-close ko ang One Ok Rock plus the fact na kinakapatid ko si Tomoya tapos bestfriend ko rin. Minsan tuloy feeling ko, pati ako ay ini-stalk na rin ng mga 'to. Ako pa ang ginawamg messenger dahil sa akin nila ipinapaabot ang mga sari-saring fan made chuchu items for OOR.
Wow, Zari. Ganda mo naman, e 'no? Nagbuhat ng sariling bangko.
Surprise quiz agad ang bumungad sa'min on our first period. A perfect way to start our Monday morning. Nevermind the sarcasm. Buti na lang at nausuhan ako ng advance self-studying.
Matapos kolektahin ang mga papel ay ipinaalala ni Sir Villaluz ang nalalapit na Foundation Day. As expected, tutugtog ang One Ok Rock.
Breaktime.
Tamang tambay kami rito sa isang batibot at dinig na dinig namin ang pag-uusap ng schoolmates namin.
"Excited na ako sa Foundation Day, girl!"