"Gachapin, bagay ba?"
Umikot-ikot ako sa harap ni Toru matapos ang i-costest ang gagamitin ko para sa cosplay convention bukas.
"Too revealing."
Binigyan nya ako ng nakakabagot na tingin sabay baling ulit sa inaayos nyang camera lens. Toru's a photographer, lagi siyang nagvovolunteer na samahan ako sa mga anicon. Hindi talaga kami close, tropa kasi siya ng tropa kong si Lorise — rocker and weeb at the same time. Isang sabi lang ni Lorise sa kanya, gorabels agad ang Lolo nyo.
"Si Nami nga icocosplay ko kaya malamang ganito suot ko," simangot ko sa kanya sabay tingin sa suot kong two piece. Naka-pants naman ako, a. O.A. lang ng isang 'to.
"Ang alam ko may malaking hinaharap si Nami. Ikaw naman kasi mali—" bago pa nya maituloy ang sasabihin nya ay naibato ko na sa kanya ang upuan malapit sa tabi ko. Biro lang. Naibato ko 'tong Gachapin plushie ko.
"Sumusobra ka na, a!" asik ko at padabog na naupo. Tinanggal ko na rin ang suot kong wig at nagpaypay sa sarili.
"Totoo naman ang sinasabi ko," inilapag nya ang Gachapin plushie ko at inabutan ako ng bottled water. Nag-mini photoshoot na rin kasi kami rito malapit sa bahay nina Lorise.
"Ang sabihin mo, kontrabida ka talaga sa buhay ko."
"I'm not like that."
"Yes you are!"
Natigil lang kami sa napipintong bangayan dahil dumating na si Lorise. Kumalma na ako kasi may dala siyang pagkain. Food is life kaya.
"O, ceasefire muna, love birds. Meryenda muna tayo," tukso pa nito habang iniaayos ang mga dalang pagkain. She's wearing a Detective Conan shirt and her cute eyeglasses. Si Toru naman, naka-One Piece shirt na regalo ko no'ng birthday nya. Hindi kami close pero niregaluhan ko siya. Sabagay, marami akong utang na loob sa kanya.
"Eww. Hindi ko papatulan 'yan. Kontrabida lagi sa buhay ko," nanggigigil na kinagat ko ang burger sabay irap.
"Hindi ako pumapatol sa flat."
"Aba't!"
Pumagitna na sa amin si Lorise dahil handa ko nang sapakin si Toru anytime. Nakakarami na, e.
"Hep-hep MC at Toru! Parang mga aso't pusa. Magkatuluyan kayo niyan, ewan ko na lang. Bagay naman kayo." Bakit ba kami shiniship nitong si Lorise? Napairap na naman ako.
"Over my dead, gorgeous physique."
"You mean flat?"
"Gachapin!"
Bago ko pa siya mabatukan ay kumaripas na siya ng takbo. "Call of nature!" sigaw pa nito.
Tawa nang tawa si Lorise dahil sa kalokohan ng tropa nyang malaki ang eyebags. Hindi ko sinasabing si Toru, pero siya na nga.